Reblog 45

139 3 3
                                    

Sabi Mo, Eh


Pakiramdam ko ay namatay ako ulit dahil sa sinabi ko sa kanya. I tried so hard not to cry. I tried to be tough in front of him. But seeing him like this... It's like crushing every broken pieces of me.

"No, please..." pagmamakaawa niya habang umiiyak. Umiling ako. Tatalikod na sana ako pero lumuhod siya at niyakap ako nang mahigpit. He cried even harder.

"I'm sorry, Sabinna, please," paulit-ulit niyang pakiusap habang nasa ganoong posisyon pa rin. Ang kanyang mukha ay nasa tiyan ko habang umiiyak pa rin. Hindi ko magawang pumalag. Para bang naubos na ang lakas ko sa kakaiyak at sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

And then the reality hit me like a train. I'm just his mistress. A homewrecker. A bitch.

"Let me go," I said firmly. Mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap niya. Naramdaman ko ang paglapit ni Kuya pero senenyasan ko siyang huwag lumapit.

"I'm sorry! Please, let me explain!" pagmamakaawa niya ulit nang marahas kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Tumalikod ako at aakmang aalis pero niyakap niya ako nang mahigpit mula sa likuran. Nakita ko ang galit sa mukha ni Kuya habang katabi ang naaawang si Ysa. Pumikit ako nang mariin.

"Sabinna, please," he begged as he turned me around. He looked at me and the tears I was holding flowed again just like that. He cupped my cheeks and kissed me. Hindi ako pumalag. I let him kiss me. I tried to remember the taste of his kisses, but this kiss felt different.

No, I can't feel anything at all. And it scares me.

"I love you, Sabinna," he whispered as he broke the kiss.

Umiling ako at tinignan siya. "No, you don't. Hindi mo ako lolokohin kung mahal mo talaga ako." Inalis ko na ang pagkakahawak niya sa mga pisngi ko. "You even faked the divorce papers. How dare you!"

"We did that because Tita Adah will not allow us! We processed the divorce secretly at habang naghihintay—"

"It still won't make any difference! Kasal pa rin kayo! At kabit mo lang ako!"

Tumalikod ako sa sobrang galit. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-daming paraan para maintindihan ko siya, ito pa ang nagawa niya.

"I did that because I'm afraid that you'll never accept me."

Natigil ako kaya hinarap ko ulit siya. Mas lalo akong nasaktan sa sinabi niya. Hindi ko alam na posible palang masaktan at mamatay ng paulit-ulit.

"All this time, Miguel? You belittled my love for you?"

His mouth gaped. "It's not –"

"Then what, Miguel?" I spat. "Hindi ba't ganoon naman talaga? Noong umpisa pa lang, hindi ka na nagsabi ng totoo kasi wala kang tiwala sa akin! Na wala kang tiwala sa pagmamahal ko sa'yo!"

Inihilamos niya ang mga kamay niya sa sobrang pagkabigo. Umiling ako. Hindi ko maintindihan ang panlolokong ginawa niya.

"I didn't tell you the truth because I know that someone evil like me doesn't deserve someone like you!"

"So you made a fake image of you, huh? Para doon ako umibig at hindi sa totoong ikaw? Then what? You'll let me fall in love with the illusion of you and let me stuck there forever while you're erasing the real truth? Ganoon ba?"

"No, I just need time—"

"I gave you enough time, Miguel! Kahit wala akong idea sa mga kasinungalingang ginawa mo dahil ang akala ko ay nag-a-adjust ka lang! You know that! You've had enough time! Pero saan mo ginamit? Sa pagdagdag pa ng kasinungalingan?" I sobbed as I try to breathe. "You can't trust me that's why you kept on lying! You don't love me at all!"

John Doe (BEST FRIEND SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon