Chapter 26

1.3K 35 12
                                    

CHAPTER 26 - Heart and Mind

Luke's POV

"Anak..."

May narinig akong boses. Teka. Boses ni Mommy yun ah! Sinundan ko yung boses niya hanggang sa makarating ako sa balcony.

"M-mommy?"

Nakita ko siya nakatayo doon at nakatingin sa labas. Tapos humarap siya sa akin at inialok sa akin ang kanyang mga braso, parang nagsasabing lapitan ko siya at yakapin.

"Luke, anak. Ang laki mo na."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa at tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap ang Mommy ko.

Nakayakap lang ako sa kanya habang kinakantahan niya ako at hinahaplos ang buhok ko...

"Oh, baka naman may girlfriend ka na, nak?"

"Po? Wala po noh." sagot ko.

"Pero may napupusuan ka na ba? Wag mong sabihing wala!"

 

Nag-smile ako at tumayo nang maayos saka humarap sa kanya.

"Actually, Mommy. Meron nga po. Kaso ang gulo-gulo eh. Matagal ko nang gustong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko, pero lagi akong pinangungunahan ng kaba at takot. Dati po kasi, oo, gusto niya ako. Pero ang tanga tanga ko po eh, nasaktan ko po siya. Kaya ngayon, parang malayo na yung loob niya sa akin. Ano pong gagawin ko ma?"

Realize [JerNella]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon