Harana
Sylvie pov:
Naligo muna ako bago pumunta sa kwarto ko, naupo ako at nag cellphone. Habang nag ce-cellphone ako ay nakarinig ako ng malakas na pag......Gitara?
Nakakarinig ako ng pag gitara sa labas na tila ba galit na galit ang mga ito at nagpapalakasan ng pag tugtog, kaya dali dali akong lumabas, saktong pag labas ko ay syang labas rin nila Julia, Kye, at si Red na ngayon ay halatang naabala sa pag tulog at kunot na kunot ang noo.
"Ano yun?", tanong ni Kye. Hindi na kami nag abala na sumagot at bumaba na lamang ng dorm.
Pag baba namin ng dorm ay laking gulat ko ng makita si Thorn at Dylan sa labas ng gate.
"Oh my god!", sambit ni Kye na kinikilig.
"Shhhhh!! Stop!", saad ko, malalim na ang gabi ngayon tapos nag iingay pa ang dalawang mokong na ito.
Nakakahiya sa mga kapit bahay!
Thorn pov:
Nasabi na sakin kahapon ni Hailey ang inutos ko sa kanya.
Medyo magiging madali lang naman sakin ang gusto ni Sylvie dahil marunong naman ako mag guitar, may kagandahan din naman ang boses ko dahil pinasok ako nila mom sa vocal lesson nung bata pa ako.
11:00 na ng gabi, alam ko na nakauwi na si Sylvie ngayon dahil inutos ko kay ate Melissa na pauwiin sya ng maaga. Kaya ito, nag ready na ako. Nag suot ako ng white long sleeve at black pants, tyaka ako nag pabango, nag tali rin ako ng red na panyo sa leeg ko.
Alam nyo yung style ng mga suot nang lalake nung araw? Ganun ang dating ko ngayon!
Naka ready na rin ang guitar ko na pinabili ko lang kanina, dahil naiwan ko sa Thailand ang guitar ko.
Nag drive na ako patungo sa dorm nila Sylvie para simulan ang pangha-harana, actually di ko pa nasasabi kay Sylvie na gusto ko na manligaw, kahit confession ay wala pa. But tonight, i want to make this night special for us.
Pag dating ko sa dorm nila Sylvie ay nag spray muna ulit ako ng pabango tyaka bumaba dala ang gitara.
Saktong pagbaba ko ay may isang kotse ang huminto sa harapan ng kotse ko.
Pag baba nito ay laking gulat ko dahil si Dylan ito, at may dala rin syang gitara.
"Ano ginagawa mo dito?", tanong ko.
"Ikaw nga dapat tanungin ko nyan e, ano ginagawa mo dito?", tanong nya na tila nagulat din.
Napangiwi ako. "Wag mo nga ibalik sakin ang tanong ko."
"None of your business.", Nag kunot ang noo nito at nag buntong hininga pa bago binuksan ang lagayan ng guitar nya, ganun din naman ang ginawa ko.
Pinatugtog nya ang gitara nya at nag simulang kumanta, ako naman ay di nagpatalo at pinatugtog ko rin ang gitara ko ng mas malakas, di rin sya nag patalo at nilakasan pa nya ang tugtog ng kanya.
Maya maya pa ay bumaba na si Sylvie kasama si Julia, Kye at Red.
"Oh my god!", sambit ni Kye na tila kinikilig.
Kaya naman ay lalo ko pa nilakasan ang akin para mangibabaw ito sa pag tugtog ni Dylan.
"Shhhhh!! Stop!", saad ni Sylvie kaya napahinto kami
"Ano ba ginagawa nyong dalawa?", tanong ni Sylvie habang nakapamewang
"Ano pa ba bakla?!", saad naman ni Kye.
"Can i court you?", sabay naming sambit ni Dylan kaya nagkatinginan kami.
"WAAAAAA!!!", sigaw ni Julia at Kye habang magkahawak ng kamay at tumatalon talon.
"Anong court court? Umuwi na kayo gusto ko magpahinga ngayon!", saad ni Sylvie habang naka kunot ang noo at dumeretso na ng panik.
"Tssk! Mga abala.", ani naman ni Red at sumunod kay Sylvie.
"Good luck.", sambit naman ni Julia at pumanik na rin sa dorm.
"Kunwari lang galit yun si bakla hihi, good luck sa inyong dalawa!", si Kye na sumunod na rin sa pag pasok ng mga kaibigan nya.
Naiwan kaming dalawa ni Dylan sa ibaba, tumingin ito sa akin pag katapos ay umiling iling at tyaka binalik ang gitara nya sa lalagyan nito at sumakay ng kotse.
Dahil naka alis na rin naman si Dylan ay naisipan ko na ituloy ang pag tugtog ko, ayokong umuwing di alam ang sagot ni Sylvie.
"The way i look at you
will never be the same as i always do
everything has change when i saw you, when i liked you
i don't know how it's turned to be love~", kasabay ng gitara ay ang aking pag kanta.Ilang sigundo lang ay nakita ko na bumaba ulit si Sylvie kasama si Kye, Julia at Red.
"What is the feeling of losing you,
baby by my side?
Doesn't know how it feels, I will
never lose you now
Cause I have you by my side, I can't
live without you love,
Forever you and I, together now~", pag kanta ko at muli ay tinanong ko si Sylvie."I don't know how to say this Sylvie, but I can't sleep until I know your answer. So tonight, your friends are witnesses. Sylvie Montefiore, can I court you?", sambit ko na may kasamang matamis na ngiti.
"AHHHHHH!!", pigil na sigaw ni Kye at Julia na halatang kilig na kilig.
"Pumayag ka na Sylvie.", bulong ni Julia kay Sylvie.
Tumango tango naman si Sylvie kaya, napangiti ako.
"So it's yes?", tanong ko at tumango ulit sya.
Yayakapin ko sana sya pero pinigilan nya ako gamit ang kamay nya.
"OooOoppss!", saad nito kaya napahinto ako.
"Gabi na, kaya umuwi ka na, ingat.", saad nito at pumanik.
Naiwan ako sa labas ng dorm nila, ganun rin si Red. Hindi mawala ang malapad na ngiti ko sa labi.
"Hindi pa kita lubos na kilala Thorn, pero ayokong masasaksihan na umiiyak ang kababata ko ng dahil sa iyo.", ani ni Red kaya tumango tango ako.
"Don't worry, hindi ko gagawin ang kinakatakot mo kay Sylvie."
"Mabuti nang nag kaka-unawaan tayo. Malalim na rin ang gabi, umuwi ka na at baka ma-aksidente ka pa.", pumasok na rin ito pagka sambit nya.
Ilang sandali lang ay naisipan ko na rin umuwi, dahil bukas ay gagawin ko na ang next step.
Sylvie pov:
Kinabukasan......
Nandito pa ako sa room namin, inaantok sa discussion ni sir.
"blah"
"blah"
"blah, blah....."
Wala talaga akong maintindihan! Naiilang narin kasi ako sa pag tingin tingin ni Thorn