Chapter 6

59 0 0
                                    

**6**

"Ate! Nakita ko kaya yung itsura nung kausap mo kahapon. Ang gwapo. Kung hindi mo boyfriend yun, pwede kong malaman pangalan?" biro sakin ni Bea pagkababa namin ng sasakyan.

Nainis naman ako. Ang pangit na nga ng umaga ko, mangiinis pa sya through stupid questions

"Pwede ba Bea, shut up." sabi ko. Well, ganyan talaga ako ka rude kapag inaantok pa.

Paano ba naman kasi tong si Mama. 4:45 am ba naman kami ginising, kesyo daw kailangan nyang pumunta sa office nya ng maaga, at dapat daw eh mahatid na agad kami sa school and whatever the other reasons are. Yan tuloy, 6:00 am pa lang, nasa school na kami. Si Christian nga, para kamong grade 2, natutulog pa sa sasakyan ng nakahiga.

Iniwan ko na naman agad silang dalawa pagbaba. Ayoko nang may magpalala ng umaga ko. Dumeretso ako sa classroom ko, kahit siguradong konti pa lang ang tao.

And surely, pagdating ko, limang students pa lang ang nasa room. dalawang lalaking na palabas labas, dalawang babaeng nagkkwentuhan, at isang lalaking tulog dun sa pinakalikod - Si Dylan. Pag upo ko nga dun sa tabi niya, nakita kong may hawak na naman siyang pencil sa kamay. Hindi na kaya to natutulog para lang mag drawing?

"He's a great artist, isn't he?"

Pagtingin ko dun sa nagsalita, nakita ko na naman yung babaeng mabait na bumati saken kahapon. Nakatayo siya dun sa tapat ko habang nakatingin kay Dylan. "Gia, diba?" tanong ko ng walang hint of friendliness. Hey, don't blame me. I'm naturally unfriendly eh.

Ngumiti naman siya at tumingin saken "Nakakatuwa naman, naalala mo pangalan ko." tapos umupo sya dun sa harap ko. "As I was saying... This guy-" tinuro niya si Dylan "-is a great sketcher. Bata pa lang siya, gifted na siya sa paghawak ng pencil and paper. Andami na ngang award nyan eh."

Oh.. Right. Why should I care anyway?

"Uhm, pwede magtanong ng isang unrelated question?" sabi ko.

Tumingin naman siya sakin "Yeah?"

"Eh kasi.. People keep saying na bihira lang magkaron ng new students dito sa section niyo. What's up with that, anyway??"

"Didn't anybody mentioned it to you?" Hay nako, malamang wala! Kaya nga nagtatanong dba? "Kasi, this section is, not that i'm boasting, the room of gifted and smart people. Dito kasi nilalagay yung mga matatalino na may special talents para matutukan din yung scholarships for college and other stuff. Hindi naman sa nagiistereo-typing, pero mahirap kasi yung entrance exam dito. And, yun nga, may certain qualifications para makapasok dito. Kaya you're special that way kapag nasa Section A ka"

"Special?" I asked nobody in particular "Wala namang special sakin e.."

Tumawa naman si Gia "Thea, you really are. Kaya ka nga nandito eh. Siguro hindi mo lang marealize kung ano yun." tapos may narinig kaming tumawag sa kanya galing sa labas ng room,  "Oh, sige, nice talking with you, later na lang, may tumatawag pa sakin." tapos tumayo na sya

Palabas na sana siya, kaso, may biglang pumasok sa utak ko.

"Wait!" sabi ko, dahil may isa pang tanong na naccurious ako. Lumingon naman si Gia.

"Er.. bakit mo nga pala sinabi sakin yung mga 'facts' about him?" tinuro ko si Dylan, na hanggang ngayon ay tulog pa din. Nananaginip siguro ng iddrawing niya. "Tsaka pano mo nalaman lahat yun?"

Tumungo naman si Gia, pero I can see she's smiling. Then, tinignan niya ko. "Crush ko yan eh."

And with that, lumabas na sya ng room

Hm... 

Crush?

That's.. Interesting.

---

THE ARTISTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon