Ermidion's Third POV
Pumasok si Safra na may kasamang mandirigma na may malaki at mahabang palakol sa likuran.
Nasa trono siya at nagpapahinga. Alam nyang hindi na nya mapapangasawa si Arfiona. Kagabi ay naganap ang Dugong Buwan. Alin lang sa dalawa. Buhay pa si Arfiona at may asawa na o nilamon na ito ng halimaw ng Dugong Buwan.
"Ano ang kailangan mo, Safra? At sino ang kasama mong iyan?" Nababagot nyang usisa.
"Kamahalan, ito si Axius. Isang mandirigma na nagtataglay ng karmosa." Pakilala ni Safra.
"At ano ang magiging pakinabang ko sa isang yan?" Nababagot pa rin sya.
"Kamahalan, mahusay na mandirigna si Axius. Pakikinabangan natin sya para makuha ang prinsesa ng mga diablo." Paliwanag nito.
Napatayo sya sa trono. "Ang prinsesa ay mas lamang na patay na!" Tumaas ang tinig nya.
napaatras ng isang habang si Safra. "Buhay sya, kamahalan. Nasa Elkiria. Kasama ng buong grupo nila."
Sandali syang natahimik. Inisip nya ang sinabi ng alagad. Kung buhay ang prinsesa ay malamang na may nakadaupang palad ito. Hindi na nya maaari pang mapangasawa. Kaya para saan pa kung hahabulin nya ang prinsesa?
"Kamahalan, ang lalakeng tumulong sa prinsesa ay ang hari ng Acrania." Dagdag pa ni Safra sa inpormasyon.
Napatitig sya sa alagad. "Kung ganon ay ang grupo nila ang pipigil sa atin."
"Opo, kamahalan."
"Axius, gumamit ka ng portal at paslangin ang hari ng Acrania." Utos nya.
"Masusunod ,kamahalan." Tugon nito at saka nagbigay ng paggalang.
"Safra, siguruhin mong makakarating sya sa Elkiria. Paslangin ang hari ng Acrania."
Nagbigay galang si Safra at saka tumalikod na. Kasabay nitong tumalikod ang mananandata at magkasabay na lumabas ng trono.
Xander's Third POV
Bigla syang kinilabutan at kinabahan. Hindi nya malaman kung bakit.
Kasalukuyan silang nasa balkonahe ng palasyo. Magkakasama silang nagmemeryenda.
Inakbayan sya ni Azinaya. "Ano ba ang nangyayari sayo?" Usisa nito.
"Ewan ko ba. Kahit ako di ko alam kung bakit bigla akong kinilabutan at kinabahan." Amin nya.
"Lilisanin din natin ang Elkiria. Ano man ang dahilan ng naramdaman mo ay makabubuting mag-ingat ka." Sa kumalas sa pagkakaakbay at tumabi kay Manong Green.
Sumunod na lumapit sa kanya si Arfiona at walang sabi-sabing hinalikan sya.
"Para mawala ang kaba mo!" Masungit nitong sabi at saka kumalas sa kanya at pumuwesto sa tabi ni Serafina.
Problema nito? Umiskor lang sa akin eh!!!!!!
"Manong Green, saan ang susunod nating ruta?" Tanong na lamang nya.
"Sa bulubundukin ng Askabar." Sagot ni Manong Green.
"Pagkatapos natin sa Askabar?"
"Sa bayan ng Lameria. Doon ay sasakay tayo ng barko papunta sa susunod na destinasyon." Paliwanag nito.
"Ang layo naman ng lalakbayin natin!" Angal nya.
"Eh ano naman kung malayo." Naistress na sabi ni Manong Green.
"Wala bang shortcut?" Usisa niya.
"Meron." Si Azinaya ang sumagot.
Napabaling sya sa pangalawang asawa. "May shortcut naman pala. Bakit nagpapakahirap pa tayo sa paglalakbay?" Angal na naman nya.
"Hindi yon ganoong kadali." Sabi ni Arfiona. "Kakailanganin natin ng portal at malalagay tayo sa alanganin na sitwasyon."
"Bakit naman?"
"Dahil di natin kabisado ang paggamit ng portal. Maaaring kung saang lugar lang tayo mapadpad." Paliwanag pa ni Arfiona.
"Tama sya, kamahalan." Sang-ayon ni Serafina.
"Eh di wala din shortcut!" Napabagsak ang dalawang balikat nya.
Ilang sandali pa at dumating si Dayanira at hinila na sya palayo sa mga kasama. Dinala sya ni Dayanira sa mga kalye ng Elkiria. Lalo na sa mga pamilihan.
Bumili si Dayanira ng dalawang mansanas at binigyan sya ng isa. Na kinain naman nilang dalawa habang naglalakad.
Lingid sa kaalaman nilang dalawa ay may isang pares ng mga mata na nagmamanman sa kanilang dalawa.
"Dayanira, ang ganda naman ng kaharian mo." Puri nya.
"Natutuwa ko ,kuya. At nagustuhan mo ang lugar ko." Masayang sabi ng bata.
"Bumalik na tayo sa palasyo." Yaya nya. "Baka hinahanap na nila tayo." Dagdag pa nya.
Maraming nagliliparan sa paligid nila. Bagay na di na nakapagtataka dahil nasa kaharian siya ng mga salamangkero at salamangkera.
"Kuya, doon tayo sa koloseyo. Bisitahin natin ang mga dragon doon." Yaya ni Dayanira.
Wala na syang nagawa kundi sundin ang layaw ng batang prinsesa. Isa pa ay gusto rin nyang makakita ng mga dragon.
Tinuntpn nilang dalawa ang daan patungo sa koleseyo. Nagkalat ang mga magagandang lugar sa paligid. Nang marating nilang dalawa ang koleseyo ay walang katao-tao. Dumiretso silang dalawa sa piitan ng mga dragon. Doon ay namalas nya ang naglalakihang mga dragon.
"Kuya, ito ang mga dragon ng Elkiria. Pinaparami sila para magamit sa digmaan." Paliwanag ni Dayanira.
"Para sa digmaan?"
Tumango ito. "Nagdeklara ka ng digmaan sa pagitan ng mga diablo. Di ba, kuya?"
Napatango din sya. Totoo naman eh!
"Ang mga dragon ay magagamit natin." Kalmante nitong sabi.
"Dayanira, napakabata mo pa para isipin ang tungkol sa digmaan."
"Ganon ka rin naman, kuya." Nakangiti nitong sabi.
Napahawak sya sa batok.
"Kuya, dalawa lang tayong magkapatid. At isa pa. Ang Elkiria ay kaalyado ng Acrania."
Napangiwi sya. Hanggang ngayon ay itinuturing syang nakatatandang kapatid ni Dayanira. Ganon din naman sya. Parang batang kapatid na rin ang turing nya kay Dayanira.
Ang digmaan.. Kukuha ng maraming buhay para ipinaglalaban ng magkabilang panig.
Pero ano nga ba ang pinakaipinaglalaban nya? Ang katiwasayan at kaayusan ng lahat? O ang sariling pagnanasang makabalik sa mundo nya?
Pareho.. Naisaisip nya.
Nagbuga ng apoy ang isang dragon. Tumama sa kanilang dalawa. Hindi na nagawa pang makailag pa dahil nasopresa silang dalawa.
Pinakiramdaman nya ang sarili. Walang bahid ng sunog sa katawan nya. Binalingan nya si Dayanira at nakangiti ito.
"B-bakit di tayo nasunog?" Takang tanong nya sa batang kasama.