Kabanata 8: Text
Weekend ngayon kaya dito muna ako sa bahay namin para tulungan si Ate Nicole na mag-alaga kay baby Matti kasi nasa Cebu si Kuya para sa isang business convention doon for 3 days.
Nag-day off rin si Manang Fe kaya naman kinailangan kong tanggihan si Alden sa pag-aaya niyang umalis at magpunta sa isang theme park daw sa Laguna.
Sayang naman 'yun. Parang official date na sana namin kaya nga lang mas kailangan ako dito sa bahay. Si Nanay at Tatay naman ay umalis rin para asikasuhin ang iilang problema sa business namin nitong mga nakaraang linggo.
Kawawa si Ate at si baby Matti kapag iniwan ko lang para lumandi.
Maaga akong nagising para tulungan si Ate na paliguan si Matti. Sobrang cute niya, nakakaiyak! Siya rin kasi ang kauna-unahang bata na kinarga ko!
May pagka-clumsy kasi ako kaya hindi ako masyadong hinahayaan na mag-baby sit kahit sa mga pamangkin ko sa pinsan dati pa. Nagyon, since all eyes are on Matti, bantay-sarado din lahat ng mag-aalaga sa kanya.
"Meng, pakikuha naman 'yung towel ni Matti sa taas oh," malumanay na sabi ni ate habang shina-shampoo-han si baby.
Nakahiga siya sa isang bath tub pero nakaangat 'yung likuran niya. Hindi pa kasi niya kaya maupo or dumapa kaya ganon muna para madali siyang i-shampoo.
Tumango lang ako at nagpunas sa hand towel na nakasabit sa dining chair namin tapos ay tumakbo na ako paakyat ng hagdanan para pumunta sa nursery room ni Matti.
Naiwan ko rin doon ang phone ko kaya bago lumabas ay nag-check ako para sa iilang messages.
Cara Marceline Espinoza:
'Nakaka-1.3M views na 'yung Dubsmash compilation mo! Shinare rin nung prof natin sa Fundamentals of Baking! Grabe, Meng!'
Napa-oh my gosh ako bago nagtatalon! Teka, naalala ko si Matti, baka nilalamig na 'yun kasi wala pa siyang towel!
Nagsend na ako ng reply kay Cara bago bumaba ng hagdanan. Puro "AHHHH" lang naman ang laman ng message na 'yun. Saka na lang kami magkkwentuhan kapag natapos na ako magpaligo ng baby.
Iniabot ko kay Ate 'yung towel na kulay blue at dahan-dahan naman niyang binuhat si Matti mula sa maliit na bath tub nito at ibinaba sa diaper changing station na parang foldable table na maliit. Dito lang kami sa dining room since sa lababo lang pinaliguan si cutiepie. Mas controlled kasi ni Ate ang tubig dito kesa sa bath tub na medyo malalim at kakailanganin niya pang yumuko.
Kung anu-ano nang ginawa at pinahid namin kay Matti, nilagyan din namin siya ng diaper na ang liit! Tapos ay binihisan namin ng baby clothes saka 'yung mittens and socks. Lalabas rin ata kami mamaya para paarawan si Matti dahil healthy da yung sunlight before pa mag 10AM.
"Menggay, 'yung phone mo kanina pa nag-aalert sa mga messages oh," tungo ni Ate saakin.
"Kasi, ate! 'Yung Dubsmash ko daw umabot na ng 1.3M views sa Facebook!"
"Talaga? Wow! Sana dumami pa tapos makuha ka na sa TV!"
Namula ako, nahihiya pa rin kasi akong aminin na ultimate dream kong maging artista. Kaya nagpanggap akong ayoko nung idea ni ate, "Nu ka ba, wala namang sumisikat sa pagpapapangit!"
"Marami kayang comedian nagsimula sa ganyan!" halakhak niya.
Napa-iling na lang ako at kinuha 'yung phone ko para tingnan ang mga messages ni Cara at Beatrice na siguro naman ay may idea na kung ano ang Dubsmash. Hindi ko kasi naipanood sa kanya dahil sa kinaladkad nga ako ni Gerard palabas ng gym.
BINABASA MO ANG
Kailan: A MaiDen Fan Fiction
RomanceMaine Mendoza almost has a perfect life: perfect family, perfect siblings, even a perfect nephew from her Ate Nicole. Maganda at masaya rin ang buhay niya sa college at malapit na siyang makapagtapos ng Culinary Arts, konting tiyaga na lang. Kaso...