Chapter 12: Ang Muling Pagtatagpo

93 2 0
                                    

At dumaan sina vernica sa Turks para pasalamatan si gabar at para ihatid sina matu.

Niyakap ni vernica si gabar sa kanyang pasasalamat.

"nagtagumpay kayo mahal na prinsesa"-

"salamat pinunong gabar di po kami magtatagumpay kung wala kayo"-

At sa ibang pangyayari habang ang palasyo ng antarya ay gusto nang pamunuan ni heriz. Galit na galit ang hari sa kanyang mga ginagawa.

"ano nang nangyayari sayo heriz maubos na ang sundalo natin sa kakasulong samantalang ikaw ay andito lamang sa palasyo at pinipigilan mo pa ako saling mga hakbang"-

"ako na ang hari at walang makapipigil sa gusto kong gawin"

Galit na galit ang hari sa pinagsasabi ni heriz.

"kung ganun heriz nagkamali ako saking akala di ka pa handa maging tagapagtanggol"-

"akin na ang espada heriz"- dag dag ng hari.

At hinugot nang hari ang kanyang espada. At tumawa si heriz.

"minsan ko nang ipinagtanggol ang buhay mo subalit heto ka para pangalanan akong di karapat dapat,"sabi ni heriz

"kung sa palagay mong ikaw na ang magiging pinuno ng antarya dadaan ka muna sakin"-

"tulad ng sinabi ko matanda ka na ama ilang beses nang nalagay ang buhay mo sa panganib at mailigtas kita, mas nilalagay mo ang buhay mo sa kapahamakan pag lumalaban mo ako"

At ngumiti ang hari.

"tignan naten"-sabi ng hari.

At nagtuos ang dalwa. Biglang nagulat si heriz nang hampasin nya ng espada ang hari bigla itong naglalagong parang hangin na napakabilis. At bigla nalang itong sumusugod sa kanyang likuran.

"sabi ko na nga bat marami lang lihim na di mo sinsabe saken"- sabi ni heriz.

Nahihirapan si heriz na kalabanin ang hari dahil sa sobrang bilis nitong kumilos at palaho laho.

At nang matumba si heriz at di na makalipas at may tutok ng espada ng hari.

"sige patayin mo ako!,yan ang gusto mo diba! Ano pang hinihintay mo!"- sabi ni heriz.

At lumuha ang hari

"anak kita heriz mahal ka namin ng yong ina kung gusto ka naming mawala yon ay noong pa naming ginawa"-

At biglang may pumulupot na kadena sa leeg ng hari at hinila ito paatras

At nagsalita ang magandang salamangkero

"sa wakas nahuli narin"-

At madaling kinuha ng salamangkero ang gintong krona ng hari. Na may kulay asul na bato.

"anung ibig sabihin nito"-

"ibalik nyo sakin ang krona krona ko"- dagdag ng hari at nang humarap sa hari ang salamangkero nagulat ang hari.

"Alcantra! "- sabi ng hari.

"oo ako nga kapatid akala mo siguro wala na ako pero heto na ako sa harap mo para agawin ang antarya"-

"isa ka talagang traydor"-

"wag mo ako tawaging kapatid dahil tulad lamang ako ng kinikilala mong heriz na di totoong anak ng mga sinaunang tagapagtanggol ng antarya..... Ampon lang naman din ako diba? Subalit sa kasamaang palad babaliktarin ko ang lahat ilalagay ko ang antarya sa ilalim ng aking mga kamay para palitan ka... At para mawala na sa kasaysayan ang heriz"-

At tumingin ang hari kay heriz.

"anong ibig mong sabihin"- sabi ng hari.

At biglang nagwalha si heriz at tinangka nyang patyin ang salamangkero subalit ginamitan sya ng kapangyarihan nito at di sya makakilos.

"pano ka tinatablan ng salamangka!"-

"huli na kaji nasa dugo na nya ang pagiging prinsipe ng kadiliman mula pa nung sya ay bata"-

At tumulo ang luha ng hari.

"ikaw.... Ikaw si herusican ang anak ni menova?" sabi ng hari habavg lumuluha ito.

"pinatay mo ang aking ama at magbabayad ka".- sabi ng totoong si herusican.

At binago ng salamangkero ang muka nito.

At naalala ng hari ang lumayas na herusican na napagbintangang pumatay sa reyna.

"heriz anak nasaan ka na"-pabulong ng hari.

Sa ibang pangyayari naman habang kausap nina herusican si gabar itinanong ni herusican kay gabar na posible bang sya ay heriz.

"mahal na pinuno pano ko po malalaman kung ako nga ang heriz kasi po nung nasa panganib kami ni vernica nagtaka ako kung bakit may kakaibang nangyayari saken nararamdaman kong may kapangyarihan ako"-

At napangiti si gabar

"tulad ng sinabi ko herusican,ikaw nga ang heriz,"-

"may alam po ba kayo tungkol sa mahiwagang espada at sa heriz?"-

"konti lang ang alam ko sa mga taong heriz o kilala sa tawag na tagapagtanggol na nagmumula sa antarya"-

" totoo po bang ang mga heriz ay di tinatablan ng salamangka?"-

"malamang totoo subalit ang pagkakaalam ko ay mangyayari lamang ang kakayahang yon pag nahawakan mo na ang mahiwagang espada at kahit malayo sayo ang espadang yon ay di ka na kailan man tatablan ng salamangka yon ay isang alamat lamang na aking narinig nung bata pa ako"- sabi ni gabar.

"kung ganon pano nangyari yon? Anak lamang ako ng isang traydor na kawal ng hari"-

"nasisiguro mo bang yon ay totoo? Alam mo herusican may mga bagay sa buhay natin na tayo lamang ang makakasagot at naniniwala akong hindi ka anak ng isang masamang tao sapagkat may mabuti kang kalooban"-

"salamat po sa pagpuri nyo sakin mahal na pinuno,kung ganon pano ko po malalaman kung ako nga ang heriz?"-

"subukan mong bumalik sa antarya at subukan mong hawakan ang mahiwagang espada ng malaman mo ang hiwagang naghihintay"-

"ang alam ko po nasa pagmamay ari na yon ng heriz at siguradong malakas ang seguridad ngayun ng palasyo gawa ng napagbintangan ako ang pumatay sa reyna"-

At hinawakan ni gabar ang balikat ni herusican.

"kung nakayanan ni vernica ang pag subok na dinaanan nya makuha lang ang espada ng zurin,dapat maging ganoon ka rin katapang,lahat ng bagay herusican ay natutupad pag itoy pinaghihirapan"-

At nagkaroon ng lakas ng loob si herusican na bumalik sa palasyo ng antarya.

Antarya (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon