Maine

2.5K 72 6
                                    


@mainerichards
On my way to Tagaytay City 🚕
Hoping for answers 😊

Twitter status ko yan..

Today is July 16, 2016
4 am.

It's been a year since the accident.
Hindi ko man lang napansin na isang taon na pala akong naghahanap ng kasagutan sa mga katanungan ko. One whole doubtful year na hindi ko maintindihan kung memories nga ba yung mga nakikita ko o sadyang mga hallucinations lang.

🎶God gave me you🎶

Muntik ko ng malaglag ang hawak kong bag sa lakas ng ringtone ng cp ko. Nakalimutan ko na namang syang i-silent bago ako matulog. Tsk! Talaga nga naman..

" Hello Maine anak.. "

Si mama sa kabilang linya as expected.

" Hello Ma don't worry, I'll be fine. I'll text you once I reach the place.

Sagot ko agad ke mama kahit wala pa naman siyang sinasabi. Alalang alala na nman kasi ang tono ng boses nya.

" Pero anak.. " Basag na agad  ang boses niya..

" I'm ok ma.Don't worry! I got this. I told you I badly need this remember? Please ma.. Wag ka ng magalala ha.. love you"

Putol ko sa mga sasabihin pa niya. For sure kasi ay aabutin na nman kami ng 48 years na paliwanagan if hindi ko siya uunahang magsalita. Knowing her, ayaw niyang nagpapatalo. Dinig na dinig ko ang pagbuntung hininga ni Mama sa kabilang linya

" Ok anak basta magiingat ka. Inform me right away once you reach the place okey?"

" Ok ma. Love you!"

Mas kalmado na ang tono nya ngayon. Napapailing ako na sumakay ng kotse. Hanggang ngayon ay worried si mama sa desisyon kong pumunta sa Tagaytay, doon kasi ako naaksidente last year. Despite sa pakiusap niya na huwag na akong tumuloy ay lumarga pa din ako. Gusto ko kasing makasiguro na totoo ang lahat ng nakikita ko sa tuwing may naalala ako. Ayokong isipin na nababaliw na ko. I'm too pretty para maging baliw. Buhatin ang sariling upuan. Eehem! Seriously,I know that  I badly needed this for myself. Isang taon akong namuhay na parang dumadaan lang ang bawat araw na wala akong nararamdaman na contentment. Naranasan mo na ba yung feeling na para laging may kulang, yung parang laging may hinahanap ang puso at kaluluwa mo pero hindi mo maexplain, iba yung pakiramdam, parang laging empty; shallow, in tagalog kankabo!

Parang nakadikit lang ang ulo ko sa katawan ko pero ang isip at puso ko nasa ibang lugar. Weird right? Pero yan talaga ang nararamdaman ko. Well, kung tutuusin wala naman na ako dapat mahihiling sa buhay ko. Nagiisa akong anak. Maayos at komportable ang buhay nmin compare sa iba. Nakapagtapos ako ng kursong gusto ko sa isang magandang eskuwelahan. Though kami na lamang ni Mama ang magkasama sa buhay ay may negosyong napalago at pinaghirapan si Papa bago pa man siya nawala 5 years ago. Gas stations, yes stations dahil madami ang naiwan ni papa dito sa Bulacan at ito ang pinagsusumikapan naming palaguin ni Mama.

Sa loob ng isang taon itinutok ko ang sarili ko sa pagpapatakbo ng negosyo. Pinilit ko ding makipagdate. I tried, baka sakaling nabuburyong lang ako sa pagiging single ko. Pero ewan ko ba kung bakit sa tuwing makikipagdate ako, parang may isang pigura ng isang guapong lalaki ang paulit ulit na nagaapear sa utak ko.

Malabo..

Parang vintage filter ng instagram pero sa tuwing makikita ko ito ay napakalakas ng kalabog ng dibdib ko..

Weird...

=====================================

Tagaytay City...

Makita Kang Muli (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon