Karla and Michael moment

92.4K 2.2K 167
                                    

Karla's POV

"Let's go crazy, crazy, crazy 'till we see the sun 

I know we only met but let's pretend it's love 

And never, never, never stop for anyone 

Tonight let's get some and live while we're young 

Whoa-oh-oh-oh-oh-oh-oh 

Whoa-oh-oh-oh-oh-oh-oh (and live while we're young) 

Whoa-oh-oh-oh-oh-oh-oh 

Tonight let's get some and live while we're young" sabay namin sa kanta ng One Direction na Live while we're young.

We're on our way sa isang beach resort sa Batangas naka-convoy kami kina Mommy at Daddy kung saan nakasakay yung Dad nila ate Cass at parents ni kuya Biboy.

Buti nga pinayagan akong dito kina ate Cass sumabay.

Naka van kami, si kuya Biboy ang nagda drive. Magkatabi kami ni Dale. Tapos sila Art at ate Dianne sa likod.

Masaya ako kasi naman sasama si Michael myloves.

Susunod daw sila mamaya.

Bonus pang katext ko sya this past few days.

"Your so eew talaga as in capital E-E-W!" sigaw ni Art kay Ate Dianne.

Kanina pa yan simula nung magkatabi sila.

Kulang na nga lang itapon ni Art si Ate Dianne sa labas ng bintana e.

"Dianne tigilan mo na ko please! Jojombagin ko na yang feslak mo! Promise!" asar na asar na talaga si Art.

Ewan ko kung ano na naman ang ginagawa ni Ate Dianne kay Art, kanina ninanakawan nya ng halik si Art, gusto daw nyang ma experience kung paano humalik ang bakla.

"Masarap kaya to!" sabi ni Ate Dianne.

Tiningnan ko sila. Pinipilit isubo ni Ate Dianne yung kinagatan nyang saging.

Hahaha. Ano kayang nakain nito at ang lakas ng trip kay Art.

Habang sila Ate Cass at Kuya Biboy naman ay napaka sweet. Sinusubuan ni Ate Cass si Kuya Biboy ng fries tapos share.pa sa ng drink. Dumaan kasi kami ng Drive thru kanina.

After an hour nakarating nadin kami sa resort.

Maganda naman at talagang nakaka relax.

Ang kinuha ng Mommy ni Kuya Biboy ay yung cottage na may sariling pool. Tapos may naka 'L' na two story room. Walo lahat ng room. Apat sa taas at apat sa baba.

Sa taas magkabukod ang babae at lalaki. Kami ni Ate Cass at Ate Dianne ang magkakasama. Si Kuya Biboy, Art at Dale naman.

Kasama din namin ang maldita kong ate na nagsama pa ng dalawang alagad nya. Pinsan nya ata yun sa father side. Sila ang magkakasama sa kwarto. Tapos yung katabi naman namin e nakareserve para kina Michael myloves.

Sa baba naman e yung mga parents namin. Pati yung dalawang katulong.

May dirty kitchen din sa baba at may ref.

Pag lumakad ka lang ng kaunti makakarating ka sa dagat. Which is tanaw kapag nasa second floor ka.

May resto din naman dito at club.

Maya maya dumating din sila Michael myloves.

Agad kong inaya sila Ate Cass at Ate Dianne magpalit.

Dahil dito lang naman kami di muna kami nagpaka daring.

Ang Boyfriend kong Baboy (COMPLETED)Where stories live. Discover now