Chapter 29 : Maybe

397 20 17
                                    

ERIKA

I opened my eyes. Uggh. Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari? Wala akong maalala.

"Ate! OMG. Salamat at gising ka na. Ano? Masakit pa ba 'yung ulo mo?" tanong agad ni Rika sa akin.

"Yeah. What happened, Mom?"

"Someone texted me na may nangyaring masama raw sa'yo so we hurriedly went back to this hotel. Pero wala naman kaming nakitang tao. Ikaw lang mag-isa. Tinanong namin 'yung manager kung nakunan ba nila ng CCTV 'yung pangyayari pero hindi naman daw. Nawalan daw kasi ng kuryente at hindi agad nagamit 'yung generator," paliwanag ni Mommy.

"Sino po ba ang nagtext sa inyo? Kilala niyo po ba?" Tanong ko.

"Hindi, eh. Unregistered number 'yung nakalagay." 

"Yiiee. Baka superhero mo 'yun, ate Erika. OMG! Baka si Superman 'yun, o 'di kaya'y si Batman," sabi ni Rika. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Nag peace sign naman siya.

"Mom, hindi niyo po ba talaga kilala 'yung nagtext sa'yo?" Tanong ko ulit.

"No, why? Do you remember his face?" Tanong niya pabalik.

"He looks... He looks like Lance, if I'm not mistaken. Parang siya po talaga 'yun, eh," paliwanag ko.

"Hmmm. Baka ka look a like lang, Ekang."

"Baka nga po."

Tinext ko si Lance pero hindi naman siya sumagot. Sinubukan ko rin siyang tawagan, pero hindi naman siya makontak. Nakakainis talaga 'yung lalaking 'yun, ni hindi man lang siya nagparamdam sakin. Kahit SEEN man lang sa chat sa facebook, hindi niya nagawa. Ano na kayang nangyari dun?

Habang abala ako sa pag-i-instagram, may nag pop out na notification galing sa facebook. Tinag pala ako ni Rika sa isang post. Ano kaya 'to?

Hala! 'Yung mga selfies kooo! Caption : 'The perks of taking a hundreds of selfies on my phone. Haha. Hi ate Erikaaa. Labyu  '

Ang sweet naman ng little sis ko *note sarcasm*.

I just continued stalking on instagram. I stalked Bigbang, BTS, Got7, iKon, Suju, Winner, EXO and CNBlue. Grabe. ANG POGI NILAAA. Tapos --

"Ateee! OMG." -Rika

"Ano ngayon?"

"Hi. Hahahaha." Ano kaya ang nakain nito? HYPER.

"Huhulaan ko. Nag-text si kras (crush), 'no? Hmm." Pagtutukso ko sa kanya.

"Ate naman. Hindi kaya. At saka hindi niya naman ako ite-text kasi wala siyang load."

"Sus. Palusot ka pa."

"Totoo nga po. May nag-text nga po pala sa'kin. Unregistered number. Sabi niya, see you soon, Curt family  daw. Sino po kaya 'to?"

Posibleng si Lance, pero hindi naman magkapareho ang number nila. Imposible namang hindi ko kilala 'to, kasi kilala nga niya 'yung family namin, eh.

"Rika, maybe it's just a prank or something. 'Wag maniwala sa mga ganyan unless hindi natin 'yan nalalaman kung sino," paliwanag ko.

***

Monday. Naglibot-libot muna ako sa park since okay naman ang panahon dito. Sina mommy at daddy, may kausap. Si Rika naman, busy sa cellphone at lablayp (love life). Mga bata talaga ngayon, o. Hindi naman yata ako super busy sa lablayp nung 13 years old ako. Uhm. Kraslayp (crush life) lang pala. 

May naalala na naman ako. Erase. Erase.

"~I'm in love nune kongkkakji ssuieosseo babe
Haui siljonge huin waisyeocheu babe
Saramiya cheonsaya oh jesus babe
Nunbusyeo babe sunklass babe
Jeongsini mangsiniya hollyeosseo nege
Piga hanjjogeuro tto ssollyeosseo nege
Wiheomhae you're so tankerous babe
Sallyeojwo babe gyeongchal bulleo babe~"

Nakikinig ako ng music while nag-stroll sa park. May dalang imagine rin. Hihi.

While nags-stoll ako, bigla nalang may bumangga sa'king babae. Maputi siya. She looks like a model, to be exact. Gosh, ang ganda niya. At mukha siyang mabait.

"Ā, sumimasen (Oh, I'm sorry)," sabi niya. 

"Īe, soreha daijōbudesu (No, it's okay)," sagot ko naman.

After that, she hurriedly went to the exit area. Nagmamadali siguro.

But wait... She looks like --

"Ate!" -Rika

"Rika naman. Papatayin mo ba ako sa gulat?"

"Ganon? Edi sorry na. We've been looking for you na kasi. Uuwi na po tayo."

~Darren's POV~

Kami ng lola ko lang ang nandito sa bahay dito sa province. Sina Mommy, Daddy at Lynelle, namasyal sa mall. Sasama sana ako pero nawalan ako ng gana. Sina Ciara at Edna naman, eh, ewan ko dun sa dalawa. 

"Lola, bakit po ganun?" Tanong ko.

"Ang alin, apo?" -Lola

"Naging kami po ng babaeng gusto ko, pero sinayang ko lang siya."

"Ganyan talaga ang buhay, Ren. Pero, tanong ko lang, bakit mo siya iniwan? May mahal ka na bang iba?" -Lola

"Wala po. Nakipag-break po ako sa kanya kasi pumunta po sila sa Canada at akala ko po hindi na siya babalik at nakita ko rin po sa picture na may humalik na lalaki sa pisngi niya, tapos cousin lang pala niya 'yun."

"Ganun lang 'yun? What a simple reason." -Lola

"Kaya nga po."

"Ang tanong, mahal mo ba talaga siya?"

"Sobra po."

"Pero bakit hindi mo siya balikan? Mahal mo, kaya dapat ipaglaban mo. Sa tingin ko, hindi pa nga rin nakapag-move on 'yung babaeng mahal mo, eh."

"Imposible po. Nakipagbalikan nga po ako sa kanya, pero anong ginawa niya? Umalis ulit siya."

"'Wag ka nang mag-alala diyan, Ren. Ipagpaubaya mo nalang 'yan sa tadhana. Tandaan mo, 'wag kang makipaglaban kay tadhana. Masasaktan ka lang. Mahirap siyang kalabanin. At kung ano ang gusto niya, 'yun talaga ang mangyayari. 'Wag mong ipilit kung hindi naman pwede. Mas masasaktan ka lang... At baka hindi naman talaga siya 'yung THE ONE mo."

Tama. Mahirap nga.

Tama. Masasaktan lang ako kung ipagpilitan ko ang sarili ko sa babaeng hindi naman itinakda ni tadhana.

Pero tama bang hindi siya ang THE ONE ko?

***

Nag-isip-isip ako.

Maybe hindi talaga kami itinakda ni tadhana.

Maybe may FOREVER sa love namin pero hanggang friends lang siguro 'yung love namin, eh.

Maybe dumaan lang siya sa buhay ko para turuan ako kung paano magmahal.

Maybe dumating lang siya sa buhay ko para pakiligin ako.

Maybe dumating lang siya para pasayahin lang ako.

Maybe hindi na niya ako babalikan.

Maybe nakahanap na siya ng ibang lalaking mas magmamahal ng sobra sa kanya kaysa sa'kin.

Maybe... It's time to move on.

***

A/N : Hey guys! It's been a long time. How are y'all? Anyways, since we celebrated the DARRENATICS anniversary last June 1, 2016, I decided na mag-update kasi na-miss kong mag-UD. So, yeah. Thank you for reading, don't worry, I'll post the next chapter as soon as possible.

Bestfriend 2 : Forever ( Darren Espanto Fanfic )Where stories live. Discover now