Mystery

73 4 0
                                    

Chapter 01: "Mystery"

"Ma, bagay ba sakin tong damit ko? Ang galing kong pumili no?"

"Hindi! It's not suitable for your age young lady!"Mom

Hah??! Hindi daw bagay sakin? Hindi naman masyadong maiksi ah!

"Eto! Suotin mo!"Mom

AAAAAAAAHHHHHHHHH!!! Pang-matanda!

"Mommy! Pang-matanda to eh! Ambaduy!"Totoo naman eh!

"Hindi kita papayagan pumunta sa party na yan pag hindi mo yan sinuot"Mommy kasi!

"But mom!"

"No buts!!!"Ang sigaw ni mommy!

"Okay.. Ugh.."

Inaayusan na ako ni Mommy ng buhok. Papunta ako sa Party namin ng 3rd year.. Haayyy.. Naman! Kailangan kong isuot ang dress na ito na old fashioned! White dress na binalutan ng black straps! Kayo na mag-imagine! Basta pang matanda!

"Oh ayan! Magpahatid ka na sa driver!"Ang utos ni Mommy..

"Opo!" =_=

===================================

Sa Party..

"Hahahaha! Bakit ganyan suot mo?"Ang pang-aasar ni Raph sa suot kong pang-matandang damit.

"OO NA.. PANG-MATANDA NA."Ang na-asar kong sagot

"Hey guyz! Anong ginagawa niyo?"Si Ivan. Bestfriend din namin.

"Nang-aasar lang naman si Raphael Emmanuel!"Bakit ba kasi lalaki pa mga naging bestfriends ko?! Mapang-asar!

"Bakit? Maganda ka naman ah."Sabi naman ni Ivan. Dumali nanaman to. Halatang me gusto sakin tong bestfriend kong to! Hahaha! XD Kapal ng mukha ko!

"Nakaw! Osya lapain na si Via!"Aba naman tong si Raphael! Kung maka-sabi ng lapa! Buti na lang talaga at pogi tong mga bestfriends ko kundi hindi ko na to mga napag-tiyagaan!

"Ewan ko sayo!"Sabat ni Ivan! Kunwari pa tong kumag na to! XD 

"Ako na bahala dito! Huhubarin ko lang tong black straps. And.."

'Voila!'Ang ganda na ng suot ko! White dress! Hindi din pala siya pam'matanda pag inalis ung mga black! Wait.. Bakit an'daming naka-tingin.

At may.. Papalapit.. O_o

Si..

MARK????!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Unti-unting lumalapit sakin ang guwapong nilalang na napaka-tagal kong pinag-nasaa..-- Este! Pinaginipan!

Laka-lakad-lakad-lakad-lakad..

"Victoria right?"Mark..?

"Oo.. Oo.."Nauutal kong sagot..

Parang tumigil ang mundo namin. Lahat ng tao naka-tingin sa eksenang ito. Parang eksena sa pelikulang ayaw nilang ma-miss. Ang tindi ng eksenang ito na nagpatigil sa mga nagsasayaw at kumakain. Nakatitig lang din sakin ang dalawang bestfriends ko. 

"Can.."Mark

Ayan na!

'I.."

Malapit na!

"Dance..'

This is it!

"With..--"

"Yesss!!!!"Saktong pag-sigaw ko, naganap ang isang pag-sabog!!!!

BBBBBBOOOOOOOOGGGGGGSSSSSSHHHHHHHH!!!!

Nasilaw ako sa liwanag. Na hindi ko na naaninag si Mark pagkatapos niya akong ayain mag-sayaw. Hindi ko na din nakita ang aking mga bestfriends..

"Aray.."Teka! Boses ni Raph yun ah!

Hindi ko alam 

"Raphael!!! Nasan ka?"Sumigaw ako..

"Andito ako. Sa tabi mo.."Ay oo nga.

"Nasaan si Ivan?"Tinanong ko siya.. Wala pa din akong makita kasi nagkakalat pa din ang usok sa paligid.

"Hindi ko alam eh.."Naman! Nasan na kaya yun.

Ang bigat ng katawan ko. An'sakit ng ulo ko! Hindi ako maka-tayo para hanapin siya.. Am'bigat talaga ng katawan ko..

"Ugh..'Teka si Ivan yun ah.. Boses niya yun! Parang an'lapit lang. Sobra.

"Via?"Teka! Nasa.. Nasa.. NASA IBABAW KO SI IVAN!!!!! Kaya pala mabigat!

"Aaaaahhhhhhh!!! Alis!"Tinulak ko siya!

"Aray! To talagang si Via."Hmmmpppfffftt!

Unti-unti nang nawawala yung usok. 

"Okay lang ba kayo?"Tinanong ko sila. Um-oo naman sila.. Tumingin ako sa paligid. Naka-higa yung mga tao. Kaming tatlo lang yung gising. At.. Bakit may liwanag? 

May babaenglumitaw! Parang ninja! May balot yung mukha niya.. Pati yung suot niya pang Ninja.. Ano Siya? Nakinang yung suot niyang bracelet. (A/N: Fragment no. 5 Waver's Bracelet)

Tumayo ako.. Hinarap ko siya.. Dahil nagtatapang-tapangan ako. Punong-puno na ng sunog ang paligid. Lahat ng mga lamesa, mga upuan at pagkain ay nagkalat sa sahig. Kaya kung susugurin ako ng Ninjang ito, wala akong matatakbuhan. Haharapin ko na ang kamatayan. Tumayo din si Raph at Ivan. Hinarangan nila ako.

Lalapit na siya..

Handang-handa na akong mamatay kasama ang mga bestfriends ko. Pipikit na ako. Para harapin ang kamatayan.

"Hindi ko kayo sasaktan"Nag-salita siya?!

"Pano kami makasisigurado?"Ang marahas na tanong ni Raph.

"Andito lang ako para sunukan kayo!"Subukan?! Panong susubukan?

"Anong ibig mong sabihin?"Nag-lakas loob na din akong mag-tanong.

"Ikaw babae. Itaas mo ang kamay mo."Ano daw?!

"Ano?!"Nagugulat kong tanong.

"Itaas mo na lang!!!"Nagulat ako at natakot. Tinaas ko na lang! Hanggang ginalaw niya ang kamay niya na may suot na bracelet.. At tirahin ang aming direksyon. Sabay-sabay kaming napa-ilag. Pero..

Umiilaw kami.. Umangat ako! Unti-unti akong nababalutan ng liwanag! Nag-iiba ang damit ko! Nag-mukha akong secret agent! Naka-suot ako ng black tube, may gloves naman ako na hanggang arms, black palda,  net and boots! May hawak din akong dalawang baril. Isang Semi-automatic Pistol! Pero parang magical. (A/N: Fragment no. 9 Target's Pistol) Mahilig ako sa mga baril dahil nag-aaral ako ng target shooting pero mas kamangha-mangha ito. 

Pero sina Ivan at Raph! Natumba sila! 

"Raphael! Ivan!"Nilapitan ko sila!

""Tama nga ang hinala ko! Isa ka ngang Fragment! Binabalaan kita! Kahit anong mangyari, wag ka nang pumasok sa Altergold Academy!"Ano?! Eh dun kami papasok!

"Pero..---"Naputol ang sinabi ko dahil sa sinabi niya..

"MAMAMATAY ka.."Ano?! Kalokohan!

Sa isang kumpas ng kaniyang kamay, nahubad ang ninja niyang suot at napalitan ng uniform. Na katulad ng uniform namin?! Eh bakit niya ako pinapaalis? Tumalon na siya paalis.

.............

O_o Teka...

Pano ako babalik sa dati?! At pano ko dadalhin sina Ivan at Raph pauwi?! Pag-lingon ko, nag-balik na sa dati ang lahat. Ang Prom night, Prom night na ulit. Ang mga upuan, lamesa, mga pagkain, at mga tao ay nag-balik na sa dati... at ang.. eksenang nakatingin lahat samin. Pati si..

"Can I dance with you?"Eto na ulit. Ang pag-aya sakin sumayaw ni Mark.

"Uhh.."I'm speechless.

"I'm sorry.."Ang bagsak ng sagot kong yon ang lalong nagpatigil sa mundo. Ito din ang lalong nagpatulala sa lahat. Hinatak ko na lang si Raph at Ivan palabas nang hindi nililingon ang party.

I just want to rest..

TREASURE Fragments [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon