10: Milky Creamy Cookies

20.4K 593 44
                                    

MILKY CREAMY COOKIES

"Good morning Sabrina!" Sabay sabay na bati sa akin ng isang grupo ng estudyante na nakasalubong ko. Napatigil ako at napakunot noo. Binati nila ako ng nakangiti at sa pangalan ko pa mismo. Gayung sa apat na taong inilagi ko dito sa eskwelahan ay walang ni isa ang tumawag sa pangalan ko. Maliban sa mga teacher. Napakunot noo ako at napatigil sa paglalakad. Hindi ko namalayang sinundan ko pa sila ng tingin hanggang sa lumiko sila sa isang hallway at tuluyan ng nawala.

Takang taka ako habang patuloy sa paglalakad at patuloy sa pagtanggap ng bati mula sa iba't ibang tao sa eskwela. Lahat sila binabati ako ng nakangiti at tinatawag sa pangalan ko. Minsan nga ay may tumatawag pa sa akin ng palayaw kong Saab.

Hingal kabayo ako sa pagakyat ng hagdan papunta sa ikatlong palapag ng building namin. Ilang beses pa kong napahinto sa gitna ng pagakyat ng hagdanan.

Grabe ang tulo ng pawis sa buo kong katawan. Gamit ang malaki kong braso ay madiin kong ipinunas iyon sa aking noo at naghilamos ng palad sa basang basa kong mukha.

Ang lagkit lagkit ko nanaman.

Nang sa wakas ay makarating ako sa room ay nagulat ako na naging ganun din ang pakikitungo sa akin ng lahat ng kaklase ko maging sila Jennifer, Abi at Trixie.

"Hi Sabrina girl!" Maligayang bati sa akin ni Jen at isa isa pa silang bumeso sa akin.

Napatunganga ako sa kanila. Hindi alam ang sasabihin o gagawin. "A-Anong meron?" Kinakabahan kong tanong. Nasa panaginip ko ba ako at lahat sila eh parang mabait at walang amnesia dahil naalala nila bigla ang pangalan ko?

Natawa siya sa tanong ko. "What do you mean, silly girl." Sabi niya sa bahagyang pagtawa at nagkibit balikat. "Oo nga pala there'll be another game this coming week diba? Let's go together, kay?" Matamis na ngumiti sa akin si Jen at tumabi pa sa upuan ko.

Nagpalingon lingon ako sa buong classroom at naghanap ng hidden camera. Gusto ko sanang sabihin na, 'sige na ilabas na yung camera'. Napagtripan nanaman ata ako. Buong araw ay ganun ang pakikitungo ng lahat sa akin. Not just them but the whole school. From freshmen to seniors. Nakakapagtaka talaga.

Am I on some kind of a joke and magically missing in on the fun dahil ako lang ang may hindi alam sa nangyayari. At ako ang ginu-good time. I don't know but I just don't want to lower my guard down.

But the next day was still like that. And the next. And the next.

Gusto ko na sanang tanungin si Jen, Abi o Trixie para sana magtanong kung anong sakit ang dumapo sa eskwelahang ito at bigla silang lahat naging mabait. But I'm not the confrontational type. Hihintayin ko na lang silang mapagod lahat sa kalokohang ito. Sooner or later may isang bibigay sa kanila.

"How'd you like it? Masarap ba?" Hopeful na sabi sa akin ni Jen.

Today she handed me a box of her personally baked milky creamy cookies. I must say ang sarap niyang talaga. Mainit init pa nga ito ng iabot niya at bahagya pang nag moist ang plastic sa paper box na pinaglagyan nito.

Umisang subo ulit ako ng cookies na siya mismo ang nag bake at saka nag thumbs up gamit ang dalawang kamay.

"Sarap nito! Sobrang sarap." Komento ko habang nakatakip ang bibig at ngumunguya pa.

"Good." Jen said in approval. Ngumiti siya sa akin.

"Sabrina." Napukaw ang atensiyon ko sa tawag na iyon ng isa sa kaklase ko. "May naghahanap sayo nasa labas ng room." Ngiting ngiting balita niya sa akin. Saglit pa siyang natigilan sa harapan ko na parang kinikilig. Sa gilid ng aking mata ay nakita kong medyo umasim ang mukha ni Jen bago tumingin ng makahulugan kina Abi at Trixie saka inayos ang postura para humarap sa akin at ngumiti ulit.

Heavy BeautyWhere stories live. Discover now