A/N: Maiksi lang pero something new :)
NANG matapos kaming kumain, inaya ko si Ash na magpunta sa view deck. Magkatabi kaming tumayo sa may railing at huminga ako nang malalim.
"I've always loved places like this, 'yung ganito ang klima," sabi ko habang pinagmamasdan namin 'yung Taal Volcano. "Kaya ako bumili ng condo sa Baguio eh."
"Gusto mo bang tumira d'un?" he asked.
"Eventually. Kaya d'un ko inuna bumili ng property," sabi ko kahit pa hindi ko naman sigurado kung d'un ba ako dadalhin ng destiny ko. Gusto ko d'un pero parang bakasyon lang. Sa ngayon, nasa Manila kasi ang buhay ko. "Pero sana this year makabili na rin ako sa Manila. Gusto ko nang humiwalay sa parents ko eh."
Gusto ko kasi it was something people my age do kahit pa parang nalulungkot ako sa tuwing iisipin kong hihiwalay na ako kina Mommy at Daddy. Pero sa edad ko, saka kaya ko naman na, tama lang na maging totally independent na ako. But still, kahit gusto ko na, thinking about moving out was still something that made me a little sad, and I hugged myself for comfort.
To my surprise, kumilos si Ash para magpunta sa likuran ko and he caged me in his arms with his hands on the railing.
Nanigas ako. Hindi ako nakakilos kaagad. Ang init-init niya. Alam kong mas mataas ang body temperature ng mga lalaki pero parang ang init-init ni Ash. And before I knew what I was doing, nakasandal na ako sa dibdib niya. Nahila 'yung likod ko eh. Hindi ako nakalaban. Pero hindi naman ako sumandal talaga kasi baka magbago ang isip niya or baka maasiwa siya.
But when he moved closer, I slowly relaxed my body until I was leaning comfortably against him. Saglit kaming natahimik habang nagfa-flash sa isip ko ang mga memories kung kelan ba ako naging ganito ka-komportable at ka-secure habang yakap ako ng isang tao.
The answer was never. Parang ayaw ko na tuloy umalis.
Alam mo, hindi ko kayang sabihin sa kanya na may gusto na ako sa kaya pero hindi rin kaya ng konsensya ko na isipin niyang ginagamit ko lang siya lalo na kung hindi naman totoo.
"Ash, I swear I'm not using you. I really want us to be friends." Tiningala ko siya. "Okay lang ba 'yun sa 'yo?"
Tumango siya. "Of course," he replied solemnly.
I didn't want to be just his friend but it was a start. Kung d'un na lang din magtatapos 'yun di okay lang. Sanay naman akong ma-friendzone.
But you know, sa puwesto ko ngayon where I didn't think I'd ever want to leave again, in his arms, against his chest, he didn't feel like a "friend" at all.
I had no idea how long we stood like that. Malakas 'yung hangin pero hindi ko nararamdaman 'yung lamig dahil sa init ng katawan ni Ash. Gusto kong humarap sa kanya para yakapin din sana siya at sumandal na nang tuluyan sa kanya pero hindi ko mabitawan ang sarili ko. Maya't maya nararamdaman kong tumutungo siya pero hindi ko alam kung hinahalikan ba niya 'yung buhok ko o sinisinghot niya ako o nangangati lang 'yung ilong niya kasi sure akong nililipad sa mukha niya 'yung buhok ko. Whatever the reason, all I could do was close my eyes and lean closer to him.
Sabi ko kapag niyakap niya ako, saka ako yayakap sa kanya pero nanatiling mahigpit ang pagkakakapit niya d'un sa railing that his knuckles were almost white. After a while, bumuntong-hininga na ako at tiningala siya ulit.
"Balik na tayo?" aya ko. "May dessert pa tayo."
He let me go but he placed his palm at the small of my back and guided me back to our table. Siguro hinihintay kami n'ung server namin kasi as soon as we sat down, lumapit siya dala ang isang tray kung saan nand'un 'yung mga desserts na in-order namin.
Hindi namin namalayang inabot na kami ng sunset doon. Ash wouldn't let me pay for the meal kahit pa sinabi kong malaking favor na nga itong pinag-drive niya ako sa Tagaytay. Sabi niya di naman daw makatarungan na ako ang magbayad. Hindi ko na lang din ipinaalala sa kanya na mas malaki ang sweldo ko sa kanya kasi baka ma-offend.
Tahimik kami sa kotse, nakikinig ng music. Hindi na Taylor Swift ang pinatugtog ko pero nagpumilit siya na pakinggan 'yung playlists ko. Hindi naman awkward 'yung katahimikan. I didn't feel the need to fill it with chatter or anything. Basta tahimik lang kami.
I watched the sky darken outside the car window at siguro dahil sa puyat ako kagabi, malamig ang aircon na nakatutok sa mukha ko at tahimik ang music, napapikit na pala ako nang di ko nalalaman.
I was in that state of half-dreaming, half-awake when I felt Ash move between our seats and reach for something sa backseat. Then I felt something cover my arm and my chest. Nagmulat ako at nakitang ipinapatong niya sa 'kin ang isang kulay itim na jacket.
"Sorry," he said. "Nagising kita."
"No, no, it's okay." Ngumiti ako sa kanya pero hinihila 'yung jacket para mas lalo iyong maitakip sa katawan ko. Hindi ako giniginaw pero ang bango kasi ng jacket niya. Saka para feeling ko yakap niya 'ko ulit.
Pero inaantok naman yata talaga ako kaya mayamaya, nakatulog na ako nang tuluyan. Hindi ko na alam kung panaginip ko na lang or totoong naramdaman ko 'yung haplos niya sa pisngi ko.
"MEREDITH? Meredith, wake up."
Wow. Ang sexy ng boses. I'd love to wake up to that voice every morning...
Pero bigla rin akong napadilat at napa-upo nang derecho. Madilim sa loob ng kotse at malamig pa rin ang aircon. Nakatigil kami ng gitna ng traffic pero nakita kong nasa Bicutan area na kami.
Binalingan ko siya. "Oh, my gosh. Tinulugan kita."
At bihira lang 'yun ha. Si Dad, si Kuya Randy at si Kuya Midel lang ang mga nakakatulugan ko kapag nagda-drive. 'Yung iba kasi parang wala akong tiwala kapag pasahero nila ako. Kahit pa si Craig. Minsan siyang nag-drive papuntang Baguio kasama ang mga kaibigan namin, gising talaga ako buong biyahe kahit pa pagod na pagod ako n'un. Wala akong tiwala sa kanya. Pero itong si Ash...
"Okay lang," natatawa niyang saad. "I just had to wake you up kasi hindi ko alam kung saan ka ihahatid."
I blinked the sleep out of my eyes. "Ah, sa Forbes Park," sagot ko. "P'wedeng sa EDSA ka dumaan pero mas madali kung through Fort Bonifacio na lang."
"All right."
Actually, ayoko pa sana siya pauwiin pero hindi naman ako gan'un ka-selfish na sa EDSA ko pa siya padaraanin para ma-traffic kaming dalawa. 'Wag naman akong masyadong hayok di ba? Tama na 'yung maghapon kaming magkasama.
Sandali lang, nasa gate na kami ng subdivision at nag-iwan na si Ash ng ID sa guard. I gave him directions to the house. At nang marating namin 'yun, he parked the car in front of our gate. Akala ko 'yun na 'yun. I was turning towards him to thank him pero binuksan na niya ang pinto niya at bumaba na siya ng kotse. Sa gulat, hindi ko kaagad naalis ang seatbelt ko kaya napagbuksan pa niya ako ng pinto.
Normally, hindi ko kailangang ipinagbubukas ako ng pinto ng mga lalaki. Again, hindi ko alam kung independent woman or talagang di na ako nag-e-expect na may gentleman pa sa mundo. Pero parang nakakapaniwalang may Prince Charming pa naman pala talaga kasi inabot pa ni Ash 'yung kamay ko para tulungan akong bumaba ng sasakyan.
Pero after that, binitawan din naman niya kaagad 'yung kamay ko. He closed the car door and walked me to the gate.
"Ash, thank you talaga ha," I said n'ung humarap ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na higit pa sa pag-ligtas sa 'kin sa unwanted dinner with Craig and Gianna ang ginawa niya para sa 'kin ngayong araw.
"No problem," he said with a small smile habang nakapamulsa.
Nakatingin lang kami sa isa't isa at iniisip ko na naman kung tamang bang i-kiss ko siya ulit or hihintayin ko bang siya naman ang mag-first move. Pero bago pa ako maka-decide na halikan siya ulit at bago ko pa malamang kung mag-fi-first move nga siya, sabay kaming nagulat ni Ash nang magbukas ang gate at nakangiti na sa 'min ang ever-reliable na si Kuya Armand.
"Hi, Kuya," sabi ko.
"Good evening, Ma'am, Sir," masaya niyang bati na para bang security guard siya sa mall entrance at hindi ng bahay namin.
Hinarap ko ulit si Ash na mukhang natatawa at napapakamot na lang ng batok. Tumawa na rin ako. "Thanks ulit. Good night, Ash."
Tumang siya. "Good night, Meredith."
At dahil ayoko naman siyang paalisin nang hindi ako nakakahuling chansing, I stepped towards him and gave him a quick hug before letting him go.
Pinanood namin siya ni Kuya Armand na bumalik sa kotse niya and gave him a last wave nang mahina siyang bumusina bago nagsimulang magmaneho palayo.
Binalingan ko si Kuya Armand na malaki ang ngisi sa 'kin. Natawa na naman ako. Hindi ko alam. Malaki yata masyado ang sinusweldo ng mga empleyado namin. Masyado silang masaya.
I went through my nightly routine of saying hello to my parents na nasa kitchen pa rin. My mom told me about dinner and I told them na naglagi nga ako sa opisina, then decided to come clean.
"Nagpasama po ako kay Ash sa Tagaytay. Doon kami ng nag-lunch."
"Oh," sabi lang ni Mommy na halatang na-intriga habang parang nabulunan naman sa chocolate chip cookie na kinakain niya si Daddy. "Ash, you mean your assistant, Ash?" curios na tanong ni Mom habang tinatapik-tapik niya ang likod ng tatay kong inatake na yata ng asthma.
I bit my lower lip and went to the refrigerator to get a pitcher of water. "Opo, my assistant, Ash."
"Oh," sabi ulit ni Mommy. "Well."
"Maghapon kayong magkasama?" tanong ni Dad na parang kapos pa rin sa hininga habang ipinagsasalin ko siya ng tubig sa isang baso.
"Opo." Inabot ko sa kanya ang baso at pinanood siya habang umiinom siya.
Tumikhim siya bago ibinaba ang baso. "Is he... are you—?"
I smiled and moved towards him to kiss him on the cheek. "We're... friends now, Dad."
He gave me a bland look. "You hesitated at friends. Why did you hesitate?" Hinarap niya si Mommy. "She hesitated," sabi niya na itinuturo pa ako.
Tumawa ang Mommy ko. "They're friends, Eman. Ayaw mo pa n'un?" Ako naman ang hinarap niya. "Invite mo siya sa dinner party bukas para makilala namin siya."
That's a good idea—
"O, ba't gusto mo nang makilala? Akala ko 'friends' lang sila?"
Hinampas ni Mom sa braso ang tatay kong makulit. "Ayaw mo bang makilala ang mga friends ni Mere?" tumatawa niyang tanong. "Basta imbitahan mo siya bukas. Darating naman si Tito Ernest niya kung nahihiya siya."
"Sige po, invite ko siya," I said with a happy smile.
I kissed both of them again and said good night bago ako umakyat sa kwarto ko. Parang gusto ko na siya kaagad i-text pero baka naman sabihin niya kakahiwalay lang namin, nag-text naman ako kaagad.
Or hindi ba iisipin ng mga boys 'yun?
Grabe na. Daig ko pa talaga ang teenager. Or shall we say, daig pa ako ng teenager. A lot of teens my age has already had a number of boyfriends habang ako, di pa nakaka-isa. Di ko tuloy alam kung paano i-ha-handle si Ash nang walang instruction manual.
Anyway, sige na. To be safe, bukas ko na siya i-i-invite. Right now... mag-e-e-mail muna ako kina Alessa para i-report ang, technically, first non-official date namin ni Ash Montesines.