Chapter 8
Napatanga si Gracey nang tuluyan nang makalapit si Rock sa kanya. Seryoso ang mukha nito at namumula. Walang pasintabi nitong inilahad ang kanan nitong kamay sa kanya.
"Let's dance, Graciana." seryoso nitong wika.
Inabot niya ang kamay nito at nagpatianod lang siya dito ng hilahin siya nito patayo. Pero laking gulat niya ng bigla siya nitong hapitin sa kanyang baywang at ginawaran ng isang halik... Hindi lang basta halik kundi isang nakakabaliw na halik. Noong una ay naiilang siya dahil alam niya kung nasaan sila. Pero kalaunan ay nakalimutan na niya ang lahat dahil tinatalo siya ng matamis nitong halik. She taste the wine in his mouth and it really devours her whole being. Tuliro siya ng matapos ang kanilang kiss at nakita niya ang isang matipid na ngiti na sumilay sa labi ng kanyang kaharap. Hindi na ito mukhang galit kagaya kanina.
"I was jealous. I hope that jerk name Rouge got my message."
Sumulyap ito sa isang specific na mesa at napatingin din siya sa tinitingnan nito. Nakita niya doon si Rouge na nakatingin sa kanila at ngumiti. Itinaas nito ang hawak nitong goblet at saka uminom. Pumunta na sila sa dance floor at nagsayaw sa music ng It's your love by Gil Ofarim.
"Huwag kang magalit kay Rouge. Inaasar ka lang noon." wika niya.
"Alam ko at nagtagumpay siya. Napikon ako sa kanya kanina. Alam na alam talaga niya kung paano niya ako maaasar. Ewan ko ba kung bakit siya pa ang napili kong bestfriend." natatawang wika ni Rock.
Natawa na rin siya dito. She cling on his neck.
"So, okay na kayong dalawa?"
Napakunot-noo si Rock at matamang tumitig sa kanya.
"Hindi naman kami nag-away ah?" bigla nitong wika.
Napailing siya at hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"Mga sira." comment na lang niya.
Hindi umimik si Rock sa comment niya pero isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi nito. Nakatatlong kanta pa sila bago sila nagsawa. Naupo siya sa mesa at pinuntahan naman ni Rock ang anak nito. Napatigil siya sa akmang pag-inom ng tubig ng maupo sa tapat niya si Leon Acosta. Seryoso ang mukha nito.
"Nasaan si Candice?" walang gatol nitong tanong.
Uminom muna siya ng tubig bago nagsalita. Ibinaba niya sa mesa ang hawak niyang baso.
"Hindi ko alam." matipid niyang sagot.
"Come on, Gracey... Alam kong alam mo kung nasaan ang ate Candice mo."
Huminga siya ng malalim at napahalukipkip.
"Bakit mo ba hinahanap ang ate ko?" usisa niya.
Nagkibit-balikat si Leon. Napangalumbaba ito.
"Tsk! Hindi tumupad ang ate mo sa usapan namin. Tinakasan niya ako. Natural, hanapin ko siya."
Tinaasan niya ito ng kilay.
"Kung ganoon, bakit ka nilayasan ni ate Candice?"
Hindi nakasagot si Leon sa kanyang tanong. Natahimik ito at napatitig na lang sa kanya. Pero pagkatapos noon ay biglang lumambot ang expression ng mukha nito. Desperado itong tumingin sa kanya.
"Please, Gracey... Sabihin mo na sa akin kung nasaan si Candice. I need to talk to her!"
Gusto niyang bumigay sa pakiusap nito pero sa tuwing maaalala niya ang pag-iyak ng ate niya, mas nangingibabaw ang katigasan ng ulo niya at ang paninindigan niya sa kanyang pangako.
"Sorry, Kuya Leon... Hindi ko talaga alam kung nasaan siya ngayon. Matagal na kaming hindi nagkikita at nag-aalala na rin ako sa kanya kasi hindi pa niya ako tinatawagan."
Isang kabiguan ang nakita niya sa mukha nito. Dumating si Rock buhat ang tulog na si Angela. Nakaunan ang bata sa kaliwang-balikat ng ama nito. Tumayo na siya.
"Rock, please... Tell me. Alam mo ba kung nasaan si Candice?" the guy said it in a desperate tone.
Nakita niya ang pag-aalangan sa mukha ni Rock. Tumitig siya dito at napatingin din ito sa kanya. Bumuntung-hininga ito ng marahas at napakamot sa ilong.
"Pasensiya ka na, pare. Hindi talaga alam ni Graciana kung nasaan ang ate niya. Beleive me. Sinundo ko siya sa probinsiya. Wala doon si Candice. Sa tingin ko, may malalim siyang dahilan kaya ka niya nilayasan. Kaya dapat lang na paghirapan mo ang paghahanap sa kanya. Anyway, good luck na lang."
Binalingan siya ni Rock.
"Let's go. Uuwi na tayo."
Umabrisite siya kay Rock at sabay silang naglakad paalis. Nagpaalam sila sa bagong kasal at sa mga kaibigan nito bago sila tuluyang umalis. Nang makauwi sila ay agad nilang dinala sa silid nito si Angela at magkatulong nila itong binihisan. Matapos iyon ay nagpunta na sila sa kanya-kanya nilang silid.
Katatapos lang magshower ni Gracey at magbihis, pabagsak niyang inihiga ang sarili sa malambot na kama. Nakasuot siya ng cotton na jogging pants na kulay pink at puting t-shirt. Niyakap niya ang unan sa kanyang tabi at napapikit. Napagod siya pero sobra siyang nag-enjoy. Handa na siyang lamunin ng dream land ng makarinig siya ng mga katok sa pinto ng kanyang silid. Bigla siyang napamulat.
"Si Angela!"
Nasanay na kasi ang bata na katabi siyang matulog simula nang siya ang maging yaya nito. Mukhang nagising ito at hinahanap na naman siya. Mabilis siyang bumangon at agad na binuksan ang pinto pero bahagya siyang napaatras ng hindi si Angela ang makita niya kundi ang hot nitong papa na si Rock! Tuliro siyang napatingin dito. Nakasuot ito ng itim na t-shirt na hapit sa katawan nito at itim din na boxer shorts. Halatang bagong ligo dahil tumtulo pa ang tubig sa basa nitong buhok.
"B-Bakit?" tuliro niyang wika.
Isang matipid na ngiti ang sumilay sa labi nito. Hindi siya nito sinagot bagkus ay mabilis siya nitong hinapit sa kanyang baywang at naglakad papasok ng silid. Sinipa nito ang pinto kaya mabilis na nagsara. Napapaatras siya kasi mas malakas ito kaysa sa kanya.
"Rock..." napahawak siya sa dibdib nito.
Hinawakan nito ang punong-baba niya at matamang tumunghay sa kanyang mukha. Napatigil ito sa paglalakad.
"Nakalimutan mo na yata ang usapan natin, Graciana. Nandito ako para maningil kapalit ng pananahimik ko. Sa totoo lang, nahirapan akong panindigan ang usapan natin dahil naaawa ako kay Leon.. Ganoon pa man, mas naging matimbang ang simpatya ko sa ate mo at sa iyo..."
Isang alanganing ngiti ang sumilay sa labi niya.
"Singil agad? Hindi ba puwedeng bukas na lang?" tawad niya.
Pinagdikit ni Rock ang kanilang mga noo kaya naman napapikit siya. Ramdam na ramdam niya ang mainit nitong hininga at naamoy pa niya iyon... Bagong toothbrush at may mint ng mouthwash. Kagaya niya... Naaamoy din niya ang mabangong sabon na ginamit nito.
"Ngayon ko na gustung maningil. Hindi na ako makakapaghintay ng bukas..." husky nitong wika.
Matapos iyon ay tuluyan na nitong idinampi ang labi nito sa labi niya. Noong una ay nag-aalinlangan siyang tugunin ang halik nito pero kalaunan ay nadala na rin siya sa panunukso nito. Nang gumanti siya ng halik dito ay mas naging agresibo ito sa paghalik sa kanya. She felt his warmth and desire. His kiss was hot and passionate, igniting her body to go crazy and make her mind think nothing... Hinaplos nito ang likod niya at sobra siyang nakiliti kasi nadama niya ang mainit nitong palad sa bawat himaymay ng laman niya kahit na may suot siyang damit.