I thought searching for you would make me whole, but it only showed me how broken I really am.
----
STELL
Nasa airport na kami, at habang nakaupo ako sa waiting area, hindi ko mapigilan ang bilis ng tibok ng puso ko.
Excited ako, oo.
Pero mas nangingibabaw ang kaba.Sa wakas, may direksyon na ulit ang paghahanap ko.
"Grabe, Stell. Mukha kang batang binilhan ng bagong laruan," natatawang banat ni Justin habang nag-aayos ng bag niya.
"Hayaan mo na siya," singit ni Ate Leah. "After all, ilang buwan na niyang hinahanap si Erine."
"Pero Stell," sumeryoso bigla si Justin. "Alam mo namang malaki ang Japan, 'di ba? Wala kang kasiguraduhan na madali mo siyang mahahanap."
Alam ko naman 'yon.
Alam kong hindi ito magiging kasingdali ng pagsakay sa eroplano papunta roon at magically na lang kaming magkikita ni Erine sa isang sulok.
Pero...
Napangiti ako at tumingin kay Justin. "Kung nagawa kong libutin ang Australia ng dalawang taon, kakayanin ko ulit gawin 'yon sa Japan."
Pero ang totoo?
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Hindi ko alam pano ko sya sisimulang hanapin.
Paglapag namin sa Japan, hindi ko man lang naramdaman ang pagod. Parang nananatiling gising ang sistema ko dahil sa excitement at kaba.
Hindi ko alam kung dahil ba sa bagong paligid o dahil mas lumalapit na ako kay Erine.
Pagkarating sa hotel, saglit lang kaming nagpahinga bago diretso na sa unang event.
Ganito na ang magiging routine namin ni Justin-work, event, practice-paulit-ulit.
Pero sa bawat oras na may pagkakataon ako, gumagala ang mga mata ko. Baka sakaling sa isang sulok, sa isang crowd, o sa isang daanan... makita ko na siya.Maya't maya akong kinakamusta ni Justin.
"Ok ka lang ba?" tanong niya habang sabay kaming naglalakad pabalik ng backstage.
Nginitian ko siya. "Ayos lang ako, Jah."
Naningkit ang mga mata niya. "Eh mukha kang hindi ayos, e."
Napairap ako. "Paano mo naman nasabi?"
"Simpleng simpleng reason, Stell. Hindi ka kumakain ng ramen!" aniya na para bang isang major red flag ang hindi ko pagkain.
Natawa ako kahit papaano. "Tigil-tigilan mo nga ako, Justin. Wag mo'ng sunduin gigil ko."
"Hoy po seryoso! Dati halos maglupasay ka pag walang ramen, tapos ngayon, kahit tinanong kita kanina kung gusto mo, wala kang kibo?" Kinuha niya ang isang bottled water sa table at saka tumingin ulit sa akin, mas seryoso na. "Alam kong gusto mong hanapin si Erine. At ayaw kitang pigilan kasi alam ko kung gano'n siya kahalaga sa'yo at tutulungan pa nga kita eh. Pero Stell... please, wag mong kalimutan alagaan sarili mo, ha?"
Napatigil ako sa paglalakad.
Walang halong biro yung sinabi ni Justin. Ramdam ko yung pag-aalala niya.
Nagbuntong-hininga ako at saka ngumiti. "Hindi ko nakakalimutan sarili ko, okay? Tsaka... mas okay na 'kong ganito kesa sa dati."
"Mas okay ba 'tong Stell na hindi na makatawa nang totoo?"
Napalunok ako.
Dati, saglit lang ang usapang ganito sa amin ni Justin. Sanay akong nagpapatawa siya, sanay akong sinasakyan lang niya lahat ng gusto kong gawin. Pero ngayon, alam kong gusto niya akong kalmahin, gusto niyang ipaalala sa akin na hindi lang paghahanap kay Erine ang dapat kong pagtuunan ng pansin.
Hindi ko siya masisisi.
Pero kahit anong sabihin niya,
hindi ko kayang hindi siya hanapin o isipin.Hindi ko kaya.
Mula pa kaninang umaga, wala nang ibang nasa isip ko kundi si Erine. Kaya pagkatapos ng event namin ni Justin, dumiretso na kami sa lugar kung saan siya huling nakita sa picture.
Kahit sobrang pagod na, ayokong tumigil.
Bawat oras sa akin mahalaga,
Dahil iniisip ko baka yung oras na huminto ako ay ang oras na dapat makikita ko na sya.Kaya ayoko. Hindi ako titigil.
Habang naglalakad kami sa sidewalk, palinga-linga ako sa bawat dumadaang tao. Kahit isang pamilyar na mukha, kahit anong palatandaan na nandito pa rin siya.
"Stell, baka wala siya dito?" biglang tanong ni Justin, nakasunod sa akin habang sinusuyod ko ang bawat kanto.
Napahinto ako saglit. Huminga ng malalim bago bumaling sa kanya. "Kung wala siya dito, edi hahanapin ko siya sa ibang lugar."
Napailing siya. "Alam mong malaki ang Japan, diba? Hindi mo pwedeng libutin lahat 'to."
"Nagawa ko sa Australia, Justin. Kaya ko rin dito," sagot ko, determinadong ipinagpatuloy ang paghahanap.
Tahimik siyang sumunod sa akin.
Alam kong gusto niya akong pigilan, pero alam din niyang wala rin namang makakapigil sa akin.Ngayon pa ba na alam kong nandito lang sya?
Nakarating kami sa mismong spot kung saan nahagip si Erine sa litrato. Tumingin ako sa paligid, sa mga taong naglalakad, sa mga nakapila sa café, sa mga nakatambay sa park.
Pero wala siya.
Wala akong makitang bakas ni Erine.
Tumingala ako sa langit, pinipigilan ang namumuong luha sa mga mata ko.
Ayokong panghinaan ng loob.
Ayokong sumuko.Pero bakit ganito? Bakit ang hirap hirap?
Maya-maya, naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Si Justin.
"Stell... tara na," mahinang sabi niya.
"Justin, baka nandito lang siya, baka-"
"Stell," putol niya, mas firm na ang boses niya ngayon. "Kanina pa tayo paikot-ikot. Kung nandito siya, dapat nakita na natin siya."
Napayuko ako, nanginginig ang mga daliri ko sa frustration. "Pero-"
"Alam kong gusto mong makita si Erine. Pero baka naman hindi ito ang tamang paraan," dagdag niya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano tatanggapin na wala na naman akong napala.
Dahan-dahan akong tumango at sumunod sa kanya pabalik sa hotel. Tahimik lang kami buong biyahe. Nang makarating na kami sa kwarto namin, si Justin na ang unang nagsalita.
"Hey, Stell." tawag niya bago siya pumasok sa kwarto niya.
Napatingin ako sa kanya.
"Alam kong hindi ka susuko. Pero, Stell... huwag mong kalimutang alagaan din ang sarili mo, okay? Saka, tutulungan pa rin kita. Hahanapin natin sya."