IKAANIMNAPU'T TATLONG KABANATA

70 0 0
                                    

ZANCHO'S POV

INIS NA BINUKSAN ko ang pintuan ng opisina ni Pola na naabutan kong prenteng nakaupo sa couch niya habang may kinakalikot sa cellphone niya. Hindi na ako nag-abalang kumatok sa inis na nararamdaman ko sa kanya.

Salubong ang kilay na tiningnan ako ni Quel na nakaupo sa swivel chair ng magaling naming manager. "Problema mo?" takang tanong niya.

"Huwag ako ang tanungin mo kundi ang magaling natin na manager." nakasimangot na sabi ko.

Teka bakit nandito si Quel? Dapat ay nasa practice ito ng Gilas.

Sinulyapan lang ako ni Pola at muling itinuon ang tingin sa cellphone niya.

"Pinapunta mo ako dito tapos susulyapan mo lang ako ng ganyan." sita ko sa kanya.

"Pwede kang umalis kung hindi ka makapaghintay." Mataray na sabi niya habang tutok na tutok pa rin sa cellphone niya.

Napataas ang isang kilay ko. "Tapos? Tatawag ka na naman sa Vicenta's at sasabihin mo na may bomba doon?" Hindi ko na napigilan na sabi sa kanya.

Natawa siya ng pagak. "Five minutes Zancho, wait lang." sabi niya na abala sa COC.

Lihim na napailing na lang ako at lumapit sa lamesa niya at naupo sa upuan na nasa harapan noon. Mula sa binabasang mga papeles ay tumingin sa akin si Quel.

"Bakit nga pala nandito ka? Wala kayong practice?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat si Quel,

"Kausapin mo iyang kaibigan mo, ayaw maglaro sa Gilas kung hindi ka kasama." sabi ni Pola na hindi pa rin maawat sa paglalaro.

Tiningnan ko si Quel na tiningnan ng masama ang manager namin na hindi maaba

"Injured si Alwyn." sabi ni Quel.

"Ano naman?"

"Kailangan ka namin sa team." seryosong sabi ni Quel.

"Mas kailangan ako ni Vince," sagot ko.

"Si Vince nandyan lang, hindi aalis, ang Gilas once in a life time opportunity iyon, napakaswerte niyong dalawa at napili kayong makapagalaro sa team na iyon, tapos ngayon mag- iinarte kayo na parang mga babae." mataray na sabi ni Pola tumayo na at inilapag ang cellphone sa ibaba ng table at pinameywangan kaming dalawa ni Quel.

"Kapag hindi kayo pumirma ng kontrata sa Gilas, magre-resign na ako as manager niyo. Maghanap kayong dalawa ng manager,"Iritableng sabi ni Pola na ang sama na nang tingin sa aming dalawa ni Quel. Kung pwede lang sigurong magbuga ng apoy ang mga mata niya malamang na kanina pa kami nasunog ng kaibigan ko.

"Aalis ka bilang manager namin at sisirain ang mga buhay namin? Magaling, Iya Nakashima..." nkasmirk na sabi Quel.

"At baka tuluyan na niyang bombahin ang mga negosyo na pinaghirapan natin. Worst hindi siya titigil hanggat hindi tayo nagdudusa na dalawa.." dugtong ko.

"Bakit ba natin nakilala ang babaing ito?" Nakukunsuming sabi ni Quel na iiling- iling pa na tutop ang noo. "Kung alam ko lang..."

"Kung alam mo lang ano?" Sikmat ni Pola rito.

Hindi umimik si Quel at inis na tumingin na lang sa ibang direksyon. Ganoon siya kapag ayaw niyang makipagtalo kay Pola o kaya ay naunahan siya ni Pola ng katarayan nito. Pero kapag naunahan naman niya ng init ng ulo si Pola ay ito naman ang tumutupi sa kaibigan ko.

"Ano? Hindi ka na nakasagot? Nagsisisi ka na ba na nakasama mo ako at sinamahan sa matagal na panahon?" Mapait na sabi ni Pola.

Marahas na tiningnan ni Quel ang dalaga. "Saan mo na naman nakuha iyan?"

She's My Coach, I'm Her Player...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon