May's POV
Ang mundo raw sabi nila ay napamumugaran ng iba't-ibang masasamang elemento—.
—kaya magi-ingat ka.
"Magi-ingat ka."
'Yan ang laging bilin ng mga matatanda rito sa sitiyo Carlos. Ang sitiyo Carlos ay isa lamang maliit na bayan at nasa liblib na lugar ng Antique. Pero ewan ko ba. Mayroon ang lugar na itong hiwaga. Oo, hiwaga. Mga hindi karaniwang bagay na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya. Basta hiwaga. Hindi ko mahanap ang tamang salita para pintuhin ito.
Ako si Mayette at isa akong nurse. Isang medical intern na nadistino rito sa sitiyo Carlos.
"Sige salamat. Una na ko Ian ah," paalam ko sa kasama kong Intern. Siya si Ian. Kagaya ko, isa ring nurse na nadistino rito sa sitiyo. Matangkad, matipuno, at hindi mo maipagkakailang may itsura ang binata. Siya ang isa sa mga nakakasama ko lagi magmula nang mapunta ako rito sa sitiyo. At siguro nang dahil doon, nalapit ang loob namin sa isa't-isa. Hindi nagtagal, nanligaw sya sa akin.
Halos magkalapit lang din ang boarding house naming tinutuluyan dito sa sitiyo, hatid-sundo niya ako lagi. Walang palya. Pero ngayon, nagpaalam syang hindi nya ako magagawang ihatid at samahan pauwi. Hindi pa tapos ang duty nya sa hospital.
Need nyang mag-overtime. Ang sabi nya mamayang umaga pa sya makakauwi. Habang ako, tapos na ang rounds ko sa hospital. Nagsimula ako kaninang alas singko ng umaga at gusto ko nang umuwi dahil nanunuot na ang pagod sa aking katawan.
"May, magi-ingat ka ah, sabihan mo ko kapag nakauwi ka na. Tatawagan kita mamaya." Rinig kong wika nya bago ako tuluyang makalabas ng bukana ng hospital. Bakas sa kanyang tinig ang paga-alala. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses nya na 'yang sinabi.
"Oo. Sige, Ian. Salamat." Nginitian ko ito. Agad din namang lumitaw ang mapuputi nitong ngipin. Kahit na sa malayo, kitang-kita kung gaano kaganda ang mga ngiti ng binata.
Kinawayan ko ito saglit bago tuluyang tumalikod at naglakad palabas ng hospital para mag-abang ng masasakyang tricycle.
Sinipat ko ang suot na relo. Alas-diyes na ng gabi, sana ay may masakayan pa ako pauwi. Ganitong oras, halos konti na lang ang mga nagpapasadang tricycle. Napakatahik na ng sitiyo sa mga ganitong oras. Wala nang makikitang pagala-galang residente ng bayan. Tanging ang hospital na lamang ngayon ang makikitang aligaga.
Sa ilang minutong paga-antay, may huminto na ring tricycle sa aking pagpara. Sinabi ko ang lugar ng aking bababaan at halos makatulog na ako sa buong byahe nang huminto si manong.
"Ma'am, dito na lang po ako. Hindi na po ako makakakatuloy pa. Alam nyo naman po siguro kung bakit," wika sa akin ni manong na nakapagpagising ng aking diwa. Sinipat ko ang lugar kung nasaan kami. Malalaking puno, magubat, masukal, at walang kabahayan.
Nilingon ko si manong driver.
"Sige lang po, dito na lang po ako, Kuya. Salamat." Nginitian ko si manong driver. Nagbayad ako at bumaba ng tricycle.
Agad naman nang nagmaneho paalis si kuyang driver nang makababa ako. Ang tinutukoy na daan ni kuyang driver ay itong papasok sa subdivision ng Goma kung nasaan ang tinutuluyan kong boarding house. Hindi talaga naghahatid papasok ang mga tricycle driver sa daang ito. Maraming mga sabi-sabing mga kababalaghan ang nangyayari 'raw' sa lugar na ito. Marami nang naaksidente at nabawian ng buhay.
Gayun pa man, wala sa aking utak ang salitang takot, hindi ko maramdaman. Siguro dahil sa nasanay na akong dumaan rito ng gabi at wala namang kakaibang nangyayari sa akin. At isa pa hindi ako ang tipong naniniwala sa mga sabi-sabi.
'To see is to believe' ika nga nila. Mga tao lang talaga ang mahilig gumawa ng kwento.
Tinanaw ko ang dulo ng daan. Madilim sa unahan. Hanggang dito na lang sa aking binabaan ang poste ng ilaw at simentadong kalsada. Ang daan papasok sa madilim na gubat ay mabato at malubak na.
BINABASA MO ANG
Sitiyo Carlos [ONESHOT STORY]
Horror"You believe you're alone? Then who's breathing behind you right now? Whose footsteps are those behind you?"