22

7.5K 225 30
                                    

Tiffany's POV

Monthsary namin ni Kim kahapon pero hindi na kami nagcelebrate kase may pinuntahan siya pero okay lang naman sa akin atlis binati niya ko kanina at nabigyan ko siya ng regalo kahapon kahit hindi niya alam kung anong meron

"Oh"Napatingin ako sa panyo sa harap ko

"You're not okay. Kunin mo"Sabi ni Nick tsaka tumabi sa akin

Kinuha ko yung panyo at pinunasan ang luha sa pisnge ko

Nasa bench kami at second time kong hindi umattend sa klase

"Akala ko ba masaya ka? Eh bat parang araw-araw kang umiiyak?"Tanong niya

"Umasa kase ako.... umasa ako sa soon na sinasabi niya. Syempre ang tanga ko kaya okay lang"Tawang sagot ko

"Tayo rin naman may kasalanan kung baket tayo nasasaktan, minamahal kase natin yung taong para sa iba"Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya

"Ano bang nagustuhan mo sa akin Nick?"Tanong ko na ikinagulat niya

"T-Tiffany ba-bat mo naman n-natanong?"Tanong niya rin

"Sagutin mo muna"Sabi ko naman kaya huminga muna siya ng malalim bago magsalita

You're a simple girl. When I first talk to you naalala mo? Yung nagpick-up lines ako sa'yo kaso hindi tumalab dahil akala mo nagjojoke ako"Nakatingin sya sa ulap habang nakangiti kaya pinakinggan ko lang siya

"Doon tayo naging close kase akala mo lahat ng sinasabi ko joke hahaha"Sabi niya

"Sorry ha kung hindi ko maramdaman... manhid lang siguro talaga ako"Kamot ulo kong sabi

"Oo nga! sobrang manhid"Tawang sabi niya kaya pinalo ko sya sa braso

"Tas yun nga every time na inaasar kita tas tumatawa ka I fall. I fall to you're laugh, you're smile. And because you're beautiful inside and out"Sabi niya tsaka ako hinawakan sa pisnge

"But one day dumating siya at nawala yung ngiti mo, yung totoong tawa mo. Hindi ka na makulit at naging tahimik. Minsan nga alam mo ba nagpaplano ako kung paano kita makukuha kay Kim kase nasasaktan ka na pero okay lang sa'yo pero pinipigilan ko kase mahal kita and naiintindihan kita. I hate her for hurting you Tiffany. Ang tanga ko kase hinayaan kong mahulog ka sa kanya pero ano bang magagawa ko"Sabi niya tsaka ko nakita ang isang bagsak ng luha niya

"I'm sorry Nick if I can just love you now"Sagot ko tsaka siya niyakap

"Sshh don't say that ayokong pilitin ang hindi dapat"Sagot niya kaya hinawakan niya ko sa kamay

"I told to myself long time ago na liligawan kita. Pasasayahin. Gagawin lahat ng pwedeng magpangiti sayo! And then I did it, pinaubaya kita kay Kim para maging masaya ka pero bat baliktad? I hate seeing you crying because of her, I hate it! I want to punch her , kick her , and kill her hahaha pero ayaw ko namang ikaw ang gumawa sa akin nun"Sabi niya kaya napaiyak na lang din ako

"Tiffany sana makapagdecide ka na"Sabi niya tsaka ako hinalikan sa noo

Tumayo kami at naglakad-lakad sa field

"Akala ko kase kaya ko pa, akala ko lang pala"Sabi ko habang sinisipa sipa ang kalat sa tapat ko

"Pwede bang iwan mo muna na ko Nick?"Tanong ko

"And why?"Tanong niya din

"Basta. Di naman ako magpapakamatay"Asar ko

"Sige na nga"Sabi niya tsak ngumiti at ginulo ang buhok ko bago umalis

          

Tumingala ako at nakita ang magandang ulap tsaka ko naisip na magpapakalayo-layo muna para mag-isip tsaka ko siya kakausapin

----

Napad-pad ako kung saan saan hanggang sa mapadaan ako sa dating school nila Kim at nakita ko silang dalawa

Pinapanood ko si Kim tsaka si Jessica ngayon. Ewan ko ba sa sarili ko bat ko pa sila sinundan

Kung tutuusin wala talaga akong laban kay Jessica. Maganda, nasa magandang school,mayaman, maputi, mabait, at mukhang matalino pa

They're laughing and I don't know if I should be happy because I saw Kim being happy again  or not because my heart is breaking

I wish I was Jessica so she can laugh with me

Kakausapin ko na ba siya?

Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim

Naglakad ako palapit sa kanila at nakita ko ang gulat sa mukha ni Kim at pagtataka sa mukha ni Jessica

"T-Tiffany"Tawag sa akin ni Kim at nakita ko ang pagbago ng face expression ni Jessica nung marinig ang pangalan ko

"H-Hi?"Pilit na ngiting sabi ko

"Look im going to expla--"Sabi niya tsaka tinago sa likod si Jessica

"Hindi ko naman siya sasaktan, hindi ko sasaktan ang kaligayahan mo"Sabi ko na ikinagulat niya

"It's better if I leave"Sabi ni Jessica kaya pinigilan ko sya

"No. Wag, aalis din ako wag ka mag-alala"Sagot ko habang nakatingin sa kanya

Naiiyak na agad ako kapag nakikita ko siya. Gusto ko siyang sampalin, tadyakan kahit ano na pwedeng gawin para lumayo siya kay Kim pero hindi ko yun magagawa dahil masasaktan ko si Kim

"Mag-usap na lang tayo sa bahay Tiffany"Sabi ni Kim kaya tumingin ako sa kanya

"May sasabihin lang ako"Sabi ko tsaka pilit na pinipigilan at pinupunasan ang luha ko

"A-alagaan mo si Kim. Wag mo siyang sasaktan ha kase ayokong maging malungkot ulit sya hahaha tsaka diba alam mo naman na gustong gusto niya ng ice cream tsaka spaghetti kase may memories kayo dun kaya yun yung lagi kong niluluto at binibili sa kanya"Sabi ko kay Jessica tsaka pinunasan ang luha ko

Lumapit nama ako kay Kim

"Kim ano ahmm kukunin ko na muna tong bracelet na binigay ko tutal siguradong mabibilhan ka niya ng mamahalin at mas bago"Sabi ko habang hawak ang kamay niya

"No"Sabi niya bigla

"Kim naman"Tawang tawag ko sa kanya

"Don't fucking laugh Tiffany!"Saway niya sa akin

"Eh anong gusto mong gawin ko umiyak at magmakaawaang ako na lang mahalin mo? Ay nagawa ko na pala yun hahaha"Sabi ko tsaka lumayo sa kanila

"Ma-mauna na pala ko may ka-kailangan p-pa kase akong g-gawin. Bye?"Ngiting sabi ko tsaka naglakad palayo

Nung nakalayo layo na ko tsaka ko lang nalabas lahat ng sakit

Parang ilang beses kong sinaksak ang sarili ko dahil ngayon nagising na ko

Umuwi na ako sa bahay nila Kim tsaka inayos ang gamit ko pero bago yun naligo ako syempre tsaka nagbihis

"Nakauwi na ba si Kim?"Tanong bigla ni Manong pagkalabas ko ng kwarto

Can't Unlove You (GxG) [TaeNy]Where stories live. Discover now