"I LOVE YOU" napakahirap bigkasin ang mga katagang iyan sa oras na iyon. Halos maka isang libong "I love you" ako sa kanya. Ayaw kong maramdaman niya ang lungkot na nararamdaman ko. Sinundan ko pa iyon ng mga katagang lagi kong binibigkas sa kanya upang siya ay kiligin.
Napakahirap maging isang komedyante sa iyong minamahal. Ngunit ito'y kinaya ko. OO! Kinaya ko dahil sa mahal ko sya. Handa akong gawin ang lahat para Makita syang nakangite. Masaya. Gusto kong masilayan ang matamis na ngite ng pinakamamal kong si hanna. Kahit sa isang saglit lang.
Pinaniwala ko siyang may himala sa "falling star" na ang lahat ng naisin mo ay matutupad tulad ng sinasabi ng matatanda. Kahit na alam kong imposebling mangyari. Gusto kong maramdaman sa kanya ang pagiging positive sa buhay. Dahil... dahil... dahil alam ko anomang oras mula ngayon ay babawiin na ako ni God.
Napakasakit isipin na ako ang dahilan ng kanyang kasiyahan, ako din pala ang magiging dahilan ng kalungkutan niya. Dahil isang malagim na pangyayari ang bumago sa pagkatao ko. Nagkasakit ako ng "Cancer" at ako'y malapit ng bawian ng buhay. Ngunit ang lahat ay itinago ko sa kanya.
Ayaw ko mang iwan sya ngunit di ko hawak ang oras sa mga sandaling iyon. Anomang oras ay pwedi akong mamatay. Napakasakit isipin na ang pangako kong happily ever after ay mapapalitan ng isang kalungkutan at pagpatak ng luha ng pinakamamahal ko.
Habang may oras pa akong nalalabi ay pumunta kami sa isang puno ng narra kung saan inukit ko ang aming pangalan tanda ng aming walang hanggang pag-iibigan. Para sa ganon, mawala man ako ay maaalala niyang may isang "Bryan" na nagmahal sa kanya ng totoo. Gusto ng kumawala ng mga luha sa aking mga mata ngunit pinigil ko iyon. Ayaw kong malaman niya ang sekreto ko. Ayaw kong mastress siya ng dahil sa akin.
Kaya ang mga luha ko ay pinapakawalan ko sa tuwing di kami magkasama. Ang dami kong hiling na sana, bigyan pa ako ng pagkakataon. Ng mahaba- haba pang buhay. Sana gumaling ang sakit ko na alam kong malabong manyari. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa sya kayang iwan.
Naaalala ko pa ng minsang magplano kami ng aming palasyo. Oo palasyo. At mga angel na syang pupuno ng kasiyahan naming dalawa ngunit akoy bigo! Bigong tuparin ang lahat. Napakasakit!
Hanggang sa bawian ako ng buhay. Sa huli nalang niya nalaman ang lahat. Sinabi ng parents ko ang totoo. Halos hindi niya matanggap. Gabi gabi siyang umiiyak. Napakasakit Makita ang pinakamamahal mong lumuluha ng dahil sayo.
Gusto kong punasan ang kanyang mga luha ngunit papaano? Kung pwedi lang na ako nalang ang makaranas ng lahat ng sakit na kanyang nararamdaman ay ginawa ko na. ngunit akoy isang hamak na espirito na lamang. Sana kung gano kita kabilis iniwan, ganon din kabilis ang paghilom ng sugat na dulot ng aking pagkamatay. Sana....Sana
BINABASA MO ANG
Lost In the Game Of Love (One Shot Story)
Short StoryNapakasakit balikan ang nakaraan. Napakadaling sabihing "Move-On" pero ang hirap i-apply. Hanggang saan ang kaya mong ibigay sa ngalan ng pag-ibig?