Millie Yaren
Hi. :") Im Millie Yaren from Secco. Yeah. you heard it. I am a secconian. Not only secconian because I am the one and only Princess of Secco, daughter of Queen Zhora and King Deltax Yaren.
Pangalan palang ang sossy sossy na diba.
Nag iisa nila akong anak. Pero hindi ako kagaya ng iniisip nyo na spoiled. Hindi ko nga alam kung anak nga nila ako eh. Hehe :D feel ko lang naman.
Siguro iniisip nyo ngayon palang kung anong role ko dito. Taga laba ako dito. ***JOKE :D*** hahaha.
Hmm. Maybe you read the story first para malaman nyo kung ano ang part ko sa buhay ni Prince Harry at ang koneksyon ko sa mga tao. At at at....
"Prinsesa." tawag sa akin ng isa sa MGA alalay ko. OA kasi ang magulang ko. Isipin nyo naman, labing limang alalay para sa isang tao. Take note. Wala pa yung mga mag gugwardya sa akin. Oh diba? Ang sossy sossy ko. Pero nakakasakal sila masyado.
"Ah. Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Ipinapatawag po kayo ng Reyna Zhora." ano na naman ba yun?
"Susunod na ako." sabi ko san kanya bago ko siya paalisin.
Nagtungo naman ako sa pinaroroonan ng aking ina. Masyadong maraming pasikot sikot dito kung kaya't medyo nahihirapan ako noon para hanapin kung nasaan sila. Medyo nasasanay narin ako at hindi na ako gaanong naliligaw pa, hindi katulad dati na para akong laging nawawala.
"Narito na ako, ina." magalang kong sambit sa kanya.
"May nais akong ipag utos sa iyo aking prinsesa." sa punto ng mga pananalita niya, alam kong hindi ko iyon magugustuhan.
"Ano po iyon?" kahit ayaw ko tinanong ko parin.
"Gusto kong pumunta ka sa mundo ng mga mortal." hindi ko inaasahan na iuutos nya iyon sa akin. Pero bakit?
"Ngunit ina...." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita sya.
"Ikaw ang magiging mata ko sa mundo ng mortal. Gusto kong subaybayan mo ang kilos ng Prinsipe Harry."
Wew? Seryoso bato? Ano magpapaka stalker ako ganon! Si Harry pa talaga.
"Sa anong kadahilanan ina?" hindi ko mapigilan ang sarili kong itanong sa kanya kung bakit. Pero tinalikuran nya lang ako.
"Gawin mo nalang ang ipinag uutos ko, Millie." Ewan ko lang huh! Pero diba parang ang hirap naman gawin non! Tsaka HELLO? Saan ko naman sya hahagilapin!
Naglakad ako pabalik sa aking silid. Hindi ko malaman kung ano at paano ko gagawin yon?
"Urrrggg!" napahilamos nalang ako sa mukha dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Baka mawala pa ako sa mundo ng mga mortal eh!
"May problema ba aking prinsesa?" nagulat ako ng biglang sumulpot si ama sa harapan ko.
"Ama." hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi ang ipinag uutos sa akin ni ina.
"Malaya kang makapagsasalita. Ano iyon?" mabuti pa si ama, kahit hari hindi nagmamataas. Mabuti siyang hari at ama sa akin.
" Ama, nais ni ina na matyagan ko ang Prinsepe sa mundo ng tao." hindi ko alam pero hindi ko talaga kayang maglihim sa kanya. Bukod tanging siya lang ang pinagsasabihan ko ng aking mga lihim.
"Nabanggit nya nga sa akin ang tungkol diyan." nagulat ako dahil pati pala sya alam na.
"Pero ama..." uso ang putulan ng sasabihin hah?