Chapter 19

54 3 0
                                    

My baby

Halos isang linggo rin akong nanatili sa ospital bago ako tuluyang nakalabas. Sa tingin ko ay mababaliw na ako doon, kung hindi lang dahil kay Quinn. He makes my world go brighter again. Iba ang feeling kapag naging nanay ka na. You would be willing to do anything just for your kid.

Nasa aking bisig si Quinn at natutulog habang nakasakay kami sa sasakyan ni Joax. Si Nanay Martha ay kay Noreen nakasakay maging ang mga gamit na ginamit ko sa ospital ay nasa kanila rin. Tanging ang mga gamit lamang ni Quinn ang aking dala.

"You will be a very good mother sweetheart." Ani Joax habang ang tingin ay nakatutok sa kalsada ngunit nakangiti.

"You think so?"

"Uh-huh."

Nakaramdam ako ng kaba. I wish I can be a good mother. Hindi ko alam kung paano ba ang maging nanay, pero may ideya na ako dahil sa mga nabasa kong magazine. Pero sapat na ba iyon?

"We're here." Joax said, ng tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng bahay.

Napangiti ako. Namiss ko ang sariwang amoy ng hangin. Ang ilong ko ay nananakit na sa amoy ng ospital.

Bumaba si Joax ng sasakyan, at pinagbuksan ako ng pinto. Nginitian ko lamang siya, ngumiti siya pabalik bago kinuha ang mga gamit ni Quinn sa loob ng sasakyan.

Ang sasakyan ni Noreen ay nasa likod lamang namin. Inantay ko silang bumababa ni Nanay, bitbit nilang dalawa ang mga gamit. Hindi naman ito kadamihan ngunit tinulungan pa din sila Joax. Pumasok na kaming lahat sa loob.

Inilapag ko si Quinn sa crib na binili ni Joax. Pinanuod ko lamang siya na matulog, with a smile on my face. No doubt pag lumaki ang anak ko ay magiging kamukha ito ni Rocco, ngayon pa lamang ay kuha niya na ang biluging mga mata nito at ang katangusan ng ilong, what more kapag lumaki pa ang anak ko?

"He's so cute sweetheart." Ani Joax na nasa tabi ko.

"Yeah. My little angel."

Nang mapagsawa ko na ang mata ko sa pagtitig kay Quinn ay nagpasya akong iwan muna siya kay Joax  para tulungan si Noreen at Nay Martha sa pagliligpit ng mga gamit.

"Tatiana, magpahinga ka nga! Kaaanak mo lang, baka mamaya ay mabinat ka." Saway sa akin ni Nanay.

"'Nay kaya ko po."

"Anong kaya? Mahiga ka muna doon sa kwarto mo."

"Nakakahiya na po sa inyo." Nakalabi kong saad.

"Tati, listen to nanay martha. Kaa-anak mo lang. Masama sayo ang mapagod, ang mabuti pa magpahinga ka nalang."

Ngumuso ako bago naglakad palapit kay Joax na karga karga na si Quinn. Ang puso ko ay laging hinahaplos tuwing nakikita sila sa ganoong posisyon. Sana mas una kong nakilala si Joax kesa kay Rocco.

"Hey." Tawag ko sa kanya.

He was so drown with Quinn na hindi niya na napansin ang presensya ko.

"Sweetheart." He smiled.

"Hindi ka pa ba pagod?"

Sa buong pananatili ko kasi sa ospital ay parati siyang naandon. He never missed to visit me every day, hindi ko nga alam kung nagagawa niya pa yung trabaho niya, pero ang sabi niya naman tapos na siya doon.

Naupo kami sa sofa nasa kanyang mga bisig pa din si Quinn He's being too attached with my son.

"Joax?"

"Hmm?"

"Magkaibigan naman kayo ni Sir Orion diba?"

Bumaling siya sa akin "Yes sweetheart, why?"

How do I Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon