Tina's POV
Ang sarap matulog dito. Ang lamig tapos ang lambot pa ng kama. Gusto ko na dito foreveeeeeeeer!
"Hoy!" May kung sino na humampas ng unan sa likod ko. Nakadapa kasi ako eh.
"Hmmm... Ano?" Inaantok kong sagot. Walanjo naman kasi eh, ke-aga-aga manggigising, ang sarap kaya nang tulog ko.
"Bumangon ka na diyan!" Sigaw sa akin ni Ging yata? Di ko sure eh.
"Mamaya na." Angal ko.
"Hindi pwede!" Bigla na lang may humila sa dalawang kamay ko.
"Ano ba?!" Sigaw ko pagkatayo nila sa akin.
"Anong maaga?! 6:30 na ng umaga eh samantalang sa Camo alas-kwatro pa lang gising na tayo!" Sabi ni Ging.
"Yun na nga eh. Minsan na nga lang ako nakakatulog ng mahimbing eh." Sagot ko.
"Oh, eh di matulog ka ulit. Di ka na namin hihilahin." Sabi ni Royse.
"Wag na. Gising na gising na ang diwa ko." Sabi ko sabay pasok sa C.R. Gagawin ko muna ang mga ritwal ko. Hahaha.
Pagkalabas ko ay nakaupo lang sila sa kama habang nakatingin sa kawalan.
"Huy! Ano na? Luto tayo breakfast?" Pag-aaya ko sa kanila.
"Sige." Royse.
"Game!" Ging.
Agad naman kaming lumabas sa kwarto at nagtungo sa kitchen. Binuksan ko yung ref. at laking tuwa ko nang makitang may laman ito. Hahaha kasi wala namang tao dito dahil sa bahay nila nauwi si Chel. Eh sa pagkakaalam ko siya, mama at papa lang niya ang nakakapunta dito. Kaya for sure matagal nang hindi ito napuntahan dahil may bahay naman sila.
"Ano lulutuin natin?" Tanong ko sa kanila habang nakatingin pa din sa laman ng ref.
"Pancakes." Royse.
"Hotdogs." Ging.
"Fried Rice." Royse.
"Tocino." Ging.
"Bacon." Royse.
"Eggs." Ging.
"Wait! Ano ba talaga?" Tanong ko sabay harap sa kanila.
"Eh di lahat yun!" Sabay nilang sabi.
"Huh?! Ang dami kaya nun."
"Sus ano pa at tatlo tayo dito di ba?" Ging.
"Oo nga. At ano pang silbi ng mga mamahaling appliances ni Chel di ba? Baka nga wala pang isang thirty minutes tapos na tayo eh." Royse.
"Nga naman! Kaya kug ako sa'yo, mag-saing ka na dahil gagawa tayo ng fried rice!" Sabi sa akin ni Ging.
"Woah! Easy ka lang. Ke-aga-aga eh beastmode ka na agad." Natatawa kong sabi.
"Ewan ko sa'yo!" Ging.
"Hep! Kilos na po tayo!" Awat sa amin ni Royse.
Agad naman kaming kumilos at nagluto. Pinaghati-hatian namin yung gagawin para mabilis.
"Tina, mag-toast ka nga ng slice bread. Lagyan mong butter ah!" Sabi sa akin ni Royse habang abala sa pagluluto ng bacon.
"K. Ilan ba?" Tanong ko.
"Mga 10 lang." Sagot nito. Buti na lang may toaster si Chel! Hahahaha.
Nang matapos yung sinaing, agad ko na itong niluto para may fried rice na kami.
"Ging paki-ayos na ng table." Sabi ko.
"Dun tayo sa may labas kumain." Sagot nito.
"Huh?" Napatingin kami ni Royse sa kanya.
"Well, habang abala kaso kayong mag-luto and since tapos na ako. Inexplore ko muna 'tong pent house tapos nakikita niyo yung sliding door na may kurtina na yun." Turo niya sa pinto malapitmsa living room. "Daan yan sa parang veranda slash terrace or whatsoever. Ang ganda, makikita niyo yung buong city. Well di naman buong-buo." Sabi niya.
"Oh? Maganda talaga?" Tanong sa kanya ni Royse.
"Oo nga! Mukha ba ang nanloloko?" Tanong nito habang nakaturo sa sarili niya.
"Oo eh." Napatawa naman kami ni Royse dun.
"Ang harsh niyo sa akin!" Naka-pout na sabi ni Ging.
"Hahahaha wag kang mag-pout! Hindi bagay sa'yo!" Sabi ko sa kanya.
"Ano pa kaya sa'yo!" Sagot nito pabalik.
"Wooooooooah! BURN!" Sabi naman ni Royse.
"Che!" Ako.
Nang matapos naming i-set up yung table sa labas, napagpasyahan naming gisingin yung dalawa.
"Pasok na tayo ng kwarto nila." Sabi ko.
"Baka naka-lock yung pinto." Si Ging. Nasa tapat na kami ng door nila.
Pinihit ko yung doorknob.
"Nakabukas naman eh." Sabi ko at tuluyan itong binuksan.
"OMG!" Ging.
***
Ging's POV
"OMG!" Me.
"Hahahaha ang cute nila." Royse.
"Agree ako sa'yo." Sagot ko.
Nilabas ko yung cellphone ko at pinicturan sila.
"Huy dai! Ano yang ginagawa mo?" Tina.
"Shh! Souvenir lang! Ang cute kaya nila." Nakangiti kong sabi.
"Uy send mo samakin mamaya ah." Royse.
"Hahaha sure." ako.
Ang cute kaya nila! Magkayakap sila! Then hanggang bewan lang yung kumot nila kaya kitang-kita na magkayakap talaga sila.
"Gigisingin ko na ah." Tina.
Agad namang nagising yung dalawa.
"Morning guys." Bati ni Chel sabay tayo at diretso sa C.R. halatang antok pa dahil medyo nakapikit pa tapos yung lakad niya halatang bagong gising. Hehehe.
"Good Morning ate's." Bati naman ni Jovs habang humihikab at iniistretch yung katawan niya.
"Morning din sa inyong dalawa." Kami.
"Labas na kayo pagkatapos niyong mag-ayos ah. Ready na ang breakfast." Royse.
"Yes po." Jovs
Hahaha mukhang di nila alam na magkayakap sila habang natutulog ah! Mga bangag pa kasi eh. Aha! May naisip ako! Bwahahahahaha!
¤¤¤¤¤
Ano kayang naisip ni ate Ging? Hahahaha abangan! Napaaga ang update ko! Next week ulit! Love you guys!
Oh and by the way sorry sa mga typos and wrong grammars. Hindi ko na kasi chine-check minsan eh. Nighty! May pasok pa me tom!