" Eh bakit ka ba kase bigla na lang umalis sa ospital na yun ? " tanong ko ." Sabi kasi ni Nanay . Di daw talaga nila ko tunay na anak . Ayoko maniwala kasi pakiramdam ko palabas lang nila yun kasi nasunugan kami tapos kami yung taong isang kahig isang tuka . Oo , mahirap lang kami . Si Nanay labandera tas si tatay barbero . " nakikita ko na pinipilit nyang hindi umiyak .
" Kaya ayun gusto siguro nila na umalis na ko sa buhay nila kasi di na nila ko matutustusan kaya ipapamigay nila ko . Sabi ni nanay nasa labas na daw ng ospital yung mga magulang ko . Pero di ako handa na makita sila kung sila man talaga yung totoo kong mga magulang kaya ayun tumakbo ako at nakita mo ko tsaka dinala dito . Salamat ah " sambit niya . Kaya ayun tuluyan na siyang naluha .
Di ko namalayan na niyakap ko na pala siya . Siguro ito na lang magagawa ko para macomfort ko siya.
" Di kasi ako magaling magbigay ng inspirational words pero sana sa pagyakap ko sayo . Mafeel mo na nandito lang ako " sagot ko .
" Salamat James . " sagot niya .
Ilang minuto ko siyang niyakap . Hanggang sa mapagpasyahan kong alisin ang yakap at tanungin siya .
" Stepanya " sabi ko .
" Bakit ? " tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko .
" Kumain ka na ba ? " tanong ko.
" Ayy. Di pa pala. " sagot niya .
"Tara . Alis na tayo dito . Hanap tayo ng makakainan . " pag-aaya ko .
" Sayang naman yung view. Kulay asul yung tubig dito . Puti yung buhangin . Madaming puno . Tapos aalis na lang tayo ? " sabi niya .
" Next time na lang . Pag nagkita ulit tayo" sagot ko.
" Sana nga . Magkita pa ulit tayo " sambit niya.
" Sana . Oh ? Tara na ? " pag aaya ko ulit sakanya . Pero bigla siyang tumakbo at kumuha ng bato . Ano ? Babatuhin niya ba ko ? Nagmamagandang loob na nga ko eh.
" Oy ! San ka ba pupunta ? " tanong ko .
" Tara . Samahan mo muna ko . " sabi niya habang papunta sa isang puno .
Kaya ayun . Sinundundan ko siya .
" Ano bang gagawin mo dyan ? " taning ko . Pero nag uukit siya sa puno .
M.S.F. ?
"Ano yan ?" Tanong ko .
" Basta . Sulat mo naman initials mo . Pati yung date ngayon. " utos niya sakin . Tss. Sge na nga.
J.R.M
08/03/2015" Okay na ? Para pag bumalik tayo dito . Maaalala ang petsa ng pagkikita natin " sagot niya.
" Ah " sagot ko na lang.
--
BINABASA MO ANG
Pag-ibig lang to!
Teen FictionThis is about the love story of Maria Stepanya Flores and James Hizon .Will their lovestory proves that there's forever ? or they will just end it because of those challenges or some hindraces ?