Kabanata 6

124 20 0
                                    

Seis|

Lumapit kami kila Alias. Nakikipag-usap sila dun sa anghel na nakita namin kanina. At habang nag-uusap sila ay nakita kong parang sinundot nung lalaki si Osirus sa tagiliran.

Oh my ghad.

I shake my head. Wag mo kasing bigyan ng malisya ang mga nakikita mo Ivy, baka nagkamali lang ako ng kita.


Parang wala namang napansin yung tatlo dahil sa mukha lang nung lalaki ang focus ng mga mata nila.

Narinig kong nagsalita sila Alias at nung anghel sa ibang linguahe na hindi namin alam. Base sa kanilang mukha ay seryoso ang kanilang pinag-uusapan.

Humiwalay si Osirus kina Alias, sumunod naman sa kanya yung lalaking sinundot sya.

Okay?

At malamang sumunod rin sa kanila sila Iris, Ella at Maddie. Kung nasaan yung lalaking kinahuhumalingan nila ay dun din sila. Sumunod na din ako since ayokong maiwan dito sa tabi nila Alias, hindi ko naman mawari ang lingguaheng ginagamit nila.

At mukhang di na nakapagpigil yung tatlo at kinausap na rin yung lalaki. "Ummm, excuse me pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Nahihiyang tanong ni Ella. Nagulat ng bahagya yung lalaki pero agad rin naman niyang tinakpan at ngumiti.

"Why do you want to know my name?" Tumaas ng kaunti yung kilay niya. Humahighik lang si Ella at sinabing, "Because I like you." Diretsong sabi niya.

Wow, like niya agad mga bes. Wala pa ngang 20 minutes na nakita niya ito ay like na agad. Like at first sight.

Unti unting nilapit nung lalaki ang kanyang mukha sa mukha ni Ella, at syempre si Ella naman ay parang pusa na di mapakali. Nilapit nung lalaki ang kanyang bibig sa mismong tenga ni Ella at sinabing "Di tayo talo bes."

Gusto ko nang matawa sa sinabi niyang yun kaya lang ay pinipigilan ko. Si Ella naman ay tulalang nakatayo, parang di yata nagsink in sakanya ang sinabi nung lalaki-- I mean lalaking babae.

"HAHAHAHAH!!" Malakas na pagtawa ni Osirus, napahawak pa nga ito sa kanyang tyan dahil sa lakas ng kanyang tawa, bahagyang napaluha pa ng ito at pulang pula ang mukha niya.

"Di tayo talo bes? Lol, sira na confession mo!" Natatawang sigaw ni Osirus kay Ella. Sinamaan lang niya ito ng tingin at umirap.

"My name is Josephina nga pala nice too meet you all." Pilit na pinatutunog babae niyang sabi. I chuckled.

Pero mas nagulat talaga kami nung biglang pinulupot ni Josephina yung kamay niya sa braso ni Osirus.

Amd this time si Ella nanaman yung malakas na tumawa.

"HAHAHAHA! akalain mo yun Osi, type ka pala ni Jose!" Tawang tawa kaming apat sa sinabi ni Ella. Si Josephina naman ay bahagyang napasimangot.

"It's Josephina. Not Jose." Pailing iling niyang sabi at mas hinigpitan ang pagpulupot sa braso ni Osirus. Pilit namang inaalis ni Osirus ang kamay ni Josephina sa braso niya but luck wasn't in his side this time.

"Ano ba bitawan mo nga ako. Nakakakilabot kang lalaki ka!" Pero tila ay walang narinig si Josephina at kinaladkad niya si Osirus for god knows where.

My ghad! Di ko talaga inakala na hahantong si Osirus ng ganun, well tama lang naman yun sa kanya dahil napakayabang nun at feel na feel niyang siya ang pinakapogi sa lahat. Hala sige, pagdusahan mo yang kayabangan mo, pati tuloy kapareho niya ng kasarian ay magkakagusto sa kanya.

"Ivy" narinig kong sabi ni Alias. Sinenyasahan niya naman kaming lumapit sa kanya.

"Okay, we've decided that if we'll let you go on this journey then we think you should try to seek him." Sabi ni Alias.

HellvenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon