Mark's POV
Pagkatapos namin kumain nagkwentuhan lang kami habang nagpapahinga. Mukhang palagay na naman agad yung loob nila doon sa bestfriend ni JB.
Ako? Sakto lang. Iba kasi aura ni JB. Kahit na makikita mong nakangiti siya, parang hindi ka satisfied.
Ang dami na niyang nakwento. Nakikinig din naman ako pero hindi naman ako nagsasalita katulad nila.
"Yi An, Kailangan na namin magpractice eh. May dalawang guesting kasi kami bukas." paliwanag ni JB.
Dalawang oras na pala kasi agad ang nakalipas. Noon ko lang napansin na ganun na pala katagal yung kwentuhan. Tumayo naman agad si Yi An nun.
"Okay lang Jaebum, magpapaalam na rin naman ako eh. Susunduin ko pa kasi si Rae." bakit naman susunduin niya pa si Cassy?
"Bakit? Saan kayo pupunta?" Ayan na si JB. Iinit na naman ulo niyan eh.
"Lalabas lang kami. Don't worry, Ihahatid ko nalang siya sainyo. Makakauwi ng safe ang asawa mo." sabay ngiti niya.
Di ko alam kung ganun lang ba siya ngumiti or nang-aasar siya. Siguro nagpipigil nalang si JB.
"Good. Iuwi mo siya kaagad." lumabas na naman kaagad si Yi An.
"Ayos ka lang Jb?" pabulong lang yan mukha naman kasing hindi nahalata ng ibang member yung aura nitong leader namin eh.
"Hindi." Hindi na ako nagsalita pa. Baka lalo pa mabadtrip.
Nagsimula na ulit kami. Ang init ng ulo ni JB. Pag may nagkamali nasisigawan niya. Masisisi niyo ba siya? Badtrip yung tao eh. Kaya ayun, nagsiayos na sila at agad naman naming natapos yung practice namin.
Nag-aya lang si JB kumain sa labas. Treat niya daw, Hindi na ako nakasama dahil sabi ko may.lakad ako, kaya nauna na silang anim na lumabas. Inayos ko lang yung gamit ko at umalis na rin.
**
Nandito ako sa bahay nila Hanna. Namiss ko ang girlfriend ko eh. Yeah, Girlfriend ko na siya. Sinagot niya ako noong after ng concert nila sa School.
"Oh Jagi, Napadalaw ka yata." Bungad niya sakin pagkababa niya.
"Namiss kita eh. Bawal na ba dalawin ang girlfriend ko?" Sabi ko sabay akbay sakanya.
"Sus. Eh diba busy kayo?"
"Yeah, Pero tapos na naman kami magpractice eh. Kaya dumiretso ako dito. Aayain din sana kita."
"Saan?"
"Birthday ata nung Daddy ng Bestfriend ni JB. Ininvite kami."
"Oh? Sinong bestfriend? May bestfriend ba siya?"
"Oo. Kung gusto mo siyang makilala sumama ka samin bukas."
"Okay sige. Andun naman si Cassy diba?"
"Oo." napatayo ako bigla noong makita ko yung mom ni Hanna.."Magandang Gabi po."
"Magandang Gabi rin." ngumiti lang siya at tumingin na sa girlfriend ko. "Nakauwi na ba si Ninna? Ginagabi na palagi yung batang yun ah. Ano ba pinagkakaabalahan nun?"
"Hindi ko rin po alam eh. Baka po pauwi na po yun. Itetext ko nalang po. Matulog na po kayo ako na po bahala." Hanna.
Umakyat naman agad yung Mom niya.
"Sige na. Uwi na ako Jagi, Chineck lang kita kung okay ka. Manunuod ka ba ng show namin bukas?"
"Oo naman."
"Sunduin nalang kita bukas. Goodnight Jagi." Then I kissed her.
"Ingat ka."
**
Cassandra's POVKanina pa kami magkasama ni Yian Oppa. Hinarang ako kanina nung pauwi na ko e. Seryoso pala talaga siya sa sinabi niyang hihintayin niya ako.
"Sigurado kang ayaw mo na umorder? Kaunti palang nakain mo eh."
"Oo Oppa. Busog na ako."
"Rae, Pwede bang bumalik tayo sa dati? Ayoko ng ganito. Ang tahimik mo. Namimiss ko yung totoong Rae. Kalimutan mo na yung nangyari noon. Magsimula tayo ulit....bilang magkaibigan."
"Ang hirap kasi eh. Nakakahiya sobra."
"Huwag ka na mahiya. Natanggap ko na desisyon mo noon palang dahil mahal kita."
"Sorry talaga sa nagawa ko." sabi ko sabay yuko.
"Wala na yun sakin. Tara?"
"Saan?"
"Ihahatid na kita. Baka pagod ka na eh." tumango-tango lang ako bilang sagot kaya ayun hinatid na nga niya ako.
Pagpasok ko sa bahay walang tao. Nasaan na yun? Hindi pa ba siya nakakauwi? Anong oras na ah.
Umakyat na ako sa kwarto ko at natulog na.
Kinabukasan...
Maaga ako nagising para ipagluto ng agahan ang asawa ko. Pero noong makaluto ako doon ko lang napansin na wala pa rin pala siya. Nasaan ba siya?
Bakit kaya hindi siya nakauwi? Masyado naman ata siyang nagpapakapagod sa trabaho niya.Wala naman akong pasok eh. Alam ko may show sila ngayon eh. Dadalhan ko nalang sila ng makakain! :) Saka para makapanuod na rin ako.
Nagdag-dag ako ng ibang pagkain at ibinalot na agad yun. Nag-ayos naman na ako. Didiretso na kasi ako kay Appa. Birthday niya kasi. Aayain ko si Jb, siguradong hahanapin siya ni Appa kung wala siya doon.
"Jackson Oppa!" buti nalang nakita ko siya. Ayaw akong papasukin nung Guard eh.
"Oh Cassy. Ngayon ka lang nagparamdam ah? Tara!" Hinila niya ako at saktong pagdaan doon sa Guard na ayaw akong papasukin binelatan ko. Haha!
"Whoo. Buti nalang nakita kita. Kung hindi malamang hindi ako makakapasok." Pagpasok namin sa loob nakita kong inaayusan na sila nung mga staff.
"Yeobo!" Nanahimik lahat ng nasa paligid dahil sa sigaw ko. Luh?
Lalapit na sana ako kay JB kaya lang naglakad siya at lumabas. Ano na naman to? Nakita kong napailing nalang sila. Lumapit sakin si Jr na katatapos lang ayusan. "Anyare dun? Nag-away na naman kayo?"
"Malay ko. Wala naman akong ginawa eh. Oh Oppa, Ayan kainin niyo nalang to. Niluto ko yan."
"Noonaaaa! Uuwi ka na? Di mo kami papanuorin?" Yugyeom.
"Manunuod siyempre. Sige labas na muna ako." Nabadtrip kasi talaga ako eh. Akalain mo yun? Isnabin ba naman ako. Mukha tuloy akong tanga kanina. Nakakasira siya ng mood.
Nandito na ako at nakaupo kasama ang ibang fans nila. Manunuod lang ako saglit saka ako aalis. Bahala siya! Hindi ko na siya aayain kila Appa.
Ilang sandali lang ang nakalipas at nakita kong lumabas na sila. Yung Just Right yung Pinerform nila. Ang cute talaga ng step nila dito. Ang gwapo ng Asawa ko! Nasa kalagitnaan palang sila ng performance ng makatanggap ako ng text.
Hi Cassandra,
Masyado na kitang pinagbibigyan. Enjoyin mo na si JB ngayon palang. Alam mo na, babawiin ko na siya.
Nagmamahal,
Ang Mahal ni JBYung pagiging kalog ko kanina biglang naglaho at napalitan ng kaba. Nanginig yung tuhod ko
dahil sa nabasa ko.Natatakot ako. Eto na ba yung kinatatakutan ko? Mawawala na ba ulit sakin si JB?
---
Okaaaay. May magbabalik na ulit para guluhin sila. Ayokong masaya si Cassandra eh. Lol! Nilagnat ako nung Friday. Jusko, nasobrahan ata sa stress!
Kbye!
--MAE
BINABASA MO ANG
Secretly Married to GOT7 JB
RandomYes, We are married. . . . Secretly Married. Kaya niya rin kaya akong mahalin? I hope so. I am Cassandra Rae Park and I am Secretly Married to GOT7 JB.