[Steph's POV]
It's Sunday morning. Maganda ang gising ko sa araw na ito dahil Sunday is considered as Family Day. Nagpunta kami nila Mama at Papa sa park. As usual, kapag weekeend maraming pamilya ang namamasyal dito. Maganda ang lugar, masarap ang simoy ng hangin, malaki ang palaruan at masasarap ang mga tindang pagkain. Paborito ko ang lugar na ito sapagkat naka-peaceful dito at mas na-aappreciate ko ang nature kapag nandito kami nila Mama. Memorable din kanila Mama at Papa ang lugar na ito. Dito kasi nagpropose si Papa. Kapag may good memories ang isang lugar, masarap talaga itong balik-balikan.
Marami ang mga batang nagpapalipad ng saranggola. Kaya nagpabili na rin ako kay Papa ng isang Batman na saranggola. May isang batang babae na mukhang kaedaran ko ang nakatitig sa akin na may nakakaasar na ngiti. Hello Kitty ang kanyang napiling saranggola. Ano bang masama sa napili ko? Astig kaya si Batman dahil superhero siya.
Umalis na lang ako at nagsimula nang magpalipad ng saranggola. First time kong magpalipad nito. Hindi ako marunong at wala akong ideya kung paano. Kaya pinanood ko na lang muna ang ibang bata magpalipad. Kapansin-pansin ang isang lalaki na ito. Magaling siyang magpalipad at ang kanyang saranggola ang pinakamataas sa lahat. Nakakamangha siya panoorin. Magpaturo kaya ako sa kanya? Kaso mukha siyang mayaman, baka tanggihan niya lang ako. Huwag na lang.
Nagsimula na akong magpalipad ng saranggola ko. Mababa lang ang lipad nito at sumasabit pa sa iba. Pero patuloy pa din ako sa pagpapalipad nito kahit tinatangay na ito ng hangin, paulit-ulit na bumabagsak at bumubuhol ang sinulid. Pinuntahan ako ng batang kasabay ko bumili ng saranggola kanina. Masama ang tingin niya. Bigla niya akong tinulak.
"Huwag ka na nga magpalipad ng saranggola! Hindi ka naman marunong! Ang panget pa ng saranggola mo! Umalis ka na nga dito!"
Napadapa ako sa damo. Nakatingin lang sa akin ang mga tao na may mga matang nagsasabing umalis na nga ako. Ang iba naman ay nagtatawanan. Dali-dali akong tumayo at tumakbo patungo sa malaking puno. Doon ako patagong umiyak nang umiyak. Ayokong makita ng mga magulang ko na umiiyak kaya ako doon nagtago. Bakit ba ganun sila sa akin? Kung ganyan lang din sila, ayoko na makipagkaibigan sa kanila.
Iyak lang ako nang iyak. Naramdaman kong may tumabi sa akin umupo sa malaking puno na iyon.
"Punasan mo na yang luha mo. Hindi bagay sayo ang hindi nakangiti."
"Bakit? Sino ka ba?"
"My name is Drew."
Siya pala yung lalaking magaling magpalipad ng saranggola. Pawisan siya pero bakit mabango pa din siya?
"Anong ginagawa mo dito?"
"I want to apologize for what my cousin did to you. I'm sorry."
May ibinibigay siya sa akin na panyo. I accepted it. He smiled at me. I started wiping my tears. Ang bango ng panyo niya, parang siya.
"Salamat dito, Drew."
"Ano nga pala ang name mo?"
"Steph."
"Do you want me to teach you how to fly a kite?"
"Okay lang ba?"
"Yeah. Lets go!"
We hurried back at tinuruan niya na ako. Tinuro niya ang tamang paghawak nito at ang pag-timing sa pagpapalipad. At first, mahirap pero unti-unti ko rin nagegets. Tumataas na ang lipad ng saranggola ko at hindi na ito sumasabit saan-saan. Masaya kaming naglaro ni Drew nang araw na iyon.
Every Sunday na kaming nagkikita ni Drew sa park at nagpapataasan ng lipad ng saranggola, hanggang sa maging close na kaming dalawa. Malapit na ang birthday ko. Since ito ang first ever birthday party ko, pumayag sila Mama at Papa na mag-invite ako ng maraming tao. I want to invite Drew and his parents.
"Drew?"
"Ano yun?"
"Pwede ka bang pumunta sa birthday party ko next Sunday? Kung okay lang sayo?"
"Of course! I would love to."
He embraced me. He was so close to me. I could smell his perfume. Ang pabango niyang masarap amoy-amuyin. He looked at me and smiled. Ang gwapo pala niya... lalo na pag masaya siya. Ang tagal namin magkatitig until my mom came.
We went home that night and I was glad. I couldn't wait for my birthday to come!
BINABASA MO ANG
Dear Diary
Teen FictionA guy named Drew just got out from a relationship. Will he move on or does he plan to bring the woman of his life back? What if he realizes that the one he's been searching for his whole life is the person whom he calls his bestfriend? Won't it be t...