Ikalabinlimang Kabanata

60 4 3
                                    

Tatlong buwan na ang nakakalipas. Sa tatlong buwan na iyon ay pinamunuan muli ni Haring Rands Kyle ang buong Greenland. Nagrelease na din ng album ang hari. Nagtrend kasi ang kanta nitong Bed of Roses at Hello, I love you. Taray ng mahal na pabebe king ahh.

Nagkamabutihan na din sina Pauline at si Leigh. Sinagot na ni Pauline si Leigh noong nakaraang buwan at may balak na silang magpakasal. Kaso nga lang, hindi pabor ang mga mamamayan ng Greenland na ang magiging reyna nila ay mapapangasawa lamang ng isang probinsyano at ang mas masama ay salamangkero pa ito na sinasabing lahi ng mga masasamang nilalang na sumisira ng kapaligiran sa Greenland.

Naglevel up na ang relationship ni Ziane at ni Jethro. From best friends to super duper ultea mega best friends na! Noong nagtapat kasi si Jethro, pagkatapos nilang mag *ehem* kiss ay agad namang sinapak ni Rizziane si Jethro sa braso. Bumalik sila sa dati na palaging nag-aaway na parang aso at pusa. Payabangan, mga ganon. Kung sino mas maputi ang kuwan. Lol.

Samantala, narealize naman ni Nico babe na si Janina pala talaga ang gusto niya. Pero siyempre joke lang yon. Hindi kasi pabor ang storya na ito na magkaroon ng happy ending si Lady Janina. Pero, ganun naman talaga diba? Minsan naghahanap ka pa ng pagmamahal at atensyon sa ibang tao. Yun pala, nasa tabi mo na ang tunay na kaligayahan mo. At ang malungkot, tsaka mo lang marerealize na mahal mo siya kung kailan malabo na. Wala na siya. #FridayHugot.

Nakahiga ngayon si Isha sa kama niya at tila lugmok na lugmok. Wala kasi siyang makausap sa bahay sapagkat lumayas ng bansa ang nanay niya para mag eat, pray and love. Kala mo naman talaga e no? Julia Roberts daw siya.

"Hindi raw niya hahayaang mawala ako pero punyemas tatlong buwan nang hindi nagpaparamdam! Kabanas." Biglang napasigaw si Isha.

Napatayo siya sa pagkakahiga niya. Nagsosoundtrip kasi siya at nag iisip ng happy thoughts pero sumagi na naman biglaan sa utak niyang berde si Gaba. "Taeee. Nakakabaliw ka Rein! Di ka matanggal sa isip ko." Sabi ni Isha sa kanyang sarili. Miss na miss na talaga niya si Rein. Hay, kawawa naman ang prinsesang medyo chubby pero pretty.

Ano nga bang nangyari kina Rein matapos ang eksena sa tapat ng mansion?

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula noong naganap ang eksena na pag back hug ni Gaba kay Isha. Noong gabing niyakap ni Rein si Isha, kakaiba ang feeling ni Isha. Siyempre andiyan na yunt para siyang kinakabahan pero naeexcite. Baka nalilibugan lang? Ganun kasi ata talaga diba kapag ano...

"Sir, sa Sunday na po ang flight ninyo pabalik sa Whiteland. Sayang nga at nasaktuhan pa na kokoranahan na kung sino ang magiging prinsesa." Sabi ng secretary ni Rein na si Chris.

Humarap si Reinhardt mula sa pagkakatalikod at naupo siya sa may swivel chair ng office. Lumalim ang eyebags niya at namayat siya pero siyempre, pogi pa din. Nagkaroon kasi ng malaking problema sa bansang Whiteland kaya naman naging abala siya sa loob ng tatlong buwan. Nastroke ang kanyang ama kaya siya ang gumagawa ng mga trabaho nito habang wala pa itong malay.

"Shit." Napamura na lang si Rein habang hinihimas ang ilong niyang matangos. Stress na stress na siya. Miss na miss na din niya si Isha pero anong magagawa niya? Isa siyang tagapagmana ng kaharian kaya dapat niyang unahin ang bansa.

Matagal nang pinag iisipan ni Rein, mula nung lumabas ang katotohanan na isang prinsesa si Isha, kung ano ang kanyang gagawin. Hindi niya naman pwedeng mapang-asawa si Isha lalo na kung si Ishang magiging tagapagmana ng trono. Hindi rin naman niya pwedeng ipagpalit ang Whiteland para lang sa pagmamahal niya kay Isha. Hanggang sa eto na nga, nastroke na ang kanyang ama.

"Kung wala ka ng ibibilin ay aalis na ako." Sabi ni Chris tsaka lumabas na ng office ni Rein.

"Sige lang." Sagot ni Rein.

The Adventures of Ziane: Sa Lupain ng mga BerdeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon