Aisyah Cicely
"Mom."
Mabilis ko sinalubong ng mahigpit na yakap si mommy.
Pumunta ako ngayon dito sa mansion para kausapin silang dalawa ni dad. Halos dalawang linggo din ako hindi nagpakita sakanila matapos ko umattend ng gathering event kasama sila at ng ilang malalapit na kaibigan ng pamilya.
Which is ngayon ay labis na pinagsisihan ko na kung bakit pako pumunta ng araw na yun.
I simply gave myself enough time to think things through. I find it difficult to accept their abrupt choice that would forever change my life.
My grandfather. Lolo Henry arranged for me to marry his best friend's grandson, but I'm not on board with that.
Parang isang bomba ang sumabog ng gabing iyon. Lolo Henry announced in front of everyone that I will soon to marry the grandson of late Mr. Matias Montecillo.
Iba't-ibang reaksyon naman ang nakuha ng aming pamilya matapos ang anunsyo andun yung meron nagulat, nagtaka pero mas madaming umayon at natuwa.
Pero hindi ako makakapayag diktahan niya ang future ko. This is my life!
Uso pa din pala ngayon ang arranged marriage dahil never in my wildest dream na mangyayare pala ito sa akin one day.
That's why I am here now.
I made a plan.
"Mom I have something tell you." maagap ko hinawakan ang mga kamay ni mommy at dinala siya sa sofa na narito sa loob ng library room. "Wait where's dad? Kailangan niya din marinig ang sasabihin ko." ng mapansin hindi niya kasama si dad na pumasok sa kwarto.
Mom seems really unsure about how to respond.
"Mom." I called her again.
Batid nila ang mahalagang pakay ko kaya ako pumunta dito sa mansion. Bibihira kasi ako pumunta dito unless may mahalaga kami pag-uusapan bilang pamilya o di kaya naman pag may birthday celebration lang.
My mom heavily breathed. "He's with your Lolo Henry."
Sa pagkarinig ng pangalan ni lolo ay bigla ako binalot ng kaba at panlalamig ng kamay.
Napayuko si mommy habang hawak pa din ang aking kamay at pinisil ito. Alam ko naman naiintindihan niya ako kung bakit ganun na lang ang hinanakit ko kay Lolo dahil kahit si Dad ay nahihirapan kalabanin rin ito.
Dad and Lolo Henry are always arguing about it. Kaya pala parati stress at probelmado si Dad nitong nakalipas na mga buwan dahil ilang beses na pala siya kinukulit ni lolo tungkol dito. But Dad tried to reasoned out that I'm still young and not yet ready.
He knew that my parents were also against the idea of arranged marriage. Pero dahil isang kalapastangan ang sumuway sa kanya ay ni isa sa amin pamilya ay hindi siya kaya talonin at salungatin. Just because he had a promised and agreement with his late best friend ay ako na ngayon ang magdurusa? Where's justice? Hello!
Paano naman ako?
Cause I've always been a good girl from my family. I followed their rules without question. I've consistently been perceived as a well-behaved, compliant and responsible person.
That sometimes it's a pressure for me to maintain a perfect image to please them.
Pero wala naba ako karapatan pumili ng taong mamahalin at pakakasalan ko?
But Lolo Henry only wanted to ensure this family financial stability and security.
In his eyes, a successful arranged marriage wasn't about fleeting emotions or attraction, but about building a solid partnership that could weather any of life's storms. He had made this decision out of a place of deep love and concern for my wellbeing, even if it wasn't the romantic vision I had dreamed of for myself.
Fuck this arranged marriage!
Never ko nga nakita at nakilala man lang ang taong ipapakasal sa akin!
I couldn't fathom the idea of spending my life with someone chosen for me, a stranger I had no connection to or feelings for.
Buong buhay ko ay sobrang choosy ko sa pagpili ng boyfriend tapos ang ending... ipapakasal lang ako ni lolo sa hindi ko kilala.
Hindi ako makakapayag! kaya nga gumawa ako mismo ng paraan para hindi matuloy ang kasal.
Let's say I'm in a moment of desperation now!
At desidido nako sa gagawin ko.
"I have a girlfriend mom." pag-amin ko.
Gulat na gulat na napatingin si mommy sa akin. Napabitaw pa ito sa magkasiklop namin kamay at unti-unti napa-awang ang bibig.
"Are you kidding me Aisyah? K-kelan pa nag-iba ang— wait! Straight ka anak hindi ba? W-what happened?" nagugulohan at tila hindi ma absorb pa totally ni mommy ang nalaman.
Tumayo si Mrs. Lozano at tila natatarantang nag pa lakad-lakad at pabalik balik sa loob ng library.
"Mom maupo ka dito. I still have something to say." hindi na kasi mapakali ito at parang may malalim na iniisip.
Hindi pa rin makapaniwala si Mrs.Lozano sa biglaan pag-amin ng kanyang anak. "Aisyah I can't believe you. Kelan mo pa yan naramdaman? All I know is crush mo pa noon ang sikat na actor na si John Dave." tukoy niya sa isang hunk model-actor na kinahuhumalingan ko nung college pako.
I chuckle. "But that was before mom. Iba na ang taste ko ngayon." maarte niyang sagot.
Napahinto at namilog naman ang mata ng kanyang mom na humarap sakanya.
Gusto niya matawa sa itsura ng kanyang mommy pero nilabanan niya yun at pinilit mag seryoso.
"D-do you love her? Who is she? D-do I know that woman? I need to meet her." sunod-sunod na tanong nito na labis niya ikinatuwa at hindi na niya talaga napigilan mapangiti. Her mom was so adorable right now.
She can't imagine how much more her mom's reaction sakaling malaman nito kung sino yun.
Si Faine..
Parang biglang gusto niya masuka. Of course she doesn't love that stupid!
Pero dahil kailangan niya mag panggap at paniwalain ang kanyang pamilya ay paninindigan na muna niya.
Matamis siyang ngumiti at hinawakan muli ang dalawang kamay ng ina. "Yes, I love her so much. And you know her...It's Faine." diretsang pag-amin niya.
Kamuntik ng mahimatay si Mrs.Lozano at buti na lang ay napakalma niya ito at pinainom ng tubig saka nagpasyang dalhin sa kwarto para pag pahingahin.
Minabuti niya muna hayaan ang ina makatulog dahil alam din niyang stress din ito at kulang sa tulog ng mag daan linggo.
She went back straight to her condo and decided to call Faine to come over. Kailangan nila mag-usap at makapag plano sa gagawin nilang pretend relationship sa harap ng kanyang pamilya.
She believes it's the only way para masira ang planong pagpapakasal niya sa nag-iisang apo ng yumaong si Matias Montecillo.
She discovered that everyone in Montecillo's clan hold homophobic views.
Kaya naman walang kahirap hirap na madali siya nakaisip ng plano sa pamamagitan ni Faine.
Oras na malaman ng mga Montecillo na may karelasyon siyang babae ay masisira ang agreement ng dalawang pamilya.