Ibinaling ko na lang sa trabaho ang kalungkutang nadama ko sa feeling kong naudlot na 'LOVELIFE' sana namin ni Alden. Nagpaka busy ako araw araw para hindi na ako mag isip. Pag dock ng ship sa Subic agad akong lumuwas ng Maynila para asikasuhin ang mga shops ko. Pero bigo akong hindi siya maalala dahil halos lahat ng endorsements at billboards na nakikita ko everyday sa byahe ay mukha niya. Parang nangaasar pa nga ang mga ngiti niya sa akin e. Ano ba naman to? paano ako makakalimot kung puro siya pa din ang nakikita ko? Ano? Gusto ba ng langit na mangasar? Ano? araw araw akong manghihinayang?
Nasa byahe ako pauwi ng Bulacan galing sa isa nanamang event. Ako lang ang nag da-drive ng sarili kong sasakyan dahil kaya ko naman at hindi ako sanay ng may ibang kasama sa sasakyan. Halos hating gabi na. Pagod na pagod na din ako. Nang mapadaan sa tulay ng Guadalupe nakita ko nanaman ang Napakalaking billboard ni Alden na may hawak ng nakatinidor na chicken fillet ng isang sikat na fast food chain. Nakaka distract nanaman ang ngiti niya. Yung mata niyang tumatagos sa akin. Hininto ko yung sasakyan sa gilid at bumaba sa sasakyan ko at sumandal sa passenger side nito. Tumingala ako para titigan yung pagka laki laki niyang billboard.
"Nakakainis ka naman e. Ano? Ganyan na lang? Titignan mo na lang ako palagi? Ano? Nakalimutan mo na ako? Akala ko ba gusto mo akong makausap? Asan ka na? Halos dalawang linggo na pero wala ka pa ding paramdam. Asan yung sinasabi mong next time?" Para akong baliw na kinakausap yung billboard niya.
"Nakakainis ka! Paasa ka. Ako naman umaasa.." Tapos dinuro ko muna yung billboard niya bago ako sumakay sa kotse ko at mabilis itong pinatakbo. Ang tindi talaga ng epekto ni Alden sa akin. Nakakapagtaka kung bakit ako nagkaka ganito. OA ba ako?! Kahit sino sigurong makakita sa akin sasabihin OO. Kasi wala naman talaga akong dapat ipagka ganito. Ano ba naman yung ilang minutong paguusap? Ano ba naman yung buhatin niya ako at humiga sa matitipuno niyang dibdib? Ano ba naman yung pag himas nya sa ulo ko ng dalawang beses?! Ano ba naman yung sulat na iniwan nya para sabihing next time na lang kami mag meeting?! Diba? Ano ba naman yun para magka ganito ako?! Hay nako baliw na nga siguro ako. Epekto ng walong taong walang love life!
Alas tres ng madaling araw ng makauwi ako ng Bulacan. At nagulat akong gising si Mommy. Agad ko siyang hinalikan sa pisngi at niyakap.
"Oh Ma, kagigising mo lang?" Kasi nakita ko siyang nag titimpla ng kape.
"Hindi pa ako natutulog anak. Hinintay kasi kita. Nag aalala kasi ako sayo." Sabi nito.
"Parang di pa kayo nasanay sa uwi ko Ma. Keri lang yan." Tapos niyakap ko ulit siya.
"Yun nga Meng e. Kahit kailan hindi ako masasanay na madaling araw ka na umuuwi. Okay lang na hindi ka umuwi pag nasa barko ka, syempre nasa dagat ka. Pero pag nandito ka sa lupa, nag aalala ako gabi gabi sayo. Natatakot ako na baka maaksidente ka habang bumibyahe dahil sa kapaguran." Bakas ang pag aalala sa tinig ni Mama.
"Ano ka ba Ma? Kaya ko 'to. Strong girl kaya ako." Tapos tinaas ko pa ang braso ko na parang pinapakita ang muscle ko. Natawa naman si Mama.
"Ikaw talagang bata ka. Kahit kailan hindi ka makausap ng matino." At umiling iling na lang ito.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya.
"Yes Ma. Kanina pa po." Napansin kong parang may gusto pang sabihin si Mama.
"Nako Ma, alam kong may gusto ka pang sabihin. Sige na sabihin mo na.." Kahit kailan talaga tong Nanay ko hindi marunong mag keep ng secrets. Atat agad yung mukha at kilos e.
"Eh kasi Meng, nag usap kami ng Dad mo. You know how much we love you right?" Para naman akong kinabahan sa tono ni Mama.
"Bakit Ma, may nangyari ba?" Huwag naman po sanang may sakit sa kanila.
BINABASA MO ANG
Serendipity [AlDub Fanfic]#AlDub Love Story #KiligPaMore
FanfictionTADHANA Sa hindi inaaasahang pagtatagpo ng mga mundo.. May minsan lang na nagdugtong, damang dama na ang ugong nito.. Di pa ba sapat ang sakit at lahat, na hinding hindi ko ipararanas sa'yo? Ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pag-sinta.. B...