5 - Wasak

5.4K 66 2
                                    

* ALL RIGHTS RESERVED *

A/N: uy mahalin nyo naman ako, comments and votes naman dyan =)

—————

ANDREA

"Andi wake up," boses yun ni Martin.

Shit! Nakatulog ako? "Anung oras na?"

Napakamot sya ng ulo, "seven."

"Oh shit!!!" Patay late na ako. "Bakit hindi mo ako ginising!"

"Ngayon lang din ako nagising." He was almost apologetic, I feel sorry for him. Malamang napagod talaga sya.

Hindi pa din sya nakakaligo at nakakabihis ng pang opisina.

Note to self: ang mga ganitong gimik ay di ginawa ng weekdays kung saan kailangang pumasok kinabukasan. Ano ba naman kasi ang sumaksak sa isip ko at nakipagkita ako sa kanya sa kalagitnaan ng linggo.

"Just take a bath here and then ihahatid na lang kita sa office."

Fvck, binabakuran ba ako nito? Wala na akong panahon na i-analyse ang ang mga ginagawa ni Martin dahil late na talaga ako.

I took a quick shower, changed clothes and off we went to the office.

—————

Halos paliparin ni Martin ang sasakyan. Makati sya nakatira habang sa Quezon City naman ang opisina ko. Buti na lang I made it on time.

Pero sobrang harassed naman ako. At mas lalong nakaka harass yung papasok pa lang ako ay si Jake na ang nakasalubong ko.

Bakit nga ba laging ang aga aga nitong pumapasok.

Hinarang nya ako at tinitigan, "hmmm, bakit mukha kang wasak?"

"Wasak lang talaga?" Asar ko na tanong sa kanya.

"Yung mata mo... Parang walang tulog."

Inirapan ko nga sya at dumiretso sa upuan ko. Tadong to, fishing for info pa. Kala mo naman magkukwento ako sa kanya ng mga activities ko.

Di ko na sya sinagot, at dumiretso na ako sa upuan pero di ko pa nailalapag ang mga gamit ko ay: "Uy, bet mo bang gumimik mamaya?" Tanong sa akin ni Mara.

Ibinaba ko ko ang mga gamit ko, at inayos ang gagawin ko sa araw na ito bago ako nagtanong kay Mara, "anong meron?"

"Napromote na ko te..."

"Yey!" Tili ko!!! With that napatingin sila sa amin sina Jake at Renie (yung bading na katabi namin ni Jake).

And out of nowhere, "bet nyong sumama?" Tanong ko.

"Kelan?" Sabay nila sagot. Interested ito.

"Wow, chorus?" Pang aasar ko sa kanila.

"After office. Dangan rin lang na Sabado bukas." Sagot ni Mara.

"Sure." Sabay nilang sagot. Ay talaga namang interested.

Sandali lang, parang ako ang inaya, sila ang interesado.

Bakit ko nga naman kasi inaaya.

"Uwi lang ako sandali makapagpalit ng damit," sabi ko kay Mara.

"Carry na yan te."

"Di ako kumportable sa suot ko."

Nakatitig sa akin si Jake. Suot ko kasi yung pinakamaliit na puting long sleeves ni Martin, na ipinatong ko sa tank top kong itim, at yung palda ko kahapon. Walang kasyang pantalon ni Martin sa akin, at lahat ng damit kong andun e pang tulog at pambahay.

coffee, tea, or ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon