He's Loving The Poser
Orihinal na akda ni Andrewniel Perez | SavageIcePrince
All Rights Reserved 2015Chapter Three- Hating Him
BRYAN'S
Matapos akong mapicture-an sa seminar room para sa I.D. ay dumiretso ako sa cafeteria para bumili ng snack. Kung tutuusin ay 'di ko na kailangang sumabay sa kanila pagpapakuha ng litrato dahil pwede naman akong picture-an kahit nasa bahay ayon kay papa. Pero dahil ayaw kong magpa-espesyal ay sumabay na lang ako sa mga kaklase ko. Bawas trabaho para sa school photographer.
Mahaba ang pila sa cafeteria pero dahil medyo tinatamad akong pumila ay sumingit na lang ako sa unahan. Besides, gutom na talaga ako. Tinanghali ako ng gising kanina kaya wala na akong oras kumain sa bahay kanina. Isa pa, nakakatamad kayang kumain mag-isa. Pero dapat na siguro akong masanay.
Narinig kong nagbulungan 'yung mga nasingitan ko, halatang naiinis. After I got my food, I looked back at them. Smiled sweetly and said, "Your turn."
'Di nakatakas sa paningin ko 'yung ilanag babae na kinilig gayon din 'yung mga lalaking sa tingin ko ay seniors na halatang inis na inis.
I know since this day, I am getting hated.
x * x
Nagsuot ako ng shades paglabas ko ng cafeteria kahit hindi naman ganu'n katas ang araw since mapuno ang bawat pathways ng Forbes State.
Dala-dala ko pa din ang hanggang ngayon ay 'di pa nangangalahating chips na binili ko sa cafeteria kanina. Tumambay muna ako sa Ybarra M. Building at do'n na inubos ;yung natitira kong snack.
For an unexplainable reason, nako-komportablehan ako sa parting ito ng campus.
Maya-maya pa ay naisipan ko nang maglakad pabalik sa room.
Nang 'di pa ako nakakalayo ay naisipan kong lingunin ang building na pinanggalingan ko. Doon ay nakita ko si Gabby na nagmumuni-muni.
x * x
GABBY'S
Natapos yung kuhaan ng litrato kanina na daig ko pa ang natatae dahil hindi ako mapakali. Naiinis ako dun sa Bryan na yun. Napakayabang. Naiinis talaga ako sa kanya. Napahiya ba naman ako. Pero somehow, narealize ko na ako din naman may kasalanan. Napaka-assuming ko kasi. Bwiset na Chandria kasi yun, pinaalis ba naman yung nakaupo sa tabi nya mabakante lang. Imagine, pagkakaalam ko sa tabi ko lang may bakanteng seat, tas nagkaron bigla sa tabi nung Queen Baluga na yun? Bakit hindi ako mag-aassume.
Napakamot ako, bakit ko pa ba kasi iniisip yun. Move on. I won't let that monkey ruin my high school life. I let out a sigh.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad sa campus hanggang sa makarating ako sa Ybarra M. Building. A building named after my deceased father. Yes, one of the building from this renowned academy was named after my father. My father was a very good friend of Tito Jimmy Forbes, na may-ari ng eskwelahan na ito.
Well, my father died during the construction of this building. Yes, sya yung foreman. At since namatay ang padre de pamilya namin kung saan sya nagtatrabaho, Tito Jimmy took all the charges sa pagpapaaral sa naiwan nito, na hindi naman naging mahirap dahil nag-iisa lang ako, at isa nga itong paaralan. Grade three pa lang ako when the accident happened. He's been a very good father to me. Di ko namalayan na naiyak na pala ako. Memories.
Di naman ako nasasama sa may honor that time pero nung nawala sya, naging mas pursigido akong mag-aral. Dahil na rin siguro sa katotohang hindi ko kaanu-ano yung nagpapaaral sakin. It might not seem like it, pero malaki ang utang na looob ko kay Tito Jimmy.