== Riri ==
Nakakatakot si Manang Bha kung nagdedesiplina kasi pingot talaga ang aabutin namin. Pero mahal ko po siya. Sila ni Nana Carmi. Sila yung naging magulang ko na. Lagi kasing wla sila mommy at daddy. Puro bussiness nalang. Two weeks na kami dito sa probinsya nila Manang Bha.
May laro kami mamayang 9am. Kaya naghahanda na kami ng mga tol ko ngayon.
"Tol, di daw makakasabay sina Bang satin kasi busy daw sila e." Sabi ni Vic.
Tumahimik lang ako. Nakakawala ng gana e. Sabi nila kasi manunuod sila.
"Manunuod naman daw sila. Kaso nga di sila makakasabay satin papunta ng gym." Dagdag pa ni Vic.
"Ready na tol? Let's go. Nagtxt na si Steph. Kita nalang daw tayo sa gym." Sabi ni Kim.
Tumayo na ako at binitbit ang bag ko.
"Okay ka lang tol?" Tanong sakin ni Kim at umakbay.
"Yeah."
"You're not in a mood. Why?"
"I want to see her. I miss her already." Sabi ko.
"Don't worry, hahabol nman sila e. Busy lang sila ngayon. At saka di ka matiis ni Stick." Sabi niya tinapik ako ako balikat.
"Hindi nga ba?" Tanong ko sa sarili ko.
== Jz ==
May laro sina Riri mamaya at nandito ako ngayon sa bahay nila Tita Lita tumutulong sa paghahanda. Nakaugalian na kasi dito na kapag pista ay may salu-salo. Nandito rin si Bang at syempre si Mela. At ako ay Princess Sarah ang peg ko ngayon. Nagbabalat lang naman ako ng patatas. At dalawang sako lang naman po.
Naku po, Hagardness overload. Kalahating sako nalang matatapos na rin ako.
"Stick! Bilisan mo. Tagal mo namang magbalat jan." Sabi ni Bang at tinulungan na akong magbalat na rin ng patatas.
"Ang kupad talaga ni Stick. Pag nagbabalat kasi wag nakatulala. Tsk!." Sabi ni Bang. Paglingon ko..
"Oh?! Anong nangyari sayo Bang? Umiyak ka ba?" Namumula kasi ang mga mata niya pati ilong niya.
"Hahaha... Mukha kang si Rudolf The Red Nose Reinder! Ano palang ginawa mo Bang?" Sabat ni Mela.
"Naghiwa lang naman ako ng isang plangganang mga sibuyas. Kainis! Sira tuloy beauty ko. Bilisan niyo na mga jan. 15 minutes nlang game na nila Vic." Sabi ni Bang.
"E tulungan mo nalang kaya kami dito." Sabi ni Mela.
"Kaya niyo na yan. Uwi muna ako at maliligo. Bilisan niyo Princess Sarah. Baka pagalitan pa kayo ni Miss Minchin. Hhahah." Sabi ni Bang tumalima na.
Binilisan naman namin ni Mela ang pagbabalat. Nang matapos na kami ay nagpaalam na umuwi na muna.
Pagkarating ko sa bahay ay naligo na ako at nagbihis. Kainis! 9:30 na. Mabilis na akong lumabas ng bahay at pumunta kina Bang. Pagdating ko ay nandun na si Mela. Nakasimangot naman si Bang.
"Ikaw na ang reyna ng kakuparan Stick.!" Sabi ni Bang.
"Sus! Andito na nga diba? Tara na nga." Sabi ko at nauna nang umalis. Nakarinig naman ako ng tunog ng motor kaya mabilis akong lumingon.
"Sakay na Stick. Bilis!" Sabi ni Bang. Wooohh.. Halatang excited talaga tong dalawa. Mabilis naman akong umangkas.
Si Mela ang nagdrive sa motor at nakaangkas naman kami ni Bang. Kaskasiro talaga tong si Mela.
"Kumapit ka Stick. Baka liparin ka. Magaan ka pa naman. Hahaha." Sabi ni Bang.
Kinurot ko naman siya sa tagiliran. Binubully na naman ako nitong pinsan ko. Nang makarating kami ay mabilis kaming pumasok at nakita namin si Tita Bha.