Chapter 48: So much for this day

45 7 0
                                    

Chapter 48: So much for this day

Keeno's Pov

Sh*t talaga! Di ko na alam gagawin ko! Di ko ma-contact si Nadine o si Vince! Bwisit! Pano na ngayon yan?! Di ko alam kung saan dinala ng g*g*ng Vince na yun yung girlfriend ko pagkatapos niyang halikan! Haaaaayss!! L*ch*ng buhay to oh!

Pano na lang kung mapano si Nadine? Ano na gagawin ko? Bakit ba ang bobo ko??

"Aray! Sh*t! Ano ba yan! Ayusin moo!!!" Dagdag init pa sa ulo eh! Ang sakit!

"Naku! S-sorry Keeno.. D-di ko talaga s-sinasadya..." Ginagamot kasi ni Nikki ung sugat ko na nasuntok ni Vince. Tinamaan niya pa dun sa mismong sugat tas nadiinan pa.

"Keeno, natawagan ko na si Nadine. Sabi niya, papunta na daw siya dito.. Kakausapin ka daw niya.." - Tiffanny.

Naghintay lang kami dito sa parking lot sa loob ng school, namin. Tapos na nga kasi ung game sa ibang school kaya andito kami ngayon sa school. Hinihintay si Nadine tska yung g*g*ng Vince.

Maya maya din, may dumating na din na sasakyan na alam ko ay kay Vince.

Palabas na si Vince mula sa kotse niya pero bago pa siya makalabas, hinatak ko na siya at kinuwelyohan at sinandal ko siya sa kotse niya. Mas matangkad siya sakin pero wala akong pake.

"P*t*ng*na mo saan mo dinala si Nadine?!" Sigaw konsa pagmumukha niya.

"Keeno... Relax insan.. Nag-usap lang kami... Nandito na siya ngayon. You don't need to do this." Tas tinanggal niya yung kamay ko sa kanya.

Paglabas ni Nadine, niyakap ko siya.

"Nadine.. Ok ka lang ba? Sorry di kita nahabol kanina. Di ka ba niya sinaktan ha?" Hawak hawak ko siya ngayon sa magkabilang balikat niya at tinitignang mabuti yung mukha niya. Baka mamaya may nangyari sakanya.

"Keeno ayos lang ako, wala siyang ginawang masama sakin. Ahm.. Pwede ba tayo mag-usap?"

"S-sige.. Tungkol saan ba yung pag-uusapan natin?"

"Ahm.. Tara.." Tas hinila niya lang ng kamay ko papunta sa building 102 ng school. Pumasok kami sa isang classroom. Walang tao dun, kami lang.

"Nadine, ano ba yung pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kanya pagka-upo niya sa teacher's table tas ako nakatayo sa harap niya.

"Keeno.. Kasi, ahm.. Ano.. Kasi..." Bakit di niya masabi? Ano ba kasi yun?

"Ano ba yun Nadine? Sabihin mo na.."

"Itigil na natin to." What? What the hell is the meaning of all this sh*t? Sumama lang siya kay Vince tas pagbalik niya makikipagbreak na siya sakin?

"No!" Sabi ko na lang. Ano kayang kag*g*han ginawa nung Vince na yun?

"Keeno.. Naglolokohan lang tayo parehas dito. Alam ko di mo ko mahal.. Dba pinagt-tripan mo lang ako? Tska, d-di din naman k-kita mahal eh.. Si Vince yung m-mahal ko talaga." Nakayuko niyang sabi. Anong kalokohan to?? Siya? Pagt-tripan ko?? Tas di niya ko mahal? Ano to?

"P*t*ng*na naman Nadine oh! Talaga bang yun ang tingin mo?! Na hindi kita mahal?! Manhid ka ba o ano? Tska anong di mo ko mahal? Nadine! Ano ba nangyari sayo?!" Di ko na alam.. Ang daming tumatakbo sa utak ko. A-anong di ako mahal ni Nadine? Anong pinagt-tripan? Anong? Aaaaaarrrgghhh!!

"Keeno.. Wag mo ng i-deny. Alam ko pinagt-tripan mo lang ako.. Di mo ko mahal talaga.." Ha? Ano bang sinasabi niya?

"Pano ka nakakasigurado jan Nadine?"

May nilabas siyang parang recorder mula sa bulsa niya tas may pinindot.

"Hahaha! INSAN kasi, naisip ko, hindi ko naman pala talaga gusto si Nadine. Pinagt-tripan ko lang talaga siya. I'm just kidding a while ago hahahaha. Sayong sayo na siya. Alam mo namang bakla ako eh. Ayoko sa babae hahahaha."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Sudden Twist of Fate [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon