Hindi ko alam kung paano at bakit naging ganito ang sitwasyon namin. Nakakapagod na. Paano ko ba siya makakalimutan? Kailan ba siya mawawala? Bakit kasi ayaw makisama ng utak at puso ko? Okey corny na. Haay.
"Hoy! Tulala ka na naman diyan. Kaya nga tayo nagpunta dito para malibang ka di'ba?"
"Hindi kasi siya maalis sa isip ko, nakakainis."
"Ayun oh, gwapo yun." sabay turo sa lalaking naka white shirt.
"Huwag ka nga magturo diyan, baka manuno ka sige ka."
"Eh ano ba kasi gusto mo? Kanina pa tayo dito sa World of Fun tapos nakatambay lang tayo. Madami kayang boys kahit puro estudyante."
Nandito kami ngayon sa SM. Wala lang para gumala at magliwaliw. Buti nga sinamahan niya ko kahit sobrang busy niya sa baby niya.
"Ayun siya oh." sabay turo sa babaeng pumasok sa C.R. ng mall. Mahaba ang buhok, balingkinitan ang katawan at isa sa mga empleyado ng mall.
"Sino? Oh, saan ka pupunta?" pag-aalalang tanong nito sa kasama.
"Tignan ko lang yung sarili ko sa salamin." At tuluyan ng iniwan ang kaibigan.
~~~Ano kaya gagawin nu'n. At sino kaya yung sinasabi niya.Makapaglaro nga muna.
Imposible namang yung impakto eh nasa kabilang planeta 'yon.
"Shit! Ano ba 'yan nalaglag na naman!!"
Isip-isip kung sino? Sino? Sino yung babae? Ba-ba-e?"Bullshit! Gaga talaga 'yon!" Sabay labas ng WOF.
******
7/23/15