My Girlfriend is a Gumiho (JulNiel Version)
By: JulNiel_08
Prologue:
Nakatayo si Julia sa harapan ng School ni Daniel. Hinihintay niyang lumabas si Daniel dahil may ipapakita siyang isang restaurant na may bagong huling baka.
" Daniel! Daniel!" Pababa na ako ng hagdan ng may marinig akong tumatawag sa akin nagulat ako ng makita ko si Julia. Nakakainis naman oh pati ba naman sa School sinusundan niya pa ako. Kaya naman tumalikod ako at kinuha ko ang cellphone ko nagpanggap ako na may kausap at umiba ako ng direction sa pagbaba.
Naglakad ako ng mabilis at tumingin ako sa likod kung sinusundan ako ni Julia. Pagharap ko nakita si Julia na bumaba sa isang hagdan. Grabe ang bilis niya talagang maglakad bakit pa ba ako magtataka eh gumiho nga siya diba.
" Oh geez" Nasabi ko na lang at huminto na ako kahit naman na tumakbo ako at maglakad ng mabilis alam ko na makikita at maabutan niya agad ako.
" Oh bakit ka nandito?" Nakasimangot ko namang tanong at lumapit siya sa akin.
"Di mo ba ako nakita kanina? Nung pagkababa mo tinatawag kita. Hindi mo ba ako narinig o nakita man lang?" Nakangiti naman niyang sabi pero sa ngiti niya para siyang may pagbabanta.
" Di mo ba nakita may kausap ako sa phone kaya di kita napansin" Palusot ko naman kahit na wala talaga akong kausap sa cellphone.
' Ahh ganun ba? Kung gusto mong mamatay, Hindi ka naman magpapanggap na hindi mo ako nakita o narinig man lang diba?" Sabi naman niya.
" Oo naman, Gusto ko pang mabuhay noh" Sabi ko naman na may alanganing ngiti.
" Tara may nahanap akong napaka amazing" Hinawakan naman niya ako sa kamay ko. Ngayon tumatakbo naman kami papunta dun sa sinasabi niyang nahanap niyang napaka amazing daw.
Siya ang girlfriend ko. Habang tumatakbo kami napatayo ang mga lalaking nagbabasa sa isang sulok ng makita nila si Julia. Siya ang napakaincredible beautiful girlfriend ko halos lahat ng lalaki nagkakagusto sa kanya. Napapatigil at napapahinto ang mga lalaki sa daan habang tumatakbo kami ewan ko ba kung anong magic meron itong si Julia kaya niya yun nagagawa.
" Bilisan mo naman ang pagtakbo" Reklamo naman niya pero nakangiti pa rin siya. Smiling face kasi itong si Julia at masiyahin din siya. Pero wag na wag mo siyang gagalitin kung ayaw mong makain.
" Ano nanaman ba ang gusto mo ngayon? Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko naman sa kanya napapagod na ako sa kakatakbo pero alam ko naman na hindi siya napapagod.
" Special ang araw ngayon Daniel" Patuloy naman kami sa pagtakbo ni Julia ewan ko kung saan ako dadalhin nito.
Hanggang huminto kami sa tapat ng isang restaurant. Ito ba yung sinasabi niyang nahanap niya na amazing?
" Daniel nakikita mo ba yang restaurant na yan? Yan yung sinasabi ko sa iyo na nahanap kong amazing. Alam mo ba na may bago silang huli ngayon na baka?" Alam ko na kung anong gustong niyang sabihin gusto nanaman niyang kumain ng baka. Nakakasawa na tsaka isa pa di sapat ang pera ko para sa gusto niya. Siya nga ang dahilan kung bakit nauubos ang pera ko.
" Tsaka isa pa gustong gusto ko na talagang kumain ng baka ulit tsaka sariwa pa dahil bagong huli" Pinagdikit pa niya ang mga kamay niya na parang nagdadasal habang kinakagat niya.
" Baka nanaman? Hindi pwede! Julia, wala na talaga akong pera hindi ka pwedeng magbaka ngayon!" Napatigil naman siya sa pagkagat niya sa kamay niya.
" Hindi pwede?" Ngumiti naman siya ng nakakatakot. Nagiwas naman ako ng tingin sa kanya.
" Kung ganun ikaw na lang ang kakainin ko."Nilapit naman niya ang mukha niya sa tenga ko habang sinasabi niya yun. Jusko kakainin kaya niya ako/ O nananakot lang siya?
DInampi naman niya ang isang daliri niya sa pisngi ko sabay subo ng daliri niya para tikman ako. Pumikit naman siya na parang nasasarapan sa akin. Dapat kasi pumayag na lang ako baka nga kainin na ako nito.
" Uhmmmmm, Ang sarap!" Bulong naman niya sa akin habang ako nanginginig sa takot.
" Hindi toh basta usapan" Naisip ko naman habang sinabi niya iyon sa akin.
" Fox,fox anong ginagawa mo? Kumakain ako, ng anong dish? A Daniel dish. Buhay ba o patay na?" Kanta naman niya.Hinawakan naman niya ang leeg ko na parang sinasakal. Napahinto naman siya ng ilang segundo sabay tumingin sa akin eye to eye contact.
" Edi buhay!" Napahawak naman ako sa dibdib ko. Papunta na siya sa restaurant habang tumatalon at pumapalakpak pa.
" Daniel, Kakain pa ako ng baka kaya hindi pa kita kakainin" Dagdag pa niya grabe akala ko kakainin niya na talaga ako.
" Ang girlfriend ko na gusto akong kainin ay isang gumiho" Naisip ko naman habang tinitingnan ko siya.
Napatingin na lang ako sa langit at nagbuntong hininga. Jusko kayo ng bahala sa akin sana naman wag akong kainin nito.
BINABASA MO ANG
My Girlfriend is a Gumiho (JulNiel Version)
Teen FictionIto ay isang kuwento ng isang lalaki na napadpad sa isang templo dahil sa kanyang mga pinaggagagawang kalokohan Nakatagpo siya ng isang babae, Babae na gumiho sa templo Dinrawingan niya ng siyam na buntot ang nasa painting dahil inutusan siya ng bab...