Bea's P.O.V.
Second day na sa pagiging senior high at ngayon may kaibigan na ako, pero kailangan ko pa ring sundin ang plano. "Hey? Bea are you there?" Ask ni Jam sabay snap ng fingers. Siguro nag-daydream nanaman ako, palagi akong tulala! Hayy... "Huh? Bakit?" Tanong ko. "Kasi nagkkwentuhan tayong tatlo bigla ka nalang natulala" explain ni Ali. "Ayy.. Sorry po." Sabi ko naman. Nagtawanan kami at nag-usap. Sana hindi nila napansin ang sinasabi ko sa utak ko. At sana magawa ko ang plano. Ang kailangan ko lang naman ay yung mga sekreto nila ehh.. Tapos!Jam's P.O.V.
Hayy nako tulala nanaman si Bea palagi nalang syang ganyan. I don't think na interested sya sa mga sinasabi ko ehh. "Hey? Bea are you there?" Tanong ko. Siguro inaalala nya parin yung kahapon, yung about sa BLACK FAME. Nagkaroon kami ng convo at tumawa.Timeskip: Dismissal!!!!!
Hayy.. Hinihintay ko yung sundo ko kasi nagawa ko na lahat ng HomeWork ko sa room. "I don't need to sleep here dad, I'm all done with everything. Can you please get me home?" I beg to my dad since he insist that I will sleep at my room at school. "Okay, sige na nga. Ipapasundo nalang kita kay kuya driver. K?" Sabi ni Dad. "Thanks dad" "no prob."
Hinintay ko yung service ko for 30 minutes at sa wakas nakasakay na ako. Naka-uwi na ako at nakita si Dad na kausap si tita, kaya pala wala sya sa office nya kanina. "Oh darling, ngayon ka lang naka-uwi?" Tanong sa akin ni tita. "Well ye-" itutuloy ko sana kaso sumabat si Dad "Yes kaka-uwi nya palang. May ginawa pa sya sa school" Ewan ko kung bakit nag-sinungaling si Dad! Siguro takot lang sya baka pagalitan ni tita si Dad, yang magkapatid talaga.
Kumain kami ng dinner after that pumunta ako sa room. I checked my phone kung may text, pero wala. I went to my Facebook account and then my Instagram and then Twitter. I got bored and texted Ali.
"Hey Ali, are you busy?" I texted. "Not really, I just finished cleaning my room." She replied. We have some conversations at iba iba ang topic, pinag-usapan namin ang BLACK FAME pero sabi ko wag nalang sila pakielaman. Napag-usapan namin si Bea at dun humaba ang usapan. "So do you think na real friend natin si B?" Tanong nya. "Yeah, I think so" reply ko. Tinanong nya yun kasi marami na kaming mga naging kaibigan na fake lang. Yung iba nakipag-kaibigan lang kasi may-pera kami, matalino, at mabait. Pero sa huli ok lang sa amin kasi sabi nga ni Ali "Everything has a reason, it's either a blessing or a lesson." Kaya think positive kami palagi. Dito sa S.U.E. kasi maraming groups may Emo, Loners, Pabebe, Jocks, Nerds, Dancers, Singers, at marami pang iba. Lahat sila ay nag-titipontipon tuwing lunch, break, or dismissal. Kahit may groups ang school wala paring ma-oout of place pero sadyang may loner. Masaya sa S.A.E. mas lalo na kapag may upcoming events kasi lahat ay excited at todo todo ang practice. Lahat ng groups ay may presentation at nakaka-entertain talaga. Ako at si Alicia ay simula ng Grade 6 ay magkaibigan na. Kahit sa ibang tao ay saglit lang yun, sa amin forever na yun. Kaming dalawa ay nagkakasundo at kung may tampuhan ay agad naming inaayos. We used to go to beaches every summer, kaming dalawa lang. We attended concerts, trips, and a lot of fun activities. We are very close, sa sobrang close parang twins na kami, kapag nagshshopping parehas ang binibili namin. Parehas ng shoes, bag, damit, at LAHAT as in LAHAT. Ang saya nga magkaroon ng friends pero kailangan din ng alone time para makapag-isip isip.
I fell asleep pagkatapos kong mag-isip isip.
Bea's P.O.V.
"Gabi na, bakit nandito ka?"
"Nandito po ako para i-report lahat."
"Ahh ok sige."
Inabot ko ang papel at tinanggap nya. Sana naman ok na sa kanila yan. Hindi ko talaga sure kung para saan ang pinapautos sa akin pero ang alam ko lang ay paghihiganti. "Okay na 'to, umalis ka na."
"Salamat po. Pero tanong ko lang, bakit kailangan mo ba 'to gawin sa kanila?"
"Dba gusto mo mag-drama class?"
"Opo"
"Yun naman pala ehh magpaka-artista ka nalang dyan at gawin ang kailangan mong gawin."
"Sige po, aalis na ako"
Nung naglalakad na ako sa sakayan ng jeep, na-realize ko na gabi na talaga at may pasok pa bukas. Tumakbo ako at nagmadali. Nakasakay ako agad pero ang problema ko yung traffic eh. "Sobrang tagal naman!" Sigaw ng isang pasahero. "Oo nga, anong oras na oh! Akala ko tuwing rush hours lang ang traffic!" Reklamo ng isa. Ako naman tutulog tulog kasi matagal naman talaga. Hayy.. Ang hirap talaga ng buhay scholar. Mahirap na nga ang buhay, mahirap pa ang dadatnan. "Para po." Sabi ko. Hay! Sa wakas naka-uwi na rin! Nag-tricycle nalang ako kasi napagod ako kakalakad. Binuksan ko yung pintuan ng apartment at sumalubong ang malakas na hangin. "Papaulan na pala" sabi ko. Sinarado ko ang mga bintana at nagpalit ng pantulog, pagkatapos non natulog na ako.Timeskip: Morning
Jam's P.O.V.(Krinngg.. Krinngg..) "ughh!! Umaga nanaman" sabi ko. I got out of bed at pumunta downstairs to eat my breakfast. Pagka-baba ko wala akong nakitang 'dad'. "Ate, nasaan si dad?" Tanong ko sa maid namin. "Ayy... Umalis po ng maaga." Explain nya. Saan kaya pumunta si dad? Kapag kasi may pinupuntahan sya, sinasabi nya sa akin. Siguro sa syang nagmamadali nakalimutan nyang sabihin sa akin. Pumunta nalang ako sa school at as usual naman palagi, nandun ang BLACK FAME, si Ali, at si Bea. Sobrang normal lang ng day ko, except lang dun kay dad. Bakit kaya sya umalis ng maaga? Na walang paalam? Hayy... Kinuha ko yung sketch pad ko para magdrawing. Wala akong maisip kaya nag-doodle ako. Mga minions ang dinodoodle ko. Na-bore na rin ako kaya natulog nalang ako.
A/N: Bakit kaya umalis yung dad nya? May importante bang meeting? Alamin!
Dont forget to vomment<3
BINABASA MO ANG
Over my Teenage Body
Teen FictionTeenage years, ang the most stressful at tough year ng isang tao. Depression, anxiety, at mood swings. Yan ang isa sa mga problems na kadalasang nangyayari sa isang teenager. Maraming tao ang naniniwala na kahit ano man ang problema mo, nandyan ang...