Chp11: Gaz VS Chi

24 2 0
                                    

Third Person's POV


Napunta si Greed sa isang malawak na silid. Danfor, ito ang lugar kung saan binuo ang Five Names. Matatagpuan ito malayo sa limang mga village.


Sa dulo ng silid, nakita ni Greed ang isang lalakeng nakaupo sa isang nakatalikod na swivel chair, dahan-dahan itong umikot at nakita niya ang isang kasamahan, si Jao, ang Fourth Name.


"Mabuti at naisipan mo ulit na bumisita dito sa Danfor, Greed", sambit niya na diretsong-diretso ang tingin kay Greed na para bang sinisiyasat ng mabuti ang kasamahan.


"Magpatawag ka ng pagtitipon, importante", sabi ni Greed na parang wala lang sa kanya ang pagbating ginawa ni Jao. Kung maituturing bang pagbati ang sinabi niyang iyun.


Sinunod ni Jao ang utos ni Greed, gaya ng dati, siya parin ang bossy type na kasamahan. Kung tutuusin ay mas malakas pa siya dito pero siya yung myembro ng Five Names na kapag inutusan ka, wala kang magagawa kundi sumunod. Iyan si Greed, na kilala din sa tawag na "The Great Command".


Ilang segundo lang ang lumipas at nakarating na sa silid ang tatlo pang Names.


"Anong problema, Greed?", salubong na tanong ni Usis, ang Second Name.


"Natagpuan ko na ang natatanging warrior na may lahi ng isang Five Name, at nasa Kaze Village ang warrior na ito", sagot ni Greed na seryosong-seryoso.


"Bakit? Hindi mo ba siya kayang patayin?", kumunot naman ang noo ni Greed nang sabihin iyun ni Lesqui, ang Third Name.


"Minamaliit mo ba ako Lesqui? Syempre kaya ko siyang patayin, pero nararamdaman kong maaari natin siyang magamit", sagot ni Greed sabay ngisi.


"Magamit saan? Sapat na ang lakas natin para masakop ang limang village", sagot naman ni Usis.


"Mayroon siyang kakayahang kahit na tayo, ay hindi kayang pigilan", natigilan naman ang apat na Names sa silid.


"HAHAHA! Nahihibang ka na ba Greed? Walang sino man ang makakatalo sa atin!", sigaw ni Jao.


"Maliban sa kanya Jao", sambit ko sabay tingin sa kanya ng seryoso.


"Sino ang taong iyan?", tanong ni Vehr, ang First Name, ang pinakamalakas sa Five Names.


"Monique, Monique ang pangalan niya", sagot ni Greed. Dahilan upang mas bumigat ang tensyon sa loob ng silid.


"Kung ganun, kailangan na natin siyang mapatay bago pa man siya tuluyang mas lumakas", sabi ni Lesqui.


"Ngayon ko lang ata kayo nakita ulit na nagkakaganyan mga bata", napalingon naman ang lahat nang biglang may pumasok sa loob ng silid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Five NamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon