Hadlee's POV
Kinuha ko naman sa bag ko yung bracelet na binigay ni Prince sakin, halatang luma na yun but I tried hard na to keep it as still new, para kung sakali man na magkita ulit kaming dalawa at makita niya to, he will think first na iningatan ko to.
I want to meet him again, especially at this point, when I am alone. He's my first friend although it's for only a short time, I considered him as one.
Kung nandito lang sana siya kahit siguro papaano may mapaglalabasan ako ng mga saloobin ko since he's already knew about my condition.
Akala ko kaya ko na ako lang, sobrang hindi pala, I want someone who can comfort me, like what he did when we were a child, and of course, I want someone who can comfort me like what Keegan always did.
Napatingin naman ako sa pangalan ni Prince na nakaengrave sa bracelet, napangiti naman ako ng mapait ng maalala ko kung paanong pinagseselosan ni Keegan itong bracelet na to at kung sino yung may-ari nito, kaya nga ginagawa ko na lang na anklet ito para di siya naiinis kapag nakikita niya to sa wrist ko, di ko lang siya masuot ngayon since mahaba yung medyas na gamit ko.
Minsan nagkocause pa to ng away naming dalawa, nakakalimutan ko kasi na ilagay sa may paa ko itong bracelet, nalalagay ko ito sa wrist ko, that can caused our endlessly argument.
Flashback
Naghahabulan kami ni Keegan dito sa garden sa bahay, bumisita kasi siya and dahil inabot na naman siya ng pagkaisip-bata niya, nagyaya biglang maglaro ng habul-habulan.Actually kakatapos lang namin magsnack kaya di ako masiyadong makatakbo, ayaw ko nga sanang pumayag sa gusto niya pero masyado siyang mapilit.
Napatingin naman ako sa kanya at ang layo na ng pwesto niya sakin, kaya binilisan ko na yung pagtakbo ko but I didn't saw na may branch ng puno pala na bumagsak, kaya mabilis akong natalapid dun.
Napapikit naman agad ako sa sakit nang magtangka akong tumayo, di ko naman napigilang hawakan yung right ankle ko at bahagyang inikot yun pero mabilis kong tinigil yun dahil mas bumalatay lang yung matinding sakit galing dun.
Naiiyak naman akong napatingin kay Keegan, habang tumatakbo siya papunta sakin habang natatawa pa.
Hahaha Babe anong nangyari sayo? Di naman ako yung mga bermuda glass na yan bakit sila yung tinataya mo? Gusto mo ba silang isali? Medyo mahirap yun Babe. Hahaha he said pagkalapit niya sakin, medyo nahirapan pa nga siyang sabihin yun kasi tawa na lang siya ng tawa habang tinuturo pa ako at yung bermuda glass na inuupuan ko.
Mabilis ko naman siyang tinignan ng masama, kaya napatigil agad siya, pero mukhang naalala na naman niya yung pagkadapa ko kasi napatingin pa siya dun sa kahoy na naging dahilan ng pagkadapa ko at tumawa na naman habang nakahawak pa sa tiyan niya.
Can you please try first to help me before you continue that laugh of yours? I think I twisted my right ankle so help me to get up Keegan naiinis ko nang sabi sa kanya, pero di niya pa rin ako pinapansin at tuloy tuloy pa rin sa pagtawa niya.
Di ko naman na maiwasang irapan siya, at tumayo mag-isa pero mabilis din akong natumba ulit nang sumakit na naman yung paa ko.
Keegan please help me, it hurts umiiyak ko nang sabi kaya natigilan naman agad siya at lumuhod sa harap ko at chineck yung paa ko.
Sorry Babe he said tsaka niya ako dahan-dahang binuhat, napayakap naman agad ako sa kanya para di ako mahulog.
Pagdating namin sa sala, inutusan niya agad yung unang katulong na nakita niya, medyo natigilan pa nga ito bago sumunod kasi halatang gusto niyang magtanong kung anong nangyari sakin and for sure kinakabahan na yun, medyo mahigpit kasi sila mommy when it comes to me, kapag may nangyayaring hindi maganda sakin, yung mga katulong, or si Ate Isabel at Mang Johnny yung napapagalitan nila daddy at mommy.
BINABASA MO ANG
I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )
RandomHighest rank: #469 in Random Category ---------------------------------------------------------------------------------- At first, I only thought that the only problem about our relationship is your bestfriend. I always jealous of her, I always beca...