CHAPTER 9

7 1 0
                                    

Ohonhonhon

Ohonhonhon

Ohonhonhon

Nagulat si Li nang may tumawag sa kanya. Nang nakita niyang ang pangalan ni Kessandra ang nasa screen ay hindi na siya nagdalawang-isip pa at sinagot na niya ang tawag na iyon.

"Napatawag ka? Wala pa naman tayong ipapasang assignment bukas ah..."

"(Huh?! Ah...eh...)"

"May gumugulo sa utak mo, hindi ba?"

"(....)"

"Come on, makikinig ako..."

"(Ate...hmmm...bakit hindi kayo naging close ni Jean?)"

"Ah yun ba...opposite kaming masyado ni William kaya ganoon and besides, mas madaling makasundo si Hersheys..." ang kaswal na sagot ni Li. "Bakit mo nga pala naitanong? Selos ka ba?"

"(W-Wha-- ahahaha! Si ate talaga ang lakas magjoke...ano ba ang--)"

"Umamin ka na lang kasi...nahalata na kita kanina eh..."

"(Eh bakit hindi ka nagreact?)"

"Dahil normal na bagay lang iyon...so, umaamin ka na nagseselos ka na..."

"(WHAT?! NO! NO! NO! HIN--)"

"Wag ka na lang magdeny pa..." ang seryosong sabi ni Li.

"(Hindi naman ako nagseselos...)"

"Tell it to the marines, young lady..."

Natahimik na lang si Kessandra. Sa palagay ni Li ay nag-iisip pa siya ng alibi para lanb maideny ang isang bagay na natuklasan niya. Huminga lang siya nang malalim para maipaalam sa nasa kabilang linya na naghihintay pa siya sa sasabihin niya.

"(Ate Li, kung sakali bang hindi kami ni Jean at pinakiusapan ka niyang magpanggap na girlfriend niya sa harap ng parents niya, papayag ka ba sa request niya?)"

"Of course, no...kabaliwan lang ang bagay na iyon..."

"(Eh?!)"

"Listen to me, alam ng parehong panig na imposible ang naisip mo dahil alam nila na we will create chaos...William is weird in his own way at ganoon din ako...hindi magiging maganda iyon for both parties..." paliwanag ni Li. "At isa pa, malalaman nila na palabas lang namin iyon dahil hindi kami marunong magsinungaling sa kanila...I am sure that we will just strangle each other's neck..."

Nakaramdam ng kilabot si Lessandra sa sinabi ni Li. Bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Li.

"Alam mo, kung sina Tito at Tita lang ang inaalala mo ay wag kang mag-alala dahil mabait sila pareho...hindi lang halata...may tanong ka pa ba?"

"(Uhm...wala na? Sige, I have to go na...bye...)"

"Bye..."

*BUSY TONE*

Napahinga na lang nang malalim si Kessandra habang nakatitig sa cellphone niya. Hindi pa rin niya malaman kung bakit pilit na sinasabi ni Li sa kanya na nagselos siya. She knows herself na hindi selos iyon.

'Nainis lang naman ako dahil hindi niya ako isinabay papunta roon...' sabi ni Kessandra sa kanyang sarili. 'Inis lang iyon, hindi selos...ano naman ngayon kung magkasama silang dalawa? Hindi naman talaga kami ng kumag na iyon...'

Samantala...

Ohonhonhon

Ohonhonhon

Ohonhonhon

Nag-groan na si Li, may tumatawag na naman sa kanya.

"Oh for the love of tomatoes, sino naman ang umistorbo sa akin ngayon? Talagang sumakto pa na matatapos ko na ang isang episode oh!"

FATED TO BE WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon