Kabanata XXIV

855 16 7
                                    

Kabanata XXIV:

- TYRONE ANGULO -

When: February 7.

Nandito ako ngayon sa 7-Eleven. Sabi ni Forrine, pagkatapos daw ng klase pumunta dito at hanggang ngayon, wala pa rin siya. Tsk.

"Tyrone, sorry nalate ako! May inayos kasi kami sa Glee club." bungad sa akin ni Forrine.

"Okay lang. Ano nga pala sasabihin mo? Dapat tinawag mo nalang. Nagmadali ka pa tuloy." sabi ko.

"Hindi, gusto ko kasi na personal ko itong ibigay sa'yo." sabi niya sabay bigay sa'kin ng isang... invitation?

"Para saan 'to?" tanong ko at tinignan 'yung invitation.

"Buksan mo dali!" sabi niya at inalog pa ako. Nananching lang 'to, pasimple lang.

"Oo na, 'wag mo na 'kong alugin. Pasimpleng chansing ka pa." pang-aasar ko habang binubuksan 'yong invitation. Binatukan naman niya 'ko, masakit ah. "Masakit 'yun Forrine." reklamo ko.

"Ikaw kasi." sabi niya sabay dila. Tsk.

Nabuksan ko na 'yong invitation at binasa ko na 'yung nakasulat.

You're invited to Forrine Chua's Debut.

11th day of February, Monday.

At *****************

"Debut mo na?!" napasigaw ako tuloy. Hindi ko kasi alam birthday ni Forrine! Aish.

"Tsk. Halatang hindi mo alam ha. Nakakatampo ka ha!" sabi niya.

"Sorry naman. Ang buong nasa utak ko lang kasi, 'yung pag-ibig natin sa isa't isa kaya 'di ko na nalaman pa ang birthday mo. Pasensya na." palusot ko nalang. Namula na naman siya na gustong-gusto ko naman. Haha.

"Leche. Mga palusot mo." sabi niya at pinalo pa ako. Ang sadista naman nito.

"Teka lang, Monday? Wala ba tayong pasok?" tanong ko.

"Wala. Halatang hindi ka nakikinig ha! May parang outing ang mga teachers para sa Valentine's Day daw eh. Basta ganun! Ikaw ang escort ko ha!" paliwanag niya. Ahh... Teka... Iyong huli niyang sinabi...

"Ha?!" nabigla lang naman ako. Syempre, ang saya nun.

"Ayaw mo?!" sigaw niya sabay taas ng kilay. Pinagtitinginan na pala kami dito, tsk. Okay lang 'yan.

"Wala naman akong sinabi. Nagulat lang naman ako." sabi ko.

"Bakit naman?"

"Kasi... Hindi ko inaakalang magiging escort ako ng babaeng mahal ko." sabi ko sabay lapit sa mukha niya, para mamula siya ulit.

"E-Eh... Lumayo ka nga!" sigaw niya at tinulak ako. Tumawa naman ako. Hahahaha. Nakakatawa kaya.

Nakauwi na ako ng bahay, si Forrine din nakauwi na. Hinatid ko muna, ganun talaga kapag nanliligaw. Sayang wala si Dad, tsk.

Dumeretso lang ako ng kwarto at humilatay sa kama. Bigla namang tumunog 'yong cellphone ko, tinignan ko kung sino at si Gino pala.

"Hello?" sagot ko.

(Kuya Idol! Musta na?) sigaw niya. At bakit naman mukhang masaya 'to?

The Heartthrob Will Be A Girl?! (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon