XVIII: Things Which I Despise about Him and Myself

3 0 0
                                    

"NO, hindi, lain. Hindi tayo aalis dito, Beta, hindi!"

Napasinghal ako at napakuyom ng kamay sa pagtutol ni kuya sa aking suhestiyon. Ilang ulit na rin akong nagpapaliwanag na wala na nga ang mga zombie sa labas pero ganoon din ang bilang ng pagtutol niya dito.

"Kuya, wala na nga ang mga zombie sa labas! Naka-ilang check na ako sa buong lugar wala na talaga!" Angal ko.

"Oh, tapos? Kanina 'yon hindi ngayon, papaano na lang paglabas natin andiyan na naman ang mga zombies?" turan niya habang naka-krus ang dalawang braso sa dibdib, halatang nagpipigil na batukan ako. "E 'di patay tayo niyan, idadamay mo pa kami sa katangahan mo!"

Sumama ang timplada ng mukha ko at pinaikutan siya ng mata. KATANGAHAN?

"Tsaka saan naman tayo pupunta, ha? Kung kailan meron na tayong matutuluyan na ligtas na lugar ay aalis pa tayo, bobo mo naman." Dagdag pa niya at tinabihan ang dalawa na nakahiga sa nakalatag na foam.

Ligtas? Mapakla akong tumawa at napahilamos ng mukha. Natutulog sina Gamma at Delta, Beta. Huwag kang masiyadong maingay.

"Anong ligtas ang pinagsasabi mo? Eh, halos ma-trap nga kayo ng mga zombie kahapon. Hindi ka naman bulag at tanga 'di ba para hindi ma-realize na delikado na 'tong lugar na 'to!" Pigil sigaw kong usal, pinipigilang kumawala ang bayolenteng alon na rumaragasa sa kalooban ko.

Pero mabilis na napawi ang mga alon sa kalooban ko nang makita ang pagdilim ng mukha ni kuya nang marinig ng sinabi ko. Hindi ko napigilang humakbang paatras noong tumayo ito at lumapit sa akin.

Sh*t.

"Puwede ba, Beta? Tigil-tigilan mo ang pagiging praning mo? Walang maidudulot 'yan sa 'yo," mabagal na usal nito. Mahinahon ang tono niya pero sa likod nito ay ang napakadelikadong pagsabog na minsa'y kinatatakutan ko. Tinatagan ko ang loob ko at sinalubong ang madilim na tingin niya.

Right now, my brother is a walking volcano, nearing his eruption that will bring destruction to his surroundings if I cross the line further.

"At mukha yatang nawawalan ka na ng galang, kuya mo 'ko, mas matanda ako sa 'yo kaya ayos-ayusin mo ang pananalita mo, Beta. Hindi porket wala si Mama at Papa dito ay magaganiyan mo ako."

"Hindi din ako bulag o TANGA." May diin niyang anas sa huling salita. His voice seething with anger while gazing at me dangerously, announcing his control and power over me...

One of the things which I despise about him.

Napalunok ako at mas sinamaan pa ang tingin, walang pumipikit sa aming dalawa. Diretso ang mga tingin sa isa't isa at nagbabadya ang karahasan sa bawat segundo maliban na lang kung may umapak paibaba.

"Sa tingin mo ba... makikita mo pa kami o buhay pa tayo ngayon kung TANGA ako, ha? Porket ikaw ang halos lumalabas sa atin, sa tingin mo nakakalamang ka na sa akin? Sa tingin mo ba ay ikakaangat mo ang dami ng napatay mo?"

"W-wala naman akong-" Naputol ang gusto kong sabihin nang mabilis siyang magsalita ulit.

"Porket buhay ka pa ngayon kahit nasa labas ka buong magdamag sa tingin mo makakaya mo na 'ko? Hindi!" bulyaw ni kuya at kinuwelyuhan ako.

"Beta, kahit anong gawin mo-kahit mag-training ka pa diyan. Hindi mo ako makakaya kasi ako ang mas malakas sa 'yo kaya huwag kang lalagpas sa linya mo!" Pabato niyang binitawan ang kuwelyo ng damit koat bumalik sa tabi ng dalawa na para bang wala siyang sinabing mga lagpas linyang mga bagay sa akin.

Noong pagtalikod niya lang sa akin ay naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko. My whole body quiver- for violence but I took multiple deep breaths and calmed myself.

          

Wala akong mapapala kung pumalag ako sa mga sinasabi niya, we are already in a dire situation due to the possibility of mutated zombies outside. Alam ko din na nasabi niya lang ang lahat ng 'yon dahil sa accumulated stress niya, I know he's been keeping himself sane and rational all this time for the four of us.

Right, dahil lang 'yon sa stress niya, Beta. Huwag mong damdamin.

That's why as someone who's been used to his antics when he was stressed before, I should be more mindful of how I act and what I say all the time. Our siblings are still children and have not much knowledge about other things and... they still need to grow up, safely.

Mas pipiliin kong mamatay sa matandang edad ang mga 'yan kesa naman sa pag-piyestahan sila ng mga kumag na patay.

A painfully hour long passed and we still haven't said a word to each other, walang kaingay-ingay rin dito dahil natutulog pa rin ang dalawa kahit mukhang mag-a-alas dose na ng tanghali. I guess they were that tired to sleep that long.

When Gamma and Delta woke up, finally, the tension between us lessened but it was still there. Napagpasiyahan na naming kumain, tahimik, kahit ang dalawa ay tila nararamdamang may nangyaring masama sa amin ni kuya.

I looked at Delta who looked like wants to say something to me, I tilted my head to his side, lowering my body to level my ear to his mouth.

"Ate, tubig," bulong niya na para bang iniiwasang makaistorbo.

"Ate, tubig din!" Si Gamma habang nakalahad ang isang kamay.

I obliged, binigyan ko sila ng tig-isang baso ng tubig at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko maiwasan ang bumuntong-hininga habang nginunguya ang noodles sa bibig dahil sa ginawa ni Delta, it may be simple and something irrelevant but for me, it wasn't.

And I despise myself about that.

I tried to level down my voice and cleared my throat. Hoping not to trigger anyone.

"Pagkatapos niyong kumain ay liligo kayo maya-maya, ah?" Sh*t, still the same as ever. Gusto kong murahin ang sarili ko pero binalingan ko na lamang si kuya. "Kuya, ikaw na lang ang magpa-ligo sa dalawa. Ako na ang magliligpit dito."

Hinanaan ko lamang ang boses ko at mabilis na binawi ang tingin sa kaniya. Baka mamaya ay rumatrat na naman 'to.

"Bakit ako? Ikaw na," kunot noo niyang sagot at bumalik sa pagkain. "Kaya mo na 'yan, nakaya mo nga ang mabuhay sa labas ng isang gabi," pasaring nitong usal at tumayo nang hindi liniligpit ang pinagkainan.

Naiwan kaming tatlo sa dining table habang siya naman ay dumiretso sa kwarto. Napakuyom ang isang kamay ko sa ilalim ng mesa at nag-tiim bagang sa inasta niya. Pasensiyahan mo, Beta...

"Ate, ano gagawin ni kuya?" Rinig kong tanong ni Gamma sa akin, susubo na sana ng noddles.

Malalim akong huminga at ipinikit ang mga mata, kalma lang, tumingin ako sa kaniya at nagkibit-balikat. My face plastered with a fake mischief.

"Tatae 'yon."

Tahimik kong pinagmamasdan ang dalawa kong kapatid na nakaupo sa lapag at naglalaro ng mga nakuhang blocks sa isang kwarto dito. They were building some kind of brigde with tower on each end.

It was kind of sloppy one but I can actualize a bridge just by looking at it, similar to the London Tower. Naks, may plano ata ang dalawang 'to maging architect.

Kinuha ni Gamma ang isang miniature car at dahan-dahan na inilagay sa gitna ng bridge, then another three cars. It was all lined up, nauuna ang red, then ang blue, green, and yellow. Then out of nowhere, Delta suddenly put two cars that are bit bigger than the previous cars but due to the sudden movement the make up bridge... fell down into pieces.

Suddenly, everything around me slowed down, I saw how my younger brothers' faces slowly contorted into frown. Each pieces of the tower fell onto the floor- each blocks, from the smallest to the biggest blocks. I felt my eyes slowly blinking then it found those cars- scattered along with the fallen blocks, all of them broke. Except for the blue miniature car.

A defining silence occured to me- hindi ko alam pero parang may kung anong naputol sa utak ko nang makita ang laruang 'yon. It triggered something... something awful and traumatic inside me yet at the same time I can't comprehend what it was. The pain in my arm struck my system once again.

I pursed my lips and tried to hide the pain slowly yet torturingly spreading from my arm to my whole body. Nararamdaman ko ang pagpintig ng utak ko sa sobrang sakit.

"Delta, sinira mo!" Namalayan ko na lamang na inaambahan na ni Gamma ang bunso naming kapatid.

"Aray!"

It escalated quickly kaya tumayo ako kahit parang lumulutang ako sa ere at kasabay ng napakasakit na sensasyon sa aking katawan. Lumapit ako sa dalawa.

Magsasapakan na sana ang dalawa pero mabilis kong hinawakan ang mga papulsuhan nila at inilayo sila sa isa't isa. I bent one of my knees and looked at their eyes each. Theirs met mine, Gamma's gaze steady with ounces of mischief and provoking while Delta's held intesity of irritation and fiery.

"Tama na, magsasakitan na naman kayo," mahinahon kong usal at hinila palayo si Gamma, pero nagmatigas ito at hindi umalis sa puwesto niya, tumingin siya kay Delta, tila hinahamon pa ito na papatulan naman sana ng bunso namin. Gosh, these kids...

Napasaring ako ng mata at tumayo, pinatong ang dalawang kamay sa aking baywang. "Hoy, Gamma. Tigilan mo nga 'yan kapag ikaw talaga pinatulan ni Delta hindi ko 'yan pipigilan."

Aba, pipigilan ko pa ba si Delta e nang-aasar na si Gamma. Tignan natin kung uubra ang tapang ng isang 'to.

"Susuntukin kita! Susuntukin kita, Gamma! Bwisit ka!"

"Shh!" Agad na nahagilap ng palad ko ang bibig nito nang magmura at bantaan nito ang kuya niya. Hindi ko napigilang panlakihan ito ng mata bago tumingin kay Gamma na may mapang-asar na ngiti sa labi.

"Gamma! Ako ang papalo sa 'yo 'pag hindi ka tumigil diyan," inambahan ko ito ng palo na nagpalayo sa kaniya sa akin habang natatawa pa rin, at tumingin sa bunsong si Delta na napakasama ng tingin sa kaniya. "At ikaw naman, tigil-tigilan mo 'yang pagmumura mo! Hindi ka pa nga marunong maghugas ng pinggan mo pero pag sa mura ay ang galing-galing mo."

"Haha! Hindi marunong maghugas ng pinggan, ble!" Pang-aasar ni Gamma.

Mabilis ko itong sinamaan ng tingin at dinuro. "Hoy! Mang-aasar ka pa e isa ka pa naman!"

Natuptop ito sa kinatatayuan at napangiti na umiiwas sa tingin ko. Akala mo, ah.

"Si Delta kasi, eh! Nasira ang bridge, Bakit mo linagay ang truck, eh?" Reklamo niya pagkaraan ng ilang segundo habang nakanguso, halos ang tinis na ng boses niya at kulang na lang ay maging ibon ito.

"Gamma, tama na," pakiusap ko at pilit na hinihiwalay silang dalawa. "Baka mapasok pa tayo ng mga zombies."

Nasaan na ba si kuya? Wala ba siyang plano na tulungan ako sa dalawang 'to?

"Gamma! Delta! Tumigil na nga kayo!"

At the end, nagsapakan ang dalawa at napalo ko sila pareho. It almost got to the point where one of them almost threw a wooden block to another kung hindi ko lang nakapa ang number weapon na ginagamit sa amin noon; the mighty tsinelas.

I swear to God, ayokong may mapalo sa kanila especially considering our current situation. Ayoko namang magtampo o magalit sila sa akin habang busy kami na manatiling buhay. Because even the smallest mistake we might make today might lead us to the death door, in a painful way.

SEPARATED SERIES #1: The Four of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon