CHAPTER 2

791 12 5
                                    


"Mukhang flat tire ka ah," sabi ni Shane.

Natapos sila mag-aral at sinamahan ni Shane si Reese sa parking lot. At doon nila nakita ang isang gulong ng kanyang Honda civic na wala ng hangin. Luminga linga si Reese at nakita niyang nagtatago sina Jazz at Mariel sa likod ng isang puno. May mga pilyang ngiti ang mga ito Kailangan niyang umarte na damsel in distress para matulungan siya ni Shane.

Marunong magpalit ng gulong si Reese pero ayaw niyang ipaalam yun kay Shane. Isa pa sobrang lady like ang suot niya at mahirap magpalit ng flat tire kung naka-heels at bestida sya.

"Oh shocks kailangan ko pang tumawag sa AAP para palitan ang gulong ko, " kunway worried na wika ni Reese at tumingin pa ito sa kanyang relo na parang nag-aalala sa oras.

"May spare tire ka ba sa trunk?" tanong ni Shane.

"Meron."

"Then I will help you in changing the tire," alok ni Shane.

"Naku, baka madumihan ang t-shirt mo, puti pa naman sayang," sagot ni Reese.

"Hey, okay lang yun. Mas imporante na maayos ang gulong mo kesa sa madumihan ang t-shirt ko," sagot ni Shane.

Lihim na napangiti si Reese sa pinapakitang 'gallantry at chivalry' ni Shane. Feeling knight in shining armor talaga ito.

Kinuha ni Shane ang gulong at agad nitong pinalitan ang flat tire. He was flexing his muscles in his arms and Reese felt herself get a bit hot and bothered at what she was seeing. Parang nanuyo ang kanyang lalamunan dahil sa pinapakitang the moves ni Shane. Feeling ni Reese na nagpapakitang gilas ang binata sa kanya. At bumenta yun kay Reese.

Nang matapos ilagay ni Shane ang bagong goma ay basang basa na ng pawis ito at medyo nadumihan ang t-shirt nito. Agad na kumuha ng bimpo si Reese sa kanyang shoulder bag. May pagka OC si Reese kaya laging kumpleto ang personal hygiene kit nito.

"Teka at mapunasan ko muna ang pawis mo," umaarteng natataranta si Reese.

Marahan niyang pinunasan ang pawis sa mukha ni Shane. Dinampian niya din ng bimpo ang leeg nito habang nakatitig lang si Shane sa kanya. Tumitig din si Reese pero hindi niya makayanan ang nakakatunaw na titig nito at umi as na din siya ng tingin.

"Ang sweet mo naman kahit si Britney ay hindi ganyan kaasikaso sa akin," komento ni Shane.

Napangiti si Reese. Sa tingin niya ay unti unti ng nag-iiba ang tingin ni Shanae sa kanya. Patunay lang na nagiging effective ang plano nilang tatlo.

"Oops, sorry ha baka may makikita sa atin ma chismis pa tayo," ani Reese at tinapos na niya ang pagpunas ng pawis kay Shane.

"Ah oo nga no, pero basta ba alam natin na harmless lang ang ginagawa natin wala tayong dapat ikatakot," sabi ni Shane.

"Kungsabagay. Kaso alam mo na madaming roving eyes dito at makakating dila. Baka mamaya lang trending topic na tayo sa twitter," biro ni Reese.

"Hayaan mo sila. Ah Reese thank you sa pagiging study partner ko. Sa tingin ko I will ace the exam on Friday dahil sa tulong mo," balik sa pagiging pormal si Shane.

"Glad to be of help."

"Sige, I have to go, coding ako ngayon eh at mag- co-commute lang ako," sabi ni Shane.

"Saan ang daan mo? Maybe I can give you a lift?" alok ni Reese.

"I don't want to impose," sagot ni Shane.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Boyfriend ThiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon