Chapter 22

1.8K 45 0
                                    

Chapter 22

Balik sa kasalukuyan....

Andres: Napakalungkot ko noon sir, kaya simula noon nangako ako sa sarili ko na kahit na anong mangyari ay wala na akong pahihintulutang turista kahit na bayaran pa ako ng malaki na tumapak sa isinumpang isla na 'yan.

Tumahimik bigla ang paligid maging ang interesadong manunulat. Tanging ang mga ibon na nagsisiliparan sa himpapawid at sumasayaw na alon ang maririnig.

Ellie: Salamat.

Ang tanging nasagot ng binata sa kausap.

Pinaandar muli ni Andres at ng kanyang kasama ang motor ng bangkang sinasakyan nila at nagpatuloy papunta sa ibang isla.

Samantala, nilingon namang muli ni Ellie ang isla at sa huling pagkakataon ay hindi lang pitong kaluluwa ang nakita niya sa dalampasigan na nakatayo at nakatitig sa kanya kundi sobra pa. Ang mga hindi matahimik at nakakulong na mga kaluluwa ng mga Lorenzo at mga bisita nila.

Pagkatapos ng ilang oras na pag-iikot sa karagatan at pagbisita sa iba't ibang isla sa paligid ay bumalik nang muli sina Ellie at Andres sa resort.

Andres: Ano sir nag-enjoy po ba kayo?

Ellie: Oo grabe, salamat. Kaya lang medyo masakit ang katawan ko.

Andres: Okay lang 'yan sir, normal lang po 'yan. Sige po magpahinga na muna kayo at ipapahanda ko na po ang hapunan niyo.

Ellie: Sige salamat Mang Andres.

Magdadapit hapon na nang dumating ang dalawa kasama ang driver nila mula sa pag-iisland hoping nila. Agad na bumalik ng kanyang kwarto ang binata at sa unang pagtapak niya pa lang sa sahig ng kanyang tinitirhan na kubo sa ibabaw ng puno ay meron na naman siyang narinig na sumisitsit sa kanya.

Pppssssstttt.....

Napatigil bigla ang binata at muli hinanap ang kung sino man ang gumagawa nito sa kanya pero nang wala naman siyang makita ay nagdesisyon na lamang siyang pumasok ng kanyang kwarto.

Habang naliligo ang binata sa loob ng kanyang sariling banyo na gamit lamang ay timba at tabo ay may narinig na naman siya sa labas sa mismong loob na ng kanyang kwarto. Pero sa pagkakataong ito ay mga yapak na ang gumagambala sa kanya. Ang tunog nito ay parang mga takong ng sapatos. Nakiramdam ang binata at hindi na muna kumibo. Medyo nagtagal din ang ingay sa labas ng kanyang pinapaliguan.

Ellie: Sinong nandyan?!

Sigaw ng binata.

Pero wala siyang natanggap na sagot hanggang sa napansin na niya mismo ang anino sa paanan ng kanyang pintuan na gumagalaw, paroo't parito. Hindi na makatiis ang binata. Kinuha niya ang kanyang tuwalya na nakasabit sa isang pako at kahit na puno pa siya nang bula ay biglaan niyang binuksan ang pinto.

Ellie: Huli ka!

Napakatahimik ng buong silid. Maliit lang ang kabuuang laki ng kubo kaya kahit sa pintuan lang ng banyo ay kita na ang buong paligid ng naturang kwarto. Nang walang makita ang binata ay bumalik siyang muli sa loob ng banyo at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Pero nang tuluyan nang nakasara ang pinto ay saka rin dumaan ang isang malaking anino.

Matakot Ka! ( Book 3 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon