4Y-C # 24

55 7 2
                                    


Erwin's POV

My mom was very mysterious...

Sa tuwing may gusto ako itanong sa nakaraan niya, natatakot naman ako at nahihiya. Sa araw-araw ko naman siyang nakikita, napapaisip ako na baka may kinalaman nga si mama tungkol sa 'the great five'.. o di kaya isa siya dun.

15 years narin kasi ang nakalipas ang mga pangyayaring iyon pero alam kong merong gustong iparating ang killer sa amin mula sa kanila.

Ano ba talaga ang problema nila? At ano ang mga sikretong nagpapademonyo sa kanila?

Marami akong mga tanong sa mga isipan ko pero para lang akong tanga dahil wala namang sumasagot.

Siya nga pala yung nangyare kanina sa akin kay Nathan, bigla kasi akong kinabahan ng husto na makita ko siyang sinamaan ako ng tingin, at alam ko rin na sila nga ang gustong ipahiwatig ng killer sa amin.. the best couple to a bloody trouble.

Kailangan ko silang makita.

Nathan's POV

"Beh, uwi na tayo. Pagod na rin kasi ako kaya kailangan ko na ring magpahinga eh." wika ko kay Faye na nakasabayan kong umuwi.

"Oh sige, tara na baka mahilo ka pa diyan sa kinatatayuan mo"

Naglakad na kami pauwi palabas na building. Nakita rin namin sila Erwin na nasa clinic na hinihinay si Matt sa pagkakahilo niya kanina sa klase.

Nag-stay na muna kami sa labas ng gate para maghintay nang masasakyan pauwi. At laking gulat ko nalang ng biglang nag-vibrate ang cellphone kaya agad ko rin itong kinuha mula sa bulsa ko.

From: 09999888666

Gusto mo ba akong makita, nandito ako.... nasa room natin.

Nahilo bigla ako dahil sa nabasa ko. Sino naman 'toh? Hindi ko siya maintindihan. Siguro, oras na nga na baka siya ang killer na tinutukoy dito sa text. Kailangan kong bilisan.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"May haharapin kaya dito kalang at huwag aalis! Babalik ako kaagad!"

Nagpalipas kaagad ako ng takbo at dumeretso sa room namin. Pero iisang tao lang ang nakita ko sa room ngayon, walang iba kundi si Erwin.

Nandito si Erwin sa loob at may kinukuha sa locker niya. Agad ko siyang pinuntahan at hinawakan para matulak ko siya sa locker niya ng madiin, hinila ko rin ang bandang itaas ng uniporme niya.

"Nathan!" tugon niya.

"Erwin umamin ka nga." Panggigigil ko sa kaniya ng husto.

"Ha! Aamin? Anong aaminin ko?" Pag-aalangan niya, ano sa gusto niya balewalain lang 'yun.

"Pakunyare ka pa eh, ang sabihin mo ikaw talaga ang killer dati pa!" Sigaw ko

"Nathan! Makinig ka, hindi ako 'yung pinagbibintangan mo. Maniwala ka saken, totoo ang mga sinasabi ko"

Ano? Eh sino yung nag-text sa akin kanina na nandito raw sa room? Tsk, pabayaan na nga at baka mag-alala pa si Faye sa baba.

"Sa ngayon pagbibigyan kita pero oras na mahuli kita, papatayin kita."

Hindi ko na alam kung ano-ano na ang mga binibitawan ko pang mga salita sa kaniya na masasakit, pero totoo rin iyon kung sakali na mahuli ko siya.. hindi na ako magdadalawang isip pa kundi tuluyan ko na siyang patayin.

4th Year- CARINA {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon