Building.

41 1 0
                                    

Gabi. Hindi ko alam kung bakit ako narito sa building na ito. Abandonado na ito...mabaho...magulo...at nakakatakot. Hindi ko maalala kung baki ako narito...ang huli kong naalala ay pupunta ako sa trabaho ko. Ilang araw na ba ang lumipas? ilang araw na akong makatulog rito...

Sa pagtayo ko ay sumakit ang ulo ko at may biglang pumasok na imahe sa utak ko...isang pagsabog...at apoy. Pero ano ang kinalaman nito sa akin. Wala akong maiisip. May narinig akong kaluskos na nagmumula sa isang tila isang sirang kwarto o opisina...Baka meron din tao dito. Mabuti pang puntahan ko.

Madilim ang paligid pero may mga nasisinagan nang buwan kaya kahit papaano ay nakakakita pa ako. Habang papalapit ako sa kwarto o opisina ay tila may mga sigaw akong naririnig...mga sigaw ng taong tila humihingI ng tulong pero kanino? sa akin?. Sa pag pasok ko sa kwarto o opisina ay biglang lumakas ang ihip ng hangin ngunit hindi ako nilamig...wala akong naramdaman ni kahit kaunting lamig. Parang dumaan lang saakin ang hangin.

Mga sirang upuan...nagkalat na sirang kagamitan na tila ang iba ay nasunog...may kumaluskos sa gilid ng lamesa. Pinuntahan ko ito...May telang naka talukbong sa gumagalaw na bagay. Buong tapang kong inangat ang tela at sa pag angat ko'y may nakita akong daga na may nginangat-ngat...isang sunog na bangkay ng tao...napa atras ako sa pag atras ko ay , ay natapakan akong nabasag...Tinignan ko ito...isang picture frame na naglalaman ng...Litrato ko at nang aking Asawa.

Kawalan. (Some Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon