Chapter 13

9 0 0
                                    

Binigyan sila ng menu ng isang waiter. In-order niya ang paboritong pagkain na lagi niyang ino-order doon, ang Sabu-sabu. Itinuro din niya ang tempura dahil mahilig siya sa malalaking sugpo. Idinagdag ni Raven ang Drumstick fried chicken at cooked rice.

"Alam mo bang ikaw ang babaeng pinakamaganda rito?" Hindi pa rin naglalaho ang ngiti sa mga labi ni Raven.

Nilingon ni Nathalie ang mga diner. Lahat ng magagandang babae roon ay nakatingin sa kanila, partikular kay Raven. At sa tingin pa nga niya ay halos mag-swoon ang mga ito sa binata. Ngunit hindi man lang tapunan ni Raven ng tingin ang mga babae. Nasa kaniya lang ang buong atensiyon nito. Sa kaniya lang nakatutok ang mga mata nito.

"Huwag mo nga akong biruin nang ganyan." Tinampal ni Nathalie ang braso ni Raven para patahimikin ang nagwawala na niyang puso. "Lahat yata ng babaeng nakaka-date mo ay iisa ang dialogue mo."

Humalakhak ito. "Totoo naman 'yon, ah. Hindi ka naniniwala?"

"Hindi lang kasi ako sanay." It was the big truth. Pangit siya noon kaya wala siyang naririnig na compliments mula sa mga lalaking nakaka-date niya, not even a single word of appreciation. Kung sakaling ang itsura niya ngayon ay tulad ng dati, marinig pa kaya niya ang papuring iyon?

She doubted it. Raven like beautiful girls. Mahilig ito sa mga babaeng sopistikada na maibabandera nito sa madla. "NO strings attach" and "NO COMMITMENTS" ang motto nito sa pakikipagrelasyon. Most celebrities practiced it.  Kaya siya nito pinapansin ngayon. Dahil para dito ay maipamamalaki na siya nito kahit kanino.

Inilapag ng waiter ang mga pagkain sa mesa. Nagsimula na silang kumain.

"Don't forget to remove the chicken skin, Nathalie," ani Raven nang kunin niya ang drumstick.

"Why?"

"Maraming cholesterol iyan. it's not good for your health." Dumukwang ito. Ito ang kusang nagtanggal ng balat sa hita ng manok. Sinigurong hindi siya makakain niyon. "Now,  eat."

Nangingiting napamata si Nathalie kay Raven. Mas malambing at mas maalaga ngayon sa kaniya ang lalaki. Kasabay niyon, may nakapa siyang lungkot sa kaniyang puso. Dahil ba sa maganda siya ngayon kaya ganoon na lang ang pagtrato nito sa kaniya?

Natigilan ito sa pagsubo nang mapansin ang expression na bumahid sa mukha niya. "Is something wrong? Hindi ka ba nag-e-enjoy sa food? Kung ayaw mo, let's look for another restaurant where you can eat comfortably."

"H-hindi. Masarap nga ang pagkain dito,eh. And I like the ambiance here."

"Yeah, right. Kaya kita dinala rito." Nagpunas ito ng table napkin sa bibig. "Kumusta na pala si Nanay Lauring?"

"Okay naman. Mabuti nalang at hindi siya gaanong sakitin tulad ng ibang nagkakaedad na." Ang tanging nirereklamo ng nanay-nanayan niya ang mga tuhod nito. Nirarayuma na kasi ito. Pinatingnan na niya ito sa doctorat niresetahan na ito  ng gamot para sa rayuma.

"Salamat at may isang taong tulad niya na hindi humihiwalay sa tabi mo kahit kailan. Siya ang nagpupuno ng pagmamahal sa iyo kapag nasa business trip ang Lola Ezperanza mo noon mahal ma mahal mo siya, diba?"

Nagtaka si Nathalie. Bakit maraming alam si Raven tungkol sa kanya? "Paano mo nalaman ang mga bagay na 'yan?"

"H-ha? Ah, iyon ang sabi niya nang magpunta ako sa inyo." Sabi nito nang hindi makatingin ng deretso sa kaniya.

Duda siya na magtatapat si Nanay Lauring ng istorya ng buhay niya. Hindi madaldal ang nanay-nanayan niya lalo na pagdating sa pagkatao niya.

"Teka, bakit ba yon ang napag-uusapan natin?" Again,  Raven flashed the charming smile that could easily soften her heart.

Napanatag ang loob ni Nathalie. Muli syang kumagat sa fried chicken.

"May itatanong lang ako, Nathalie." Dugtong nito.

Itinigil nya ang pagnguya. "Ano 'yon?"

Napatingin ito sa bibig niya at napangiti.

"About what?" Habang nagsasalita siya ay nasisiyahan itong pinanonood ang bawaj pagbuka ng bibig niya. Pinunasan nito ang bibig niya ng table napkin. May mantika palang dumikit sa nguso niya.

"About that man." Biglang naging seryoso si Raven.

"Sino ang tinutukoy mo?"

"That man you were with when I saw you and Cherry at the restaurant."

Natatandaan iyon ni Nathalie. Paano niya makakalimutan ang araw na iyon na nakita niyang may kasamang ibang babae si Raven?

"That was Francis. 'Kiko' for short, a suitor. Matagal ko na siyang manliligaw. Pero makulit talaga ang loko kahit binasted ko na." Habang sinasabi iyon ni Nathalie ay nangingiti siya. Hindi maitatanggi na may soft spot si Kiko sa puso niya, pero bilang kapatid lang.

  "May pag-asa ba siya kung sakali?"

Did she detect a note of dejection in his voice? O iba lang ang agkakarinig niya.

"Ewan ko. Pero hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. God is the only one Who knows everything." Mahirap magsalita ng tapos kung hindi niya alam ang magiging kapalaran niya. Baka wala siyang kamalay-malay na si Kiko pala ang makakatuluyan niya.

Pinisil ni Raven ang palad niya. "Kumain na tayo. Lumalamig na ang pagkain."

****

PLEASE: FOLLOW! VOTE! AND COMMENT!
Comment

When i see you SMILE( COMPLETE) UNDER-REVISEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon