Chris' POV
Sunday-4:00 A.M (Madaling Araw)- Park Bench (Pinupush na talaga ni Otor ang ganito nuh?)
Ang aga ko nagising... Mamaya na kasi kami pupunta ni Crystal sa France... Eh dahil
sa hindi nga ako makatulog, pumunta muna ako sa park tapos umupo sa Bench...Nakakamiss si Becca...
Yung mga Bituin sa langit, bakit parang mata ni Becca?
Namimiss ko na talaga yung makulit na yon!! Naalala ko nung nagpapalibre sya
sakin ng Ice cream dito sa Park... Haha! Ang childish talaga nya kahit kelan...Si Becca... Ano kaya nararamdaman nya ngayon? Ano kaya turing nya sakin ngayon? Ah malamang Bestfriend parin... Imposible naman yata na mahalin ako nun noh...
Tumingin ako sa entrance ng park... May nakikita akong babae... Kahukha n-- teka si Becca ba yun?
Argh! Nag-iimagine nanaman ako... Bakit naman yun pupunta dito ng ganitong oras? Sa pagkakaalam ko, She Hates EyeBugs...
Yon ang Bestfriend ko eh...
Tumingin nalang ulit ako sa langit para hindi mapansin yung babae...
Pero hindi ko talaga kaya! Lagi nalang nahahagip ng mata ko yung babae...
Kamukha talaga ni Becca! Yung buhok, yung hugis ng katawan... Lahat! Pero hindi pa ko sure kasi hindi ko pa nakikita ang mukha nya... Kaya sinundan ko sya..
Wala curious lang...Para akong tanga na sumusunod sa isang babae na hindi ko kilala...
Nakita ko syang pumunta sa Tree of Love...
Tree of Love daw kasi pag-inukit mo yung pangalan ng tao ng mahal mo sa punong yon, hahawakan mo lang sasaya ka daw... Tapos pag-may nagsulat daw ng pangalan mo dun, tapos sinulat mo rin yung pangalan nung nagsulat ng pangalan mo(Sige kunyari nalang nagets nyo ha?) magkakatuluyan daw kayo... Basta dapat daw totoo yung pagmamahal mo hindi yung trip trip mo lang... Ewan ko, di naman ako naniniwala dyan! Pero sabi sabi nila totoo daw...
Kinuha nung babae yung pang-ukit tapos nag-ukit na sya ng pangalan sa puno... Ako naman lumilipat-lipat ng pwesto para makita kung sino tong babae na sinusundan ko...
Nung nag-tago ako sa likod ng puno...
WAAH!! S-si Becca nga to! Si Becca to! Anong ginagawa nya dito? Hala!
Teka parang akong baliw, bakit ako nagpapanic? Eh ano naman ngayon kung may inukit sya na pangalan? Psh...
Mabuti pa alamin ko nalang kung sino o kaninong pangalan yung inukit nya...
Ready na ko makita na hindi pangalan ko yung nakalagay dun noh... Hindi ako asumero...
Maya-maya nagsimula na syang umiyak...
"Madaya ka... Sabi mo dati walang iwanan... Bakit ka mang-iiwan ngayon? Iiwan mo na ko... Tapos may iba kang kasama..."sabi nya...
Urgh! Sino ba yung iniiyakan ng Bespren ko?!?! Siguro yung mistaken-meant-to-be nya nanaman... Tsk, tsk... Wag lang sya magpapakita sakin ha! Ipapasalvage ko yun!