Salamat po sa votes at comments sa previous chapters. God Bless po! Hulaan niyo po kung sino sa multimedia ang dalawa. meheheh!
Jade’s POV
2 weeks na ang nakakalipas simula nung nangyari kay Erin sa shower room, napag-alaman naming na si Abigail yung gumawa nun sakanya at sinong nagsabing pinalampas namin yun?! Mukha niya.
“Sino ka para manakit ng tao ha?!” sigaw ni Sienna habang dinikit sa pader si Abigail
“HA-HA at sino kayo para hindi saktan!?” nangangasar na sagot niya
“Alis nga diyan Sienna, patitikimin ko lang ‘to! Isang suntok lang!” asar na asar na sigaw ni Denise
“Ikaw din ba yung nagpadala nang dalawang lalaki para hatakin si Monique ha!?” ako na ang nagtanong, pag ito hindi pa sumagot ng maayos ma susuntok ko na ‘to!
“Eh ano kung ak—“ di ko na pinakinggan ang sinabi niya sinuntok ko na siya “Fck! Ano ba! Let me go!” pagpupumiglas niya
“Kung palapa kita sa aso ha!? Ano ba talaga ang gusto niyo!? One on one ang grupo niyo saming lima ha!? Hindi kami uurong” natahimik naman siya sa sinabi ko “Oh? Ba’t di ka makasagot!? Natatakot ka!?” imbis na sumagot ngumisi lang ito
“Maghihiganti ako tandaan niyo yan!” sinampal siya ni Sienna
“Tangina mo! Kayo nang una tapos maghihiganti ka!? Lakas ng trip mo ah!? Gusto mo ng permanent make up ha!? Sampalin kita instant blush on yan!” nang gigigil na sigaw ni Sienna, alam kung pinipigilan lang niya ang masaktan pa ‘tong si Abigail dahil hindi din naman patas na nag-iisa lang siya tapos tatlo kami. Si Erin kasi sinamahan ni Luke habang si Monique naman ayun di daw tinatantanan ni Grey sa kakaligaw
“Tandaan niyo ‘to!” sigaw ni Abigail “Hindi lang kami nila Stacey kalaban niyo, kaya wag kayong magtaka kung may magbanta o may manakit sa inyo! Narinig niyo k—PAK!” sinampal nanaman siya ni Sienna
“Ehh gaga ka pala eh! Suntokin kita gusto mo ha!?” sinasabunutan na siya ni Sienna
“Tama na yan Sienna, may araw din yan” pagpigil ni Denise na mukhang nabagot na “Nakakasuka itsura niyan! Alis na tayo dito” nasa likod kasi kami ng Academy dito siya naming hinatak nung nakikipaglandian siya kanina. Tss
“Ikaw Jade? Hindi ka na ba hihirit dito? Bibitawan ko na ‘to” dugtong ni Sienna umiling naman ako at tumalikod na
“Mga warfreaks kayo!” sigaw pa niya “Kadarating niyo lang sa Academy, nilandi niyo na ang A-Prince!” hindi na ako nagdalawang isip pa at sinuntok siya ng pagkalakas lakas
“Ohhh!” yun nalang nasabi nina Sienna at Denise “What the!? Nahimatay!? Isang suntok lang yun ah?!” natatawang sabi ni Sienna
“Makapagsalita ka ng malandi parang di mo nagawa ah?” kalmadong kong sabi at tumalikod na “Hayaan niyo siyang paglamayan diyan, may plano pa naman ako sanang ihatid siya hanggang 4th floor pero bahala siya diyan”
Sienna’s POV
Hayy buhay parang life, ano daw? HAHA, kay aga aga may na bugbog na kaming tatlo. Actually pinagsabihan lang di ko naman na purohan. Wala kasi ako ng mga oras na kinailangan ako ni Erin kaya naguilty ako, langyang Seth kasi eh! Tinago yung phone ko, warm up kasi namin nung time na yun sa Taek Won Do. Tss, naglalakad kami ngayon papuntang 4th floor ng makita ko si Seth na may tatlong kalandian.
“Ahem, Sienna mauna na kami ni Jade ah? Mukhang may dapat ka pang asikasuhin, babay!” sabay hatak niya kay Jade, palibhasa nakakalakad na nang maayos yung isa hatak na lang nang hatak!
“Prince Seth, tulungan mo naman ako sa assignments ko” pigilan niyo ko readers! Pigilan niyo ko! Kumakati yung kamay ko, gustong gusto makasuntok
Naglakad nalang ako dahil nasa gilid sila malapit sa locker, nakapamulsa ako sa blazers ko at nakayuko nang dinaanan ko sila. Wala man lang ‘Hi’ yung gagong yun!? Makapaglandi wagas!
“Sorry pero hindi ako tuitor mo” natawa ako sa sinabi niya pero di ko lang pinahalata ng may matisod sa harap ko at nahulog ang dala niyang bag at lumabas ang sandamakmak niyang make up. Kaya lumuhod ako para tapatan siyang pulutin ang mga iyon pero naitulak niya ko
“Wag kang pakilamera, umalis ka diyan dahil tutulungan ako ni Prince Seth!” pota! Ano daw!? Masampulan nga
“Hindi tutulungan na kita” plastic kong pagkakasabi kaya tinulak niya ulit ako at ngayon malakas na, teka!? Kilala ko to ah?! Si TULAK GIRL! Yung sa quad!?
“Ahh miss are you okay?” langyang malanding to! May kalandiang tatlo na dun di pa nakontento!?
Inabot ko nalang yung nahawakan kong make up kit niya pero nakayuko ako, ayokong makita nitong gagong ‘to. Playboy nga, matulunging playboy. Nang inabot ko na, kinuha naman ito ng marahas sakin nung babae kaya tumayo ako at nagpagpag ng damit dahil sa pulbo niyang fake. Leshe! Yumuko naman si Seth para tulungan siya, ako? Nakatayo lang sa harap nila
“Heto pa miss, daming make up ah? Supplier kayo ng make up?” ngiti ngiti lang yung uhog sa sinabi ni Seth habang inaabot ang mga nagkalat na make up nung babae, aalis na sana ako ng magsalita pa si Seth kaya napahinto ako
“Kung ganito din naman, mag-ingat ka sa susunod. Wag tanga tanga ha?” nagulat ako sa sinabi niya “Girlfriend ko kasi nabangga mo eh, kaya kung pwede banggain mo na lahat wag lang ang ganitong mukha” tinaas niya ang ulo ko at nagtama ang mga mata namin, at ngumiti siya. Shet! Lupa lamunin mo na ko! Alam kong namumula ako! Tumingin naman siya sa babae “Narinig mo ko? Claire..” lumaki naman mata nung Claire at natulala habang tumayo
“A-ah S-seth, bitawan mo na ko” bigla niya kasi akong inakbayan
“NO, halika na!” hinatak na niya ako papuntang elevator, nge!?
“Ba’t sa eleva—“
“Tss, kaysa naman lakarin natin hanggang 4th floor” nakapamulsa niyang sabi at humarap sakin “Teka, ayos ka lang ba? Ba’t ka kasi nakayuko kanina, tignan mo tuloy! May pulbo ka din sa buhok mo” niyugyog niya ng mahina ang buhok ko at hinawakan ang pesnge ko, nang ngiting ngiti! May kinuha pa siya sa bulsa niya at yumuko ginamit niya ito para pagpagin ang natitirang pulbo sa palda ko
“Tama na yan, di bagay sayo” pilit ko siyang hinahatak pataas gamit ang right hand niya samantalang ang left hand niya ay patuloy pa rin sa pag pagpag “Hoy!”
“Sa likod meron pa ba? Ikot ka nga” namula naman ako, ba’t ba siya ganito!? “Hoy! Sabi ko ikot, engot! HAHA” hinatak ko na siya patayo ng ma out balance siya kaya napasandal ako sa elevator ganun din siya
TING!
“O.M.G, hindi ko kaya ang nakikita ko” nagulat ako sa nagsalita, nasa 4th floor na pala kami
“Hala? S-si Prince Seth ba yan? Mukhang totoo nga” bulong bulongan pa rin
“Shucks! Di ba kaklase na tin yung girl!?” nakangisi lang yung langyang ‘to!
“Umalis na tayo sa elevator” sabay kurot sa pesnge niya
“Awch! Sienna bitaw!” binitawan ko naman ito at tumakbo na papalabas, shet! Daming tao!
“Sienna! Hoy babes!” dinig ko pang pahabol niya, nang makita ko sina Erin at Luke nakisabay na ako
Monique’s POV
Nagsisisi akong nauna ako sa classroom, SWEAR! Kanina pa ‘tong si Grey ehh! Ang leshe lang kasi, gusto ko nang ligaw! Hindi lugaw! HAHA, para siyang gago sa ginagawa niya eh.
“Monique.. tayo na please?” oh ayan nanaman siya! “Ba’t ayaw mo sakin?” nakapout niyang tanong
‘Eh kasi po gusto ko nang pormal na ligaw, pero potangina kang lalaki ka! Last week ka pang LIGAW ng LIGAW! Pero hindi naman ligaw! Pinipilit mo ko eh’
Laman yan ng utak ko, sarap isaksak sa kukote nang baklang ‘to na LIGAWAN mo ko! Shutang ina! Gusto ko din na ligawan ng lalaki no? Hindi dahil sa sinabi niyang TAYO NA, eh bibigay na ako! Sa inyo kaya? Magpapa easy to get kayo ha!?
“Monique” may tumawag sakin mula sa pinto, si Bricks “Pwedeng pumasok?” napatingin ako kay Grey na nakabusangot
“Hindi pwede ang Class B sa Class A” sagot niya kay Bricks at tumingin sakin “Diba?” aba, makatingin ‘tong lokong ‘to ah? Ma paglaruan nga
“Hindi naman, halika Bricks! Ano ba kailangan mo?” natatawang tanong ko kasi nagdadabog na si Grey sa upuan niya. HAHA!
“Ibibigay ko lang sana ‘to sayo” may inabot siyang chocolate at bulaklak
“Pft, ang corny!” natatawang comment ni Grey, CORNY TO!? Gagong lalaki “Hoy! May Boyfriend na yung tao paligaw ligaw ka pa”
“Di naman kayo kasal ah?” kalmadong tanong ni Bricks, pikon ‘tong si Grey eh.. in 1..2..3
“Eh gago ka pala eh! Pagpinakasalan ko ‘to titigil ka!?” sigaw niya kaya lang nasa pagitan nila akong dalawa kaya di siya maabot ni Grey
“Hindi pa rin, depende kay Monique kung pakakasalan niya ang tulad mo” nagngingitngit na si Grey kaya hinigit ko naman ang laylayan ng uniform niya para umupo
“Grey, tama na. Ikaw din Bricks, wag ka nang dumagdag” pero hinawakan niya lang ang kamay ko at pinatayo. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob ng room
“HOY! TUMINGIN KAYO!” sigaw niya, sakto namang papasok sina Erin at Luke sa kwarto sumunod si Sienna at Seth napalingon naman sina Jade at Denise na nag-uusap sama niyo pa sina Matt at Ivan na nagmumuni muni.
“HINDI PA KAMI NANG BABAENG ‘TO! PERO SINUSUMPA KO! MAPAPASAGOT KO ‘TO!” sigaw niya naghiyawan naman ang mga tao sa loob “Kaya Monique! Maghanda ka.. sa panliligaw ko” with matching kindat
“Wooo! Grey! Kaya mo yan!” sigaw ni Seth nakisabay na din ang iba at ang A-Prince
“So may pag-asa pa ako?” tanong ni Bricks, pinanliitan lang siya ng mata ni Grey
“WALA! HAHA!” sagot ni Grey at tumawa, ako? NGANGA!