Grabidad 11: Space

91 4 0
                                    

Grabidad 11: Space

"Hahaha. What's next, Marc?" Napahinto ako sa paglalakad ko-

Hindi.

Sinadya ko talagang huminto sa paglalakad ko nang makita ko silang nagtatawanan. Wala akong kasama ngayon dahil kinailangang magpa-dentista ni Samantha kaya absent siya ngayon. Si Skylar naman na sa library at baka nakatulog lang 'yon doon.

Walang mangyayari kung maghihintay ako sa wala dahil mamamatay lang ako sa gutom.

"What? I'm just actually going to give up everything that time." Give up everything? Anong igi-give up niya?

Kaya pala hindi niya ko nasundo kanina kasi busy na siya rito. Naghintay lang pala ako sa wala. Nahuli pa nga ako sa unang subject ko eh. Argh! Ano ka ba Jam. Magkaaway kayo baka mamaya naaalangan lang yan na lumapit sa'yo.

Puno na ng tao yung canteen. Iilan na lang din yung bakanteng upuan. Nasa gitna naman sila at ayon pinagtitinginan sila ng mga tao. Samantalang ako kahihiyan na naman 'to sa'kin. Pero ayos lang, sanay naman na ko.

"Jam.." Napapikit ako nang marinig ko yung boses na 'yon. Yung malalim at malamig na boses na 'yon. Hindi ko naman iniaalis yung tingin ko dun sa lamesa ni Marcus at ni Abby, kasama pa nila si Marilane na masaya rin.

"Look at me." Kinagat ko yung labi ko. Pinilit kong ngumiti. Bakit wala akong magawa? Ako yung girlfriend diba? Ako. Bakit para akong tanga na nakatunganga lang sa ginagawa nila?

"Ja-"

"What?" Putol ko sa pagtawag niya. Humarap ako sa kanyang may pilit na ngiti. Imbis naman na sumagot siya tinitigan lang niya ko't ngumisi siya bago umiling.

"'Wag mong piliting ngumiti." Utos niya pa. Inayos niya naman yung bag niya kasunod non yung headphones niya.

"I'll help you. Don't worry." Iyon lang saka niya na ko inakbayan. Hindi ko na rin nagawang mag-reklamo. Wala na rin siguro akong lakas dahil sobra na yung mga nangyari sa'kin ngayon.

Iginiya niya lang ako sa isang bakanteng upuan at mesa. Akala ko uupo siya sa tapat ko pero inilipat niya yung upuan sa tabi ko.

"My treat. Let's order now." Nalilito ako sa mga pinaggagagawa niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa 'to.

"Break na ba sila Marcus at Jam?" Narinig kong tanong nung babae na nasa tapat namin. May mga kasama pa siyang mga kaibigan niya at halatang pabalik-balik ang tingin sa'min at kay Marcus nung ilan.

"I don't know, pero alam ko simula nung dumating yung Abby na 'yan nagkaganyan na sila." Tama ilang araw na rin kaming ganito? Magi-isang linggo na yata pero hindi nagtangka si Marcus na lapitan ako o kaya kamustahin ako kahit sa text lang. Parang nakalimutan niya ng may girlfriend siya.

Ang sakit.

Nararamdaman kong nagiinit yung sulok ng mata ko. Ayokong umiyak. Kaya ko naman 'to eh.

Tiwala lang.

"Ah. Kaya pala si Dustin na yung nilalandi niya ngayon?" Sunod na tanong pa nung isa sa kanila. Naikuyom ko yung palad ko, kinagat ko pa yung loob ng bibig ko para lang pigilan yung sarili ko.

Hindi ako lumalandi ng kahit sinong lalaki. Hindi ako katulad ng Abby na 'yan na pati lalaking may gilrfriend na pilit niya pa ring dinidikitan.

I know.

Kababata siya ni Marcus. Alam ko rin na may nakaraan sila. Pero tapos na 'yun eh. Bakit kailangan niya pang bumalik?

Si Marilane.

Tama, siya lang naman yung nagdala rito niyan. Gusto ni Marilane na guluhin kami, gusto niyang sirain kami ng kambal niya.

"Don't mind them." Lumingon ako sa kanya. Bakit ba niya ginagawa 'to? Ano bang dahilan? Dapat nga sinugod ko na si Marcus at tinabihan na sana siya ron para naman okay na kami at mawala na sa eksena yung babaeng 'yan.

Grabidad Ba?Where stories live. Discover now