:[5] Bestfriend★

613 64 8
                                    



Alden's POV

Maaga akong gumising para mag ayos ayos mamaya sa pagpasok , pero bakas sa akin ang unting unti pagkawala ng gana pumasok sa eskwelahan.

Mahirap at masakit makita na may mahal ng iba ang taong simula bata pa lamang ay minahal mo na yung tipong lagi kang nandiyan kapag kailangan ka niya kapag nasasaktan at umiiyak siya....

..

Wala naman akong magagawa eh, Bestfriend lang ang turing niya sa akin.

Natapos na akong mag-ayos ng aking sarili. Naisip ko sanang sunduin si Anica kaso naalala ko nga pala naka school service siya.

"Nasa school na kaya siya?

Pagkatapos ng ilang minuto nakarating na ako sa L.N.U malapit lang din naman kasi sa amin. Grade school pa lamang kaklase ko na si Anica. Bata pa lamang kami gusto ko na siya kaya naging close kami ng sobra hanggang sa naging mag bestfriend kami. Hindi naman imposible na maraming magkagusto kay Anica mabait siya, maganda, matalino,simple,palakaibigan.

Sa paglilibot ko sa University ay nakita ko si Amiel. Ang karibal ko kay Anica pero parang may kakaiba bakit hindi niya kasama si Anica? imposible yun dahil halos araw araw magkasama sila kaya ang bestfriend ko nawalan na ng oras sa akin.

"Amiel!

"Oh Alden, bakit?

"Asan si Anica?

"hindi siya papasok may sakit siya eh

"Ah ganoon ba? Okay salamat.

Kaya pala wala si Anica may sakit. Andaya naman niya bakit hindi na niya ako binabalitaan sa mga nangyayari sa kanya.. pero

sabagay sino ba ako sa kanya? Bestfriend lang naman niya nga pala ako tska may Amiel na nga pala siya.

Ganito nalang ba ako kabilis sumuko kay Anica? marami pa sigurong mangyayari kaya hindi pa ako dapat sumuko.. dadalawin ko nalang siya mamaya.

=================================

Tapos na ang aming klase kaya inayos ko na ang aking mga gamit dahil pupunta ako kina Anica para dalawin siya ng makita ko si Amiel na papalapit sa akin.

"Alden,pupunta ka ba kina Anica ngayon?

"Oo, dadalawin ko siya.

"Sabay nalang tayo, pupuntahan ko rin siya ngayon eh

"Okay.

Ano ba iyan. Ito na nga ang chance ko kay Anica tapos ngayon pa pupunta rin si Amiel ang malas ko naman kung meron lang sana ang pwedeng tumulong sa akin.

"Amiel, sandali! Amiel"

"Oh, bakit Clavelle?

"Pwede ba tayong mag-usap?

"anong pag uusapan natin?

"tungkol sa atin?

"anong tungkol sa atin Clavelle? walang atin !

"Please, Amiel.. kausapin mo ako. *iyak*

"Bilisan mo Clavelle at may pupuntahan pa ako.

"Pre, mauna na ako kina Anica ha, kakausapin mo pa kasi si Clavelle eh baka maka istorbo ako sa inyo kaya mauuna na ako Bye.

"Sige Pre, paki sabi nalang kay Anica susunod ako.

Yes! kapag sinuswerte naman talaga oh, salamat sa iyo Clavelle. hahaha, papunta na ako diyan bestfriend :)

matapos ang ilang minuto nakarating na ako kina Anica naabutan ko siyang tulog. Ang Cute niyang matulog mala anghel ang mukha niya , sana bestfriend ako na lang ang minahal mo.

*unat* *unat* Hi Trops! kanina ka pa nandito?

" Hi trops, hindi halos kakarating rating ko lang naman din ,kamusta na pakiramdam mo?

"ah ganoon ba? ah, medyo maayos na ng kaunti ang pakiramdam ko.

"uhm teka Trops, hindi ba pupunta si Amiel?

" Susunod daw trops, kaso kaninang paalis na kami bigla siyang hinarang ni Clavelle nakikipag usap kay Amiel"

"bakit? tungkol saan daw?"

"ewan ko trops.. antay antay nalang natin siya."

"Sige trops :) "



Mag aalas Otso na pero hindi na dumating si Amiel kita ko sa mata ni Anica ang pagiging malungkot.

"trops? Bakit malungkot ka? dahil ba wala si Amiel? Andito naman ako Anica eh."

"Uhm kasi. medyo trops, akala ko kasi susunod siya eh ,pero bakit wala :( "

" yaan mo nalang trops baka umuwi na kasi gabi na din.. andito naman bestfriend mo trops eh. Andito naman ako ah? tatampo na ako sa iyo Anica, nakilala mo lang si Amiel hindi mo na ako pinapansin."

"Hala Alden naman oh, trops! huwag ka na tampo. sige ka papanget ka niyan.. talaga itong BBestfriend ko oh masyadong matampuhin. hahaha"

" ay nako, Anica kung hindi lang kita mahal."

" Trops?

" kung hindi lang kita mahal bilang Bestfriend, pasalamat ka malakas ka sa akin.

Pero bakit ganyan ka Anica, kung sino pa ang wala siya pa ang hinahanap mo, hindi mo pa ba maramdaman na gusto kita? ang swerte talaga ni Amiel kahit wala siya , siya pa din ang hinahanap ng bestfriend ko. Ang Sakit.

" Trops gabi na, uuwi na ako pahinga ka na, papasok ka na ba bukas?

"ah, Oo trops ayokong tumagal dito baka maghabol pa ako ng lessons e. Salamat sa pagdalaw trops ha ingat ka sa pag uwi.

"wala yun Trops, ikaw pa sige pahinga ka na . bye !

Mabuti pa si Bestfriend Alden dinalaw ako pero si Amiel hindi. nakakatampo naman , ano kaya ang pinag usapan nila ni Clavelle , wag naman niyang sabihin na naghahabol pa rin siya kay Amiel? eh hindi naman siya gusto ni Arthur eh. hay nako makapagpahinga na nga may pasok pa pala bukas.

Nang makauwi ako, hindi pa rin matanggal sa isip ko si Anica, sana okay lang talaga siya kahit alam kong hindi , si Amiel ang may kasalanan kaya nalungkot pa lalo si Anica kanina eh, pinaasa niya lang si Anica. May sakit na nga si Trops tapos naging malungkot pa dahil siya talaga ang inaasahan ni Anica na dadalaw sa kanya, lagot sa akin si Amiel kapag nakita ko bukas.. Ay! Ang tanga ko . Sabado na nga pala bukas. walang pasok... siguro nakalimutan din ni Anica na sabado bukas kaya sabi nya papasok siya. bahala na nga, matutulog nalang na ako.

Goodnight My dear Bestfriend Anica


∞MelodyOfHeart~ ♡

Two Lost Promises (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon